Pantawid Vinzons Camarines Norte

  • Home
  • Pantawid Vinzons Camarines Norte

Pantawid Vinzons Camarines Norte Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pantawid Vinzons Camarines Norte, Public & Government Service, .

24/06/2022
MOO-Vinzons is one in celebration with non-binary individuals and groups in uplifting their voices, celebrating their cu...
24/06/2022

MOO-Vinzons is one in celebration with non-binary individuals and groups in uplifting their voices, celebrating their culture, and supporting their rights. These pictures symbolize our strong support for SOGIE and Gender Equality with the vision that in time, we will live in an equitable and inclusive world where anyone is safe, loved, celebrated, empowered, and accepted.

Indeed, with different colors, there is dignity. In different shades, there is unity. In diverse beings, there should be solidarity.

We are their ally and we take it with PRIDE!



.

Pangunahing Kaalaman sa PagbabangkoNaaalala n’yo pa ba ang mga napag-aralan nating sessions noong eFDS 12, eFDS 19, at e...
10/06/2022

Pangunahing Kaalaman sa Pagbabangko
Naaalala n’yo pa ba ang mga napag-aralan nating sessions noong eFDS 12, eFDS 19, at eFDS 24? Tinuruan tayo rito kung paano at saan maaaring mag-impok, ano ang ibig sabihin ng transaction account, at paano mabigyang-proteksyon ang bawat konsyumer. Natalakay din natin ng bahagya kung anu-ano ang benepisyo ng pag-iimpok sa bangko at ang ilan sa mga karagdagang serbisyong pampinansyal para sa mga may bank account.
Bilang pagpapatuloy at pagpapalalim, atin namang alamin sa buwang ito ang ilan sa mga karagdagang kaalaman sa pagbabangko tulad ng pagpili ng tama o akmang account, mga benepisyo ng pagbabangko, iba’t ibang uri ng accounts at proseso ng pagbubukas nito.
Isulat ang iyong sagot sa gawain at pagninilay sa iyong booklet na ibinigay ng iyong City/Municipal Link/ Community Facilitator o di kaya sa iyong talaarawan. Siguraduhing ito ay iyong ibibigay sa iyong City/Municipal Link/ Community Facilitator bago ang itinakdang araw ng pagpasa sapagkat ito ang magiging batayan ng iyong compliance sa eFDS ngayong Hunyo 2022.
Ilabas na ang inyong mga talaarawan at nating aralin ang eFDS na ito.

 : AKTIBONG MAMAMAYAN SA PANAHON NG HALALANAng DSWD, partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay kaisa ...
15/04/2022

: AKTIBONG MAMAMAYAN SA PANAHON NG HALALAN

Ang DSWD, partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay kaisa ng buong sambayanan tungo sa isang malinis at mapayapang eleksyon sa darating na May 9, 2022.

Kaya naman sa eFDS natin sa buwang ito, ating pag-aralan ang ilan sa mga pangunahing kaalaman upang malayang makalahok, makapili ng mga pinuno, at makapagbahagi ng saloobin ang bawat isang sa darating na halalan.

Tinutugunan din ng eFDS na ito ang layunin ng programa na patuloy na makapagbigay ng tamang impormasyon upang mapalakas ang bawat pamilyang Pilipino upang makamit natin ang higit na maayos na pamamahala o . Kasama din dito ang pagtalakay sa mga suliranin na maaaring kaakibat ng iba’t ibang gawain sa panahon ng kampanya.

Simulan na natin, mga ! tayo: MAGBANTAY, MAKIALAM, MAKILAHOK SA HALALAN 2022!

(Ang na ito ay isang alternatibong pagsasagawa ng Family Development Session (FDS) ng Pantawid Pamilya hatid sa mga benepisyaryo ng programa upang patuloy na makapagbigay-kaalaman sa panahon ng krisis pangkalusugang dulot ng COVID-19)

PAGHARAP SA PROBLEMA BILANG PAMILYAAng pamilyang tungo Sa Matatag at Sa Matagumpay na buhay ay   na humaharap sa mga ham...
02/03/2022

PAGHARAP SA PROBLEMA BILANG PAMILYA

Ang pamilyang tungo Sa Matatag at Sa Matagumpay na buhay ay na humaharap sa mga hamon ng buhay!

Sa panahon ngayon, maaaring mas mahirap ang mapanatiling malusog, ligtas, at mapayapa ang ating pamilya, lalo na’t mayroon tayong kinakaharap na pandemya.. May mga panahong hindi maayos ang relasyon sa pamilya at may mga mabigat na isyung hinaharap ang bawat isa - sa hanapbuhay, eskwela, o relasyon sa iba. Mahalagang malaman natin kung paano tayo makatutulong sa ating anak kung sila ay nasa mahihirap na mga sitwasyon. Kapag nagpakita tayo ng halimbawa ng mapayapa, mapagmahal, at mapagmalasakit na relasyon, mapapanatag ang ating pamilya at makakaramdam ng kaligtasan at pagmamahal.

Sa eFDS na ito, pag-uusapan natin ang positibong pananalita, pakikiramay, at paghahanap ng solusyon bilang mga paraan upang tugunan ang mga isyu sa pamilya nang makatulong sa pagbuo ng masayang tahanan.

Isulat ang iyong sagot sa gawain at pagninilay sa iyong booklet na ibinigay ng iyong City/Municipal Link/ Community Facilitator o di kaya sa iyong talaarawan. Siguraduhing ito ay iyong ibibigay sa iyong City/Municipal Link/ Community Facilitator bago ang itinakdang araw ng pagpasa sapagkat ito ang magiging batayan ng iyong compliance sa eFDS ngayong Marso 2022.

Simulan na natin ito!

Mga Paalala 🙂
26/04/2021

Mga Paalala 🙂

Magandang Araw!Narito po ulit ang malinaw na eksplenasyon mula sa kadalasan tanong ng 4p's beneficiaries sa nakaraang SA...
18/04/2021

Magandang Araw!

Narito po ulit ang malinaw na eksplenasyon mula sa kadalasan tanong ng 4p's beneficiaries sa nakaraang SAP 2020

Ang Pugay Tagumpay 2021 ay isinagawa noong Pebrero 24, 2021 sa Vinzons Pilot High school. Ang layunin nito ay mabigyang ...
26/02/2021

Ang Pugay Tagumpay 2021 ay isinagawa noong Pebrero 24, 2021 sa Vinzons Pilot High school. Ang layunin nito ay mabigyang parangal o pagkilala ang 73 4Ps beneficiaries na nagtapos na sa programa. Ang seremonyang ito ay dinaluhan ng mga partner stakeholders mula sa lokal na pamahalaan ng Vinzons, Camarines Norte sa pamumuno ni Hon. Eleanor F . Segundo, Hon. Jay G Pimentel, at ang kanyang mga kasama sa Sangguniang Bayan, Hon. Jose T. Segundo, Hon. Ligaya H. Heraldo, at iba pang kawani ng LGU Vinzons, Regional Program Management Office, at Provincial Operations Office ng DSWD.

Ang programa ay labis na nagpapasalamat sa lokal na pamahalaan ng Vinzons dahil sa hindi matawarang suporta at pagtanggap sa mga nagtapos na sambahayan, at sa patuloy na pagbibigay ng akmang intervention at serbisyo patungo sa tuloy tuloy na pag angat ng kanilang pamumuhay.

♥️
03/12/2020

♥️

Isinagawa ngayong araw ang Municipal Convergence Council (MCC) meeting sa Our Lady of Fatima Shrine, Barangay Calangawan...
03/12/2020

Isinagawa ngayong araw ang Municipal Convergence Council (MCC) meeting sa Our Lady of Fatima Shrine, Barangay Calangawan Sur, Vinzons, Camarines Norte.

Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng tatlong program ng DSWD (4Ps, KALAHI-CIDSS, at SLP), LISTAHANAN, LGU-Vinzons, Barangay Officials, at iba pang partner stakeholders.

Layunin ng pagpupulong na makapagbigay ng regular updates ang bawat programa, maipresenta ang iba't-ibang plano, at mas lalo pang mapatatag ang pagtutulungan ng LGU at DSWD tungo sa Mas maagap at mapagkalingang serbisyo.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pantawid Vinzons Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Government Service?

Share