12/03/2026
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Chrysanthemum na nais mag NEW REGISTRATION, TRANSFER, o REACTIVATION ng kanilang voterโs registration para sa nalalapit na Barangay at SK Elections.
๐
March 13, 2026
โฐ 8:AM - 4:PM
๐ Barangay Chrysanthemum โ 2nd Floor Session Hall
Mga Kailangan Dalhin: Magdala lamang po ng isang (1) photocopy ng valid ID na may malinaw na buong pangalan, litrato, at tamang address.
โ๏ธ Mga Tinatanggap na ID:
โข National ID
โข Passport
โข Postal ID
โข SSS / GSIS / UMID
โข PWD ID
โข IBP ID
โข Student ID (SY 2024โ2025 & 2025โ2026)
โข PRC ID
โข Senior Citizen ID
โข NBI Clearance
โข Driverโs License
โ Hindi Tinatanggap:
โข Barangay ID / Certification
โข Police Clearance
โข Cedula
โข Expired IDs
๐ Kung ang address sa inyong ID ay hindi pa updated, maaari po kayong magpakita ng Utility Bill o Certificate of Residency mula sa barangay.
Hinihikayat ko po ang lahat na magparehistro at maging bahagi ng malinis at maayos na halalan. Ang bawat boto ay mahalaga sa patuloy nating pag-unlad bilang isang komunidad.
Maraming salamat po at inaasahan ko ang inyong pakikiisa.
Sa loob ng mga nagdaang taon, sama-sama nating pinatunayan na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas nagiging maayos, mas malinaw, at mas makatarungan ang pamamahala. Ang bawat hakbang na ginagawa natinmula sa mga proyekto, programa, hanggang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ay bunga ng pakikipagtulungan at tiwala ng mamamayan sa kanilang pamahalaan sa barangay.
Bilang inyong lingkod, patuloy nating itinataguyod ang prinsipyo ng โHayag, Tapat at Pantay-pantay na Pamamahala.โNgunit higit itong nagiging makabuluhan kung ang bawat mamamayan ay may pagkakataong makilahok at pumili ng mga lider na maglilingkod sa komunidad.
Ang kinabukasan ng ating barangay ay nasa ating mga kamay. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyo para sa Barangay Chrysanthemum.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat.
โKap Resty