14/09/2026
Ngayong umaga sa ating Flag Raising Ceremony, sa mensaheng hatid ni Junior Mayor Mitch Aranas, sa ngalan ni Mayor Vico Sotto, binigyang diin niya ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa pamahalaan.
Sa loob ng kanilang deployment, nakasama ang kabuuang 47 kabataang Pasigueño sa kanilang mga counterpart na elected official at department heads/officers in charge. Sa pamamamagitan nito, nakita nila nang mas malapitan kung paano gumagana ang pamahalaan at kung gaano kahalaga ang tapat, maayos at may prinsipyong paglilingkod sa bayan.
Sa ating mga Junior City Officials higit maaari kay Ms. Jilliane Rangel na aking naging Junior City Official, maraming salamat sa inyong oras, sigasig at pakikilahok.