16/06/2026
ALAM N’YO BA? | 2026 National Crime Prevention Program (NCPP)
Layunin ng National Crime Prevention Program (NCPP) 2026 na pababain ang antas ng krimen at lalong mapalakas ang kaligtasan ng bawat komunidad sa buong Pilipinas.
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 120 na inilabas ng Office of the President, hinihikayat ang lahat ng Lokal na Pamahalaan sa aktibong pag suporta at pagpapatupad ng NCPP 2026 sa pamamagitan ng mga programang magtataguyod ng:
✅ Kapayapaan
✅ Kaayusan
✅ Kaligtasan ng publiko
Maaaring makipag-ugnayan ang mga LGUs sa National Police Commission (NAPOLCOM) at Philippine National Police (PNP) para sa epektibong pagpapatupad nito.
Patuloy na isinusulong ng DILG ang ligtas, matatag, at maayos na pamayanan. At, sa pamamagitan ng Unified 911, makatitiyak ang publiko ng agarang tulong mula sa ating mga pulis, bumbero, rescue teams, at mga LGU anumang oras.
Basahin ang buong detalye ng Memorandum Circular sa link na ito: https://tinyurl.com/37cm3n6c