28/05/2026
๐ ๐ฎ๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ผ๐น๐ผ๐บ๐ผ๐น๐ผ๐ธ, ๐ฆ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ผ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐.
Matagumpay na idinaos ang Mass Castration activity sa Barangay Poblacion, Polomolok ngayong Mayo 26, 2026. Sa kabuuan, 40 pets โ 10 a*o at 30 na pusa, ang sumailalim sa libreng operasyon. Benepisyaryo nito ang 28 fur-parents na nakilahok sa adbokasiya ng responsible pet ownership at pagkontrol ng populasyon ng mga alagang pusaโt a*o.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamumuno ni Provincial Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr., lokal na pamahalaan ng Polomolok sa ilalim ni Mayor Bernie D. Palencia at Barangay Poblacion na pinamumunuan ni Kapitan Jesse G. Bontuyan.
Sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Veterinarian, City Veterinary Office of Tacurong, Office of the Municipal Agriculturist ng Banga, GSC Pet Care Center-Polomolok at Pinetown Veterinary Clinic, matagumpay na nakiisa ang mga volunteer veterinarians sa nasabing aktibidad. Nagbahagi rin ng suporta ang mga pribadong sektor gaya ng Charoen Pokphand Foods-Glamang Farm at Pilmico Foods Corporation.
Kaalinsabay nito, may kabuuang 103 a*oโt pusa ang nabakunahan laban sa rabies. Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng OPV-South Cotabato at OMAG-Polomolok sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta upang makamit ang isang Rabies-free na South Cotabato.