Ang Santoleño

Ang Santoleño PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG SANTOLAN, DIBISYON NG PASIG, NCR

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢!May mga tanong na araw-araw nating naririnig sa classroom, pero ngayong Buwan ng mga G**o, ma...
29/09/2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢!

May mga tanong na araw-araw nating naririnig sa classroom, pero ngayong Buwan ng mga G**o, may mga tanong naman tayong nais ibalik sa kanila.

Hindi lamang lesson at classroom ang bahagi ng pagiging g**o. May sarili rin silang mga kuwento, interes, karanasan, at munting bagay na bumubuo sa kanilang buhay bilang isang g**o.

Sa temang “𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿, 𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗡𝗮𝗺𝗮𝗻,” pagkakataon nating kilalanin ang mga g**ong kasama natin sa pagkatuto mula sa panibagong anggulo—kung ano ang kanilang kuwento, pananaw, at mga bagay na nais din nilang ibahagi.

Mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, makiisa sa Pambansang Buwan ng mga G**o 2026 at bigyang-puwang naman ang kanilang mga kuwento!

𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳, 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯.

Caption ni: Angela Escalona
Pubmat ni: Kiyumhie Valdez

𝐏𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧, 𝐭𝐢𝐧𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐒𝐄𝐄Hirap makita ang mga leksiyon sa telebisyon, nag...
29/09/2026

𝐏𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧, 𝐭𝐢𝐧𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐒𝐄𝐄

Hirap makita ang mga leksiyon sa telebisyon, nagdodobleng mga titik, at paglaktaw sa mahahalagang salita habang nagbabasa—ilan lamang ito sa mga hamong nararanasan ng mga mag-aaral ng Santolan High School dahil sa malabong paningin.

Upang tugunan ang mga suliraning ito na direktang nakakaapekto sa pagkatuto at pag-unawa ng mga bata, isinailalim sa libreng eye examination at bibigyan ng resetang salamin ang kabuuang 166 na piling mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 12 sa pamamagitan ng PROJECT SEE (Supporting Eyesight for Education) ngayong Setyembre 23 sa SBM Multimedia Center.

Isinagawa ang proyekto batay sa mga obserbasyon at rekomendasyon ng mga g**o sa mga mag-aaral na napansing nahihirapang magbasa, magsulat, o tumingin sa pisara. Sa kabuuang 166 na nasuri, lumabas sa resulta na 100% o lahat sa kanila ay natukoy na may problema sa paningin at nangangailangan ng corrective lenses—isang resultang itinuturing ng pamunuan ng paaralan bilang isang malaking eye-opener.

"Sa totoo lang, nakakabigla at nakalulungkot malaman na napakaraming estudyante ang may mataas na grado ng mata ngunit hindi nila ito namamalayan. Mas naging malinaw sa amin na maaaring matagal na nilang nararanasan ang malabong paningin at iniisip lamang na normal ito," pahayag ng isa sa mga g**ong nag-asikaso ng programa.

Ang PROJECT SEE ay nakadisenyo bilang suporta sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), kung saan nakatutok din ito sa mga mag-aaral mula sa ARAL at Special Needs Education (SNED) sectors. Ayon sa pamunuan, mahalagang mai-integrate ang mga batang ito dahil ang malabong paningin ay nagiging karagdagang malaking balakid sa mga mag-aaral na nangangailangan na ng karagdagang academic support.

Ayon sa performance indicator ng programa, target nitong maabot ang hindi bababa sa 75% ng mga natukoy na benepisyaryo upang makatanggap ng libreng serbisyo sa mata. Kasabay nito, inaasahan ding 75% sa kanila ang magpapakita ng mas maunlad na partisipasyon sa klase at akademikong performans batay sa obserbasyon ng mga g**o matapos magamit ang mga salamin.

Sa kabilang banda, ipinahayag ng mga benepisyaryong mag-aaral ang kanilang kagalakan sa natanggap na tulong habang ibinabahagi ang kanilang pang-araw-araw na pagsubok sa silid-aralan.

"Mahirap kapag sa bandang likod ka nakaupo kasi hindi mo makikita nang maayos 'yung naka-flash sa TV. Pati na rin kapag test namin, natatagalan akong magsagot kasi kailangan singkitin ko pa 'yung mata ko para luminaw nang kaunti 'yung nakikita ko," ayon sa isang mag-aaral na benepisyaryo.

Ayon naman sa ulat ng Insight Vision at Vision Rehab Associates, aabot sa humigit-kumulang 80% ng mga impormasyong kinakailangan sa pag-aaral ay dumadaan sa paningin. Ipinaliliwanag ng mga eksperto na kapag may problema sa mata ang isang bata—tulad ng pagpilit sa pagpokus o hindi maayos na pagsubaybay ng mga mata sa salita (tracking)—nauubos ang kaniyang lakas sa pisikal na pagsisikap na makakita sa halip na pag-unawa at pagpoproseso ng kaniyang binabasa o reading comprehension.

Bilang susunod na hakbang at para sa accountability ng programa, ipamamahagi ang mga prescription eyeglasses sa mga mag-aaral sa sandaling makumpleto ng partner eye clinic ang proseso ng paggawa nito.

Upang masuri kung naging epektibo ang libreng salamin, hindi lamang paningin ang titingnan kundi masusing imo-monitor ng paaralan ang kanilang academic performance at classroom participation ng mga benepisyaryo. Ikukumpara ng mga g**o ang performance ng mga bata mula Term 1 hanggang Term 3 sa pamamagitan ng kanilang mga grado, reading performance, at feedback mula sa mga magulang at g**o upang matiyak na ang proyekto ay tunay na nakatulong sa kanilang pagkatuto.

Sources: https://insightvisionoc.com/article/understanding-reading-writing-and-vision/

https://www.visionrehabassociates.com/blog/can-eye-problems-cause-reading-problems.html

Isinulat ni: Loue Jhay Gallardo
Larawang kuha nina: Gabrielle Xenel Rojo at Loue Jhay Gallardo
Pubmat ni: JM O. Santos

26/09/2026

𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗧𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮, 𝗡𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗼𝗹𝗶𝗱𝗮𝘆

Habang nagpapatuloy ang regular na klase, buhay na buhay naman sa mga lansangan ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Barangay Santolan.

Mula sa misa at prusisyon hanggang sa mga palaro, banchetto, paninda, salu-salo at iba pang gawaing pampamayanan, patuloy na dinarayo at nilalahukan ng mga residente ang taunang selebrasyon.

Ngunit kasabay ng kasiyahan ang isang sitwasyong kapansin-pansin sa mga paaralan: may mga mag-aaral na hindi na pumapasok sa klase upang makibahagi sa pagdiriwang kasama ang kanilang pamilya at komunidad.

Dito pumapasok ang tanong kung sapat bang ituring lamang na ordinaryong araw ng pasok ang petsa ng kapistahan gayong bahagi na ito ng nakagisnang buhay at kultura ng maraming Santoleño.

Ang pagkilala rito bilang lokal na holiday ay maaaring magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral, g**o, manggagawa at pamilya na makilahok sa mga gawaing panrelihiyon at pangkomunidad nang hindi kailangang mamili sa pagitan ng pagpasok at pakikiisa sa tradisyon.

Higit sa isang araw ng kasiyahan, ang pista ay bahagi rin ng pagkakakilanlan ng isang pamayanan.

Kaya para sa Santolan, isang paksang maaaring pag-usapan ng komunidad at mga kinauukulan ang tanong:

Panahon na bang kilalanin bilang lokal na holiday ang Kapistahan ng Barangay Santolan?

Ikaw, Santoleño, sang-ayon ka bang gawing lokal na holiday ang araw ng kapistahan?

Ibahagi ang iyong pananaw sa comment section.

Reporter:
Shah A. Mayo

Interviewer:
Shah A. Mayo
Kaitleen Almendo

Scriptwriter:
Kaitleen Almendo

Videographer:
Kaitleen Almendo

Video Editor:
Kaitleen Almendo

26/09/2026

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐋𝐀𝐍 𝐇𝐒, 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐍!

Maalab na pagbati para kay 𝗝𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗩. 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗶𝗼 ng Grade 10-Juan Nakpil sa pagkamit ng 𝟏𝐬𝐭 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐢𝐠𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐤𝐡𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 bilang paggunita sa Ika-147 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Lope K. Santos, handog ng Pasig City Tourism, Culture and Arts Department.

Sa pamamagitan ng iyong mga salita, naipamalas mo ang husay at malikhaing tinig ng kabataang Santoleño. Ipinagmamalaki ka namin, Jiliana!

Tagapagsanay: G. Paul John S. Arellano

________________________________

Narito ang kaniyang ipinanalong piyesa sa malikhaing pagsulat ng sanaysay:

𝘚𝘈𝘓𝘈𝘔𝘐𝘕 𝘕𝘎 𝘗𝘈𝘕𝘈𝘏𝘖𝘕
𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗞𝗥𝗢𝗞𝗢𝗦𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡
𝘛𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘐𝘭𝘰𝘨 𝘗𝘢𝘴𝘪𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘬𝘢, 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘯𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯.

𝓃𝒾 𝒥𝒾𝓁𝒾𝒶𝓃𝒶 𝑅𝑒𝓃𝒸𝑒 𝒱. 𝒮𝒾𝓁𝓋𝒾𝑜

Isang titik lamang ang “K” sa pangalan ni Lope K. Santos.

Ngunit sa kasaysayan, ang letrang ito ay kayang magdala ng nakaraan. Ang panulat niyang hindi lamang nanatili sa lokal kundi mayayakap at ginagamit ng bayan. Marahil ang kaniyang ambag sa kasaysayan ay hindi lang pamanang nababasa sa aklat kundi nabubuhay sa bawat tao—ang mga Pasigueño.

Dito nagiging salamin ang wika at panitikan ng Pasig.

Ang salaming hindi lang ganda ng lungsod ang ipinakikita, kundi pati na rin ang peklat at pagkukulang dulot ng nakaraan.

Tulad ng ambag ni Lope K. Santos, sa mga akda niyang tumalakay sa usaping panlipunan makikita na ang lungsod ay hindi lamang magandang imaheng dapat purihin at pahalagahan. Ito ay mikrokosmo ng bayan, dahil sa panulat niyang naging tanyag sa lungsod tungo sa mas malaking sakop ng bansa.

𝙒𝙄𝙆𝘼: 𝙃𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙋𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙡𝙖𝙧𝙞𝙡𝙖

Kapag nababanggit ang pangalan ni Lope K. Santos, marahil ang unang sasagi sa ating isip ay siya bilang “Ama ng Balarilang Wikang Pambansa”, ngunit masyadong mababaw kung dito lang natin siya kilala.

Ang balarila ay hindi lamang ginagamit upang itama ang gramatika ng wikang pambansa.

Ito ang naging sandata ni Lope K. Santos upang maipahayag pa ang ilan sa kaniyang mga akda.

Sa Banaag at Sikat hindi niya ginawang museo ang lungsod bagkus ipinakita niya rito ang mga paksang tumatalakay sa paggawa, pagkakapantay-pantay, tunggalian at pag-asa sa pagbabago.

Dito papasok na hindi niya nilagyan ng filter ang kaniyang mga akda. Hindi para pakinisin ang mukha ng Pasig kundi ipinakita ang tunay nitong mukha—ang mukhang mayroong peklat, bitak at butas ng nakaraan.

At dahil sa makasaysayang ambag niya sa ating lungsod, hindi lang ito nananahimik at naging alaala—ito ay patuloy na binubuhay ng kasalukuyan.

𝘼𝙇𝘼𝘼𝙇𝘼: 𝘼𝙣𝙜 𝙇𝙪𝙣𝙜𝙨𝙤𝙙 𝙣𝙖 𝙉𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙨𝙞𝙙

May mga alaala ang nananatili sa kasalukuyan.

Sa Pasig, maririnig mo ang tawaran sa palengke, busina ng mga sasakyan, batingaw ng simbahan at mga yabag ng mga bata sa lansangan.

Magkakaiba ang ingay na pinanggalingan, ngunit mayroong isang patutunguhan.

Sa kabila ng ingay na maririnig sa lungsod na ito—naroon pa rin ang mga yapak ng magigiting na Batampasig. Ang mga Pasigueñong nag-alay ng kanilang buhay na ngayo’y bitbit pa rin ng kasaysayan.

Marahil hindi na natin kailanman maririnig ang katapangan at paninindigan na mayroon sila. Ngunit mananatili pa rin ang kanilang pangalan sa aklat, ang katapangan sa sambayanan at paninindigan na mamanahin ng kasalukuyan.

𝙆𝙐𝙇𝙏𝙐𝙍𝘼: 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙏𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣

Hindi lang binabasa at inaalala ang kultura.

Sa Pasig, ito ay inaawit.

Ang Mutya ng Pasig kung pakikinggan—marahil isang lumang awitin lang para sa kabataan. Ngunit sa kasaysayan, mayroon itong malaking ambag sa ating pagkakakilanlan.

Ito’y naging salamin ng ating panitikan.

Nakita nito ang pagiging malikhain at napalawak ang imahinasyong Pasigueño.

Ang Mutya ng Pasig—kapag ito ay inawit, hindi lamang natin binabalikan ang nakaraan kundi muli natin itong binubuhay.

Nagiging repleksiyon ito upang mapahalagahan at lalong ingatan ang panitikang Pasigueño na siyang humubog at parte ng ating pagkatao.

Ang Pasig ay mikrokosmo ng bayan.

Gaya ng kulturang mayroon dito, nakikita rin ito sa malawak na sakop ng ating bansa. Magkakaiba man ang mga awit na mayroon sa bansa, iisa lamang ang tungkulin nito—ang buhayin ang kultura at awiting nagbuklod sa pagkakakilanlan ng bawat Pasigueño at Pilipino.

𝙋𝘼𝙈𝘼𝙉𝘼: 𝙉𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖

Ang pamana ay maaaring materyal na bagay.

Sa ating lungsod, ito ay pahina ng tapos na kuwento ng mga ninuno.

Sa pamamagitan ng panulat ni Lope K. Santos muli nating babalikan kung paano ba nito hinulma ang bawat Pasigueño. Sa mga akda na nagbigay ng malaking ambag sa nakaraan, tuluyan itong maipapasa sa mga kabataan.

Kabataan ang tagapagmana ng tapos na pahina. Hindi ito iniwan upang basahin at maging alaala.

Iniwan ito upang ipagpatuloy ng mga kabataan, hindi lang bilang Pasigueño kundi pati na rin ang pagka-Pilipino.

Dito nagiging mas makabuluhan ang gawa ni Lope K. Santos.

Hindi upang ihiwalay ang lokal sa pambansa ngunit upang ito’y maging tanda ng kasaysayang nagbubuklod sa iisang bayan.

Dito pinahahalagahan ang wika: ito ay pinag-aaralan, itinuturo upang maipasa sa susunod pang henerasyon, nililinang at pinahahalagahan.

Hindi natin hahayaang maging abo ang kasaysayan sa kasalukuyan.

Dahil tayo balang araw, ang magiging nakaraan.

𝙋𝘼𝙂𝙆𝘼𝙆𝘼𝙆𝙄𝙇𝘼𝙉𝙇𝘼𝙉: 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙉𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜

Dito nagiging salamin ng lungsod ang wika at panitikang hinubog ng ating kasaysayan.

Ang tunay na salamin ay ipinakikita ang totoong mukha nang hindi kailangang pagandahin o takpan ang bakas ng nakaraan na mayroon ito.

Sa Pasig hindi lamang tanyag ang matataas na gusali, nagagandang kalsada o modernong pamayanang mayroon ito.

Mayroon pa itong mas malalim na pagkakakilanlan na dapat maunawaan ng bawat Pasigueño: ang kultura, wika, kasaysayan at pagkakakilanlan ng bawat mamamayan sa lungsod nito.

Ang akda at pamana ni Lope K. Santos na nabubuhay sa puso at diwa hindi lang sa mga Pasigueño kundi pati na rin sa atin bilang Pilipino.

Kapag nakikita natin ang mukha ng Pasig, hindi lamang iisang mukha ang makikita rito.

Nakikita natin ang mukha ng isang Pasigueñong si Lope K. Santos na hindi lang lungsod ang sinakop ng panulat kundi ito’y lumaganap tungo sa mas malawak na bansa.

Nakikita natin ang mukha ng mga Batampasig na nagpakita ng tapang at kagitingan sa bayang ating kinalakihan.

At nakikita rin natin ang ating sarili—ang salamin ng pagka-Pasigueño.

Ang Pasig bilang mikrokosmo ng bayan ay hindi lamang tungkol sa pagkakakilanlan o karanasan mula sa nakaraan.

Ito ay maihahalintulad sa mga Pasigueñong nagpakita ng tibay ng loob tulad ng mga taong inialay ang buhay para sa bayan—ang himagsikan at pagsakop na nangyari sa ating bansa.

Sa pangyayaring ito, magkakaiba ang sakripisyo ngunit iisa lang ang naging layunin nito—ang manindigan sa bayang kinalakihan.

Sa mga ambag ng kultura, kasaysayan, wika at panitikan—muling nakikilala ng bayan ang kaniyang sarili.

Hindi para makita ang maganda nitong imahe kundi para ipakita ang kasaysayang bumuo sa bawat Pasigueño.

Tulad ng panulat ni Lope K. Santos, ito ay patuloy na nagsasalaysay at ikinukuwento ang kasaysayang kailanman ay hindi malilimutan ng bawat mamamayan.

Kapag ang bayan ay patuloy na isinasalaysay at ipinapasa sa bawat henerasyong dumadaan, hindi nito kailanman malilimutan ang pagkakakilanlan na kaniyang pinagmulan.

At kapag nakita nito ang sarili nitong mukha, naroon ang mukha na humubog sa ating pagkatao—ang salamin ng pagka-Pasigueño.

20/09/2026

𝐄𝐩𝐞𝐤𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐠𝐧𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐆𝐮𝐢𝐝𝐞𝐥𝐢𝐧𝐞𝐬, 𝐍𝐚𝐬𝐢𝐩𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐫𝐝; 𝐄𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐆𝐮𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐏𝐢𝐧𝐮𝐥𝐬𝐮𝐡𝐚𝐧

Kasabay ng panibagong school year ang mga pagbabago sa sistema ng pagkilala sa mga mag-aaral. Kaugnay nito, iba’t ibang pananaw ang lumalabas mula sa mga estudyante, g**o, at magulang tungkol sa pagbabagong ito.

Sa gitna ng pagbabago, nananatiling mahalagang marinig ang kanilang mga saloobin at karanasan. Paano nila tinitingnan ang bagong sistema at ang epekto nito sa kanilang buhay-paaralan?

Reporter:
Marian Pasag

Scriptwriter:
Kaitleen Almendo
Marian Pasag

Interviewer:
Kaitleen Almendo
Marian Pasag

Videographer:
Kaitleen Almendo

Video Editor:
Kaitleen Almendo

𝗚𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗼 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻: 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗘𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲?Ni: Suzaine Cassandra M. RepiaSa bawat araw, samu’t saring ...
15/09/2026

𝗚𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗼 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻: 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗘𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲?
Ni: Suzaine Cassandra M. Repia

Sa bawat araw, samu’t saring hamon ang kinakaharap ng mga estudyante. Magkakasabay na pasanin, mga tungkulin sa tahanan, mahabang pagbibiyahe, mabigat na inaasahan mula sa paaralan at pamilya, mga alituntunin sa Iskolarship, at takot sa hinaharap—lahat ng ito ay maaaring mag-unahan at magsulputan sa iisang araw. Sa ganitong kalagayan, madaling isipin na kailangang mamili ang isang estudyante, mataas na grado o mabuting kalusugan?

Ngunit maaaring mali ang tanong na iyon. Sapagkat, bakit kailangang malagay ang estudyante sa sitwasyong kailangan niyang isakripisyo ang isa para sa isa?

Parehong mahalaga ang academic performance at kalusugan. Ang mas mahalagang tanong ay kung bakit may mga pagkakataong tila kailangan ng isang estudyante na isuko ang tulog, oras, kalusugan, at kapakanan upang makasabay sa mga hinihingi ng edukasyon.

Ayon sa Department of Education (DepEd), humigit-kumulang 74% mag-aaral sa high school ang nakakaranas ng matinding stress dahil sa pressure sa eskwelahan at mga problema sa relasyon. Sa Pilipinas at maging sa buong mundo napakalaki ng porsyento ng mga mag-aaral na nakakaranas ng akademikong stress.

Hindi rin makatarungang sabihin na ang grado ay hindi mahalaga. Dahil para sa ilang estudyante, ang mataas na marka ay hindi simpleng paghahangad ng validation o pagkilala. Maaari itong maging kondisyon para manatili sa iskolarship, makapasok sa mga programa, maging kwalipikado sa mga unibersidad, o makakuha ng mga akademikong oportunidad. Para sa isang estudyanteng hindi kayang magbayad ng pribadong paaralan, maaaring ang mataas na marka ang maging isa sa iilang daan upang makapagpatuloy sa pag-aaral.

May materyal na consequence ang grades.
Kaya bago sabihin na “hindi naman sukatan ng tunay na tagumpay ang grado,” kailangang kilalanin muna kung ano ang maaaring mawala sa isang estudyante kapag bumaba ang kanyang marka. Maaaring iskolarship ang mawala, baon ay mabawasan, oportunidad ay hindi makuha, dagdag na gastos ang pasanin ng pamilya, o maging dahilan ng pagkaantala sa pagtatapos.

Hindi pare-pareho ang presyo ng pagkabigo para sa bawat estudyante.

Para sa isang estudyanteng may sariling laptop, tahimik na lugar para mag-aral, tutor, sapat na pagkain, at suportadong pamilya, maaaring maging learning experience lamang ang isang mababang marka. May oras at resources siyang bumawi.

Ngunit paano ang estudyanteng umaasa sa scholarship? Paano ang nagtatrabaho pagkatapos ng klase upang may pamasahe kinabukasan? Paano ang nag-aalaga ng kapatid, tumutulong sa negosyo ng pamilya, o nakikihati sa iisang cellphone para makagawa ng requirements?

Para sa kanila, ang isang mababang marka ay maaaring magkaroon ng mas mabigat na epekto.

Totoong may matututuhan sa pagkabigo. Ngunit hindi lahat ay may parehong safety net para makabawi. Ang isang estudyanteng may tutor, sariling kuwarto, maaasahang internet, at suportadong pamilya ay may ibang recovery capacity kumpara sa estudyanteng kailangang magtrabaho, mag-commute nang ilang oras, o umuwi sa tahanang may iba pang responsibilidad na naghihintay.

Kaya hindi sapat ang simpleng payo na “okay lang bumagsak” o “matuto ka sa failure.” Maganda itong prinsipyo, ngunit nagiging kulang kapag hindi isinasaalang-alang ang kalagayan ng estudyante.

Sa huli, hindi dapat maging “grado o kalusugan” ang pagpipilian.

Ang mataas na grado ay may halaga. Ang kalusugan ay may halaga. Ang tunay na hamon ay kung paano makagagawa ng sistemang nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na makamit ang academic success nang hindi ginagawang normal na kapalit nito ang kawalan ng tulog, labis na stress, at pagkasira ng kanilang pisikal at mental na kalagayan.

Pubmat na nilikha ni: Kiyumhie Valdez

𝟰-𝗽𝗲𝗮𝘁 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻!𝐁𝐚𝐜𝐤-𝐭𝐨-𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐬𝐚 𝐑𝐚𝐝𝐢𝐨 𝐁𝐫𝐨𝐚𝐝𝐜𝐚𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠ANG SANTOLEÑO, HUMAKOT NG PARANGAL SA DSPC 2026!Apat na beses. Iisang ...
12/09/2026

𝟰-𝗽𝗲𝗮𝘁 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻!
𝐁𝐚𝐜𝐤-𝐭𝐨-𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐬𝐚 𝐑𝐚𝐝𝐢𝐨 𝐁𝐫𝐨𝐚𝐝𝐜𝐚𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠

ANG SANTOLEÑO, HUMAKOT NG PARANGAL SA DSPC 2026!

Apat na beses. Iisang pangalan. Isang tradisyon ng kahusayan.

Muling nasungkit ng Ang Santoleño ang IKAAPAT NA KORONA bilang RANK 1 OVERALL sa buong Schools Division of Pasig sa Division Schools Press Conference!

Patunay na ang kahusayan sa campus journalism ay hindi lamang isang tagumpay, kundi tradisyong patuloy na binubuo at ipinapasa sa bawat henerasyon ng Santoleñong mamamahayag.

Sa 32nd Division Schools Press Conference (DSPC) 2026, muling namayagpag ang ating mga campus journalist, mula sa panulat at lente hanggang sa mikropono.

Sa Individual Categories, nag-uwi ng karangalan ang ating mga manunulat at photojournalist:

🥈 Khaite Mary A. Padua — 2nd Place, Pagsulat sa Agham — RSPC Qualifier

🥈 Adrian Singson — 2nd Place, Pagsulat ng Pang-ulong Tudling — RSPC Qualifier

🥈 Glyzel I. Madera — 2nd Place, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita — RSPC Qualifier

🥈 Precios Kaye D. Allapitan — 2nd Place, Pagkuha ng Larawan — RSPC Qualifier

🥉 Angela Escalona — 3rd Place, Pagsulat ng Balitang Isports — RSPC Qualifier

🏅 Jazel Ann D. Pili — 4th Place, Pagsulat ng Lathalain

✒️ Kaitleen Faith S. Almendo — Pagsulat ng Kolum, DSPC Qualifier

✒️ Jaizel Albano — Pagsulat ng Balita, DSPC Qualifier

✏️Brent Benedict Montos — Paglalarawang Tudling, DSPC Qualifier

—————-

🎙️ BACK-TO-BACK CHAMPIONS SA RADIO BROADCASTING!

Samantala, muling umalingawngaw sa ere ang tinig ng Santolan! Sa ikalawang sunod na taon, matagumpay na naipagtanggol ng Santolan High School Radio Broadcasting Team - Filipino ang korona nito matapos tanghaling BACK-TO-BACK OVERALL CHAMPION sa Radio Broadcasting in Filipino!

Kasabay ng kampeonato ng koponan, humakot din ng mga natatanging parangal ang ating broadcasters:

🏆 Haris Quiñones — 1st Place, Best Anchor

🥈 Maureen Janel Kate T. Morando — 2nd Place, Best Anchor

🏆 Joana Marie Rafil — 1st Place, Best News Presenter

🥈 Nathaniel L. Celestial — 2nd Place, Best News Presenter

🥉 Joed M. Ponayo — 3rd Place, Best News Presenter

🏆 JM O. Santos — 1st Place, Best Technical Director

🏆 Paul Jay M. Miape — 1st Place, Best Infomercial

🏆 Santolan High School — 1st Place, Best Script

Dalawang taon. Dalawang kampeonato. Iisang tinig.

Higit pa sa medalya, ranggo, at tropeo, ang bawat pagkilalang ito ay may kuwentong hindi nakikita sa entablado, mahahabang ensayo, paulit-ulit na rebisyon, pagpupuyat, pagkakamali, pagbangon, at tapang na muling sumubok.

Sa likod ng bawat artikulo, iskrip, tunog, at broadcast ay mga kabataang piniling paghusayan ang kanilang sining at gamitin ang kanilang tinig nang may husay at pananagutan.

At hindi pa rito nagtatapos ang kuwento.

Para sa ating mga RSPC qualifiers, panibagong pahina at mas malawak na himpapawid ang naghihintay. Dalhin ninyo ang pangalan ng Ang Santoleño at Santolan High School sa susunod na yugto ng laban.

Apat na beses nang RANK 1.
Dalawang sunod na taon nang kampeon sa Radio Broadcasting.

At patuloy pa ring sumusulat, nagsasalita, at naninindigan.

ANG SANTOLEÑO, MAY TINIG. ANG SANTOLEÑO, MAY PANININDIGAN.

Congratulations, Ang Santoleño Campus Journalists at Radio Broadcasting Team!

ON AIR: SANTOLAN.
BACK-TO-BACK CHAMPIONS.
NEXT STOP: RSPC 2026 in Caloocan City ❤️❤️❤️

𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧𝙖𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙂𝙪𝙨𝙤𝙩, 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙥𝙤𝙠 : 𝐾𝑎𝑛𝑖𝑛𝑜 𝐼𝑠𝑎𝑠𝑎𝑛𝑑𝑎𝑙 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝐾𝑖𝑛𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛?✒️: Precious Dumlao🖼 : ...
05/09/2026

𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧𝙖𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙂𝙪𝙨𝙤𝙩, 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙥𝙤𝙠 : 𝐾𝑎𝑛𝑖𝑛𝑜 𝐼𝑠𝑎𝑠𝑎𝑛𝑑𝑎𝑙 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝐾𝑖𝑛𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛?

✒️: Precious Dumlao
🖼 : Kiyumhie Valdez

Sa pagpili ng lider hindi lang boto ang nakataya. Hindi lang kaunlaran ng bansa at ekonomiya. Ang tunay na nakasalalay dito ay ang pangarap ng Kabataan. Bawat eleksyon, dito naka depende kung anong klaseng lider ang mamanahin. Sa pagboto ng lider, hindi lang pangalan ang usapan. Pangarap at kinabukasan din ang pinagkakatiwala.

Ang PSA ay naglabas ng datos ng Prelimirary results mula sa Family Income Expenditure Survey (FIES) noong 2021, nasa 18.1% ng populasyon na katumbas ng halos 19.99 milyong Pilipino ang nabubuhay sa ilalim ng poverty line, na naglilimita sa kakayahan ng mga pamilya na pondohan ang edukasyon ng kanilang anak. Nangangahulugang maraming batang Pilipino ang hindi nakakapag-aral o hindi nakakapagtapos dahil sa kahirapan.

Hindi lang simpleng problema, isang malaking kakulangan sa isang tao ang lumaking walang napag-aralan at hindi nakamit ang pangarap dahil sa kakulangan ng salapi ng pamilya.
Dahil sa kahit saang trabaho, pinag-aralan at kalawakan ng pag-iisip ang unang isinasaalang-alang, kung paulit-ulit ang nangyayari, papaano na lang makaaahon sa hirap kung pati ang susunod na henerasyon ay mas mahihirapang mag-aral dahil sa gobyernong hindi naaabot ng kanilang serbisyo.

Nitong Mayo 2026 lumabas ang ilang 2028 Presidential, Vice Presidential, at Senatorial preferences survey mula sa Pulse Asia. Nakababagabag ang resulta ng mga nanguna sa survey, dahil tila popularidad pa rin ang sukatan, hindi ba dapat na higit na timbangin ang track record, integridad at pananagutan ng mga nangungunang pangalan?

Isa sa mga nangunang political figure si kasalukuyang VP Sarah Duterte, na nagsaad na ng opisyal pahayag na tatakbong Presidente sa 2028 election. Ngunit noong 2022 hanggang 2023 naharap sa patong-patong na alegasyon si VP Duterte. Tulad na lang ng hindi wastong paggamit ng Php 612.5 milyong confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), at paggamit ng pekeng resibo na ipinasa sa Comission of Audit (COA). Ang mga alegasyong ito ay nagbunga ng impeachment trial na kasalukuyan pa rin na dinidinig.

Ibig sabihin, bago ang muling pagtakbo sa politika marami pang naiwan na usapin na nagbibigay pa rin ng mga kaguluhan at katanungan sa mamamayan.

Sa kabila ng maraming isyu at kawalan ng paglilinaw sa pagwaldas ng pondo, may mga Pilipino pa ring pinipiling itaya ang kinabukasan ng bansa sa mga politikong nagpapakita ng kawalan ng pananagutan sa mga mamamayan at sa pamahalaan. Kung ganitong liderato ang ipamamana sa mga kabataan, ano na lang ang magiging epekto nito sa sambayanang Pilipino?

Demokratikong bansa ang Pilipinas, ngunit kung paulit-ulit nating papaupuin at pipiliin ang nakasanayang kataksilan sa gobyerno. Walang magandang pagbabago at pag-unlad ang mangyayari, kahirapan at magulong sistema pa rin ang marararansan.

Dapat na pumili tayo ng lider na tapat, magsisilbing modelo at may pusong paglingkuran ang bansa upang umunlad at matulungan ang mga Pilipinong umangat. Ang magbibigay ng malaking pagbabago para sa bukas ng bawat kabataan, dahil kung parehas nanaman sa kasalukuyan ang magiging pamamalakad sa susunod na henerasyon, pangarap ng Kabataan ang lubos na maiiwan sa takbo ng bayan.

Batay rin umano sa 2019 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumapangalawa ang dahilan na hindi pagpasok ng estudiyante ay ang kawalan ng sapat na kita ng pamilya . Ayon sa survey, 14.4% ng mga kabataang may na edad 12 hanggang 15, at 15.4% ng mga nasa edad na 16 to 17 ang hindi nagpatuloy sa Grade 10 dahil hindi sapat ang kita ng pamilya.
Ipinapakita na noon pa lamang 2019 ay mayroong ng ganitong problema ang bansa at hindi rin biro ang porsyentong nilalaman ng mga datos.
Maraming estudyanteng Pilipino ang hindi nakakatuntong ng kolehiyo dahil sa kahirapan, kahit na mayroong batas at mga karapatan ang isang tao na nararapat na makatanggap ng kalidad na edukasyon at kolehiyo. Tulad ng UN Convention on the Rights of Children (Art. 28), nakasaad dito na karapatan ng bawat bata ang makatanggap ng edukasyon.

At kung noon palang ay mayroon ng ganitong problema ang bansa, ngunit bakit hanggang sa kasalukuyan ay tila lalong lumalala ang sitwasyon ng mga Pilipino? Halos bilang lang ang kabataang may kasiguraduhan na makakarating sa pangrap na patutunguhan. Pero papaano namana ang mga batang may pangarap at galing na paunti-unting kinukuhanan ng pag-asa at kinabukasan ng gobyerno dahil sa katiwalian?

Kung patuloy ang pagboto sa mga nakasanayang pangalan sa politiko at nakabase pa rin sa popularidad ang pagpili ng lider sa hinaharap, magkatulad na rason parin ang haharapin sa susunod na bukas ng bawat mag-aaral. Bangungot sa Kabataan ang manahing muli ang lideratong walang tugon. Kung patuloy na ipagkakatiwala ang kinabukasan ng mga batang mamamayan sa parehong mga politiko ng nakaraan, magpapatuloy rin ang mga problemang hindi nalulutasan , at mas walang kasiguraduhang pangarap na pinagkakait ng kahirapang walang solusyon, ito ang bunga ng kawalan ng pondo para sa propesyong inaasam-asam ng bawat Kabataan.

Sa kabuoan, kung mas maunlad, maayos at mas malaking katiyakan nang pagkamit ng pangarap ang ninanais sa mga susunod na taon. Ang pagtitiwala sa tama, maayos, malinis , tapat at may kakayahang tumugon ang dapat na iboto, nararapat rin na gawin ng bawat botante ang pagsasaliksik at pagbigay pansin sa mga platapormang gustong ipatupad ng mga kandidato. Sa ganitong paraan, maiibsan ang bigat at galit sa kasalukuyan. kung magiging panatag na, ang ninanais na bukas ay may possibilidad na marating.

AMBULANSYA SA ORAS NG EMERGENCY911: Kapag Naipasa ang Tawag, Huwag Ipasa ang PananagutanKapag buhay ang nakataya, bawat ...
29/08/2026

AMBULANSYA SA ORAS NG EMERGENCY
911: Kapag Naipasa ang Tawag, Huwag Ipasa ang Pananagutan

Kapag buhay ang nakataya, bawat segundo ay mahalaga. Ngunit sa isang emergency call, tila pati oras ay kailangang hintayin.

Isang 71-anyos na pasyente sa Maharlika Village, Taguig ang nangangailangan ng agarang tulong matapos umanong ma-stroke. Alas-12:15 ng tanghali nang matanggap ng Unified 911 ang tawag. Makalipas lamang ang dalawang minuto, naipasa ito sa Taguig Command Center na nangakong magpapadala ng ambulansya.

Ngunit nasaan ang tulong?

Sa mga follow-up bandang alas-4:57 at alas-5:56 ng hapon, wala pa ring kumpirmasyon kung naipadala o nakarating ang ambulansya. Lumitaw din ang problema sa shift handover at endorsement ng kaso.

Apat na oras. Dalawang follow-up. Isang emergency. Ngunit nasaan ang agarang aksyon?

Mas nakababahala dahil hindi naman dapat nagtatapos ang responsibilidad sa simpleng pagpapasa ng tawag.

Sa opisyal na Emergency Calls Management procedure ng Emergency 911 National Call Center, bahagi ng proseso ang pagtanggap, pagberipika at pagtatala ng tawag, pag-relay at pamamahala sa lehitimong emergency call, pag-monitor sa progreso ng response, at paghahanda ng ulat at pagsasara ng kaso.

Ibig sabihin, hindi lamang dapat ipinapasa ang tawag. Dapat sinusubaybayan din kung umuusad ang tugon sa emergency.

Kung ganoon, saan naputol ang sistema?

Milyun-milyong Pilipino ang umaasa sa Unified 911. Sa unang apat na buwan lamang ng 2026, mahigit 5.2 milyong tawag ang nahawakan ng Emergency 911 National Call Center. Itinuturing itong mahalagang lifeline ng mga Pilipino sa oras ng panganib.

Kaya hindi puwedeng mawala ang responsibilidad kasabay ng pagpapalit ng shift. Hindi puwedeng maging dahilan ang endorsement para maligaw ang isang emergency. Ang pagpapasa ng tawag ay hindi pagpapasa ng pananagutan.

Ang 911 ay hindi dapat maging numero lamang na sinasagot. Dapat itong maging sistemang kumikilos.

Dahil para sa karaniwang Pilipino, kapag tumawag siya ng 911, hindi siya humihingi ng pabor. Humihingi siya ng tulong na ipinangakong darating.

Kaya dapat may malinaw na sagot: Saan naputol ang sistema? Sino ang dapat managot?

Dahil kapag buhay ang nakataya, hindi sapat ang “na-endorse na.” Hindi sapat ang “ipinasa na.” At lalong hindi sapat ang “hindi namin alam.”

Kapag naipasa ang tawag, huwag ipasa ang pananagutan. Sa emergency, dapat may kumilos. At kapag walang kumilos, dapat may managot.

Isinulat ni: Joana Marie Rafil
Pubmat ni: Khaite Mary Padua

Address

Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Santoleño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share