Atty. Angelo M. Vanguardia Notary Public

  • Home
  • Atty. Angelo M. Vanguardia Notary Public

Atty. Angelo M. Vanguardia Notary Public Notarial services, Legal Consultation and Court Litigation.

14/08/2025

Naglabas ang ng mga inamyendahang alituntunin sa wastong paggamit ng mga terminong “qualified r**e” at “statutory r**e” sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga batang biktima. Pinapalawak ng desisyon ang saklaw ng terminong "qualified r**e of a minor" at pinapataas ang pinakamababang danyos na maaaring igawad sa mga biktima.

Inilabas ng En Banc ng Korte Suprema ang mga alintuntunin sa isang Resolusyon na isinulat ng noo’y Associate Justice Mario V. Lopez, na tinanggihan ang motion for reconsideration na inihain ng isang lalaking hinatulan ng panggagahasa sa kanyang walong taong gulang na anak na babae.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon na hinatulan ang akusadong lalaki na nagkasala ng qualified r**e of a minor. Paglilinaw ng Korte Suprema, angkop ang pagtatalagang ito kapag naroroon ang alinman sa sampung special qualifying aggravating circumstances na nakalista sa ilalim ng Article 266-B ng Revised Penal Code (RPC).

Naunang hinatulan ng Regional Trial Court ang lalaki ng qualified r**e batay sa edad ng biktima at relasyon sa akusado. Pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol pero binago ang pagtatalaga ng krimen sa qualified statutory r**e.

Itinama ito ng Korte Suprema na nagdesisyon na ang tamang termino ay qualified r**e of a minor. Pinagkasundo nito ang mga hindi pagkakapare-pareho sa mga nakaraang desisyon.

Naglabas din ito ng mga alituntunin na nagsasaad na kapag mayroong mga elemento ng parehong statutory r**e at qualified r**e, qualified r**e of a minor ang tamang termino.

Nalalapat lang ang mga alituntuning ito sa panggagahasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at hindi sa panggagahasa sa pamamagitan ng sexual assault.

Basahin ang mga alituntunin at press release sa https://tinyurl.com/4t3k2pud.

Basahin ang buong Resolusyon sa https://tinyurl.com/bdedkdr6.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


28/11/2024

Iginiit ng Korte Suprema na ang mga kasong child abuse ay maaaari pa ring dinggin kahit na ang batang biktima ay hindi makakapagtestigo sa korte, ayon sa doctrine of unavailable child sa ilalim ng Rule on Examination of a Child Witness.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, pinagtibay ng Second Division ng Korte ang conviction ng akusado para sa qualified r**e dahil sa paggahasa sa kanyang menor de edad na anak.

Kwinestiyon ng isang ama ang kanyang conviction para sa qualified r**e dahil ang kanyang biktima at anak na menor de edad ay hindi nakapagtestigo sa korte. Sa halip, ang sinumpaang salaysay ng biktima na ibinigay sa labas ng korte, kasama ang medico-legal report at mga testimonya mula sa mga kamag-anak ang iprinisinta ng prosekusyon.

Nagpasya ang Korte Suprema na ang mga pahayag sa labas ng korte ng batang biktima ay pinapayagan sa ilalim ng doctrine of unavailable child.

Pinapahintulutan, sa ilalim ng Section 28 ng Rule on Examination of a Child Witness, ang pagtanggap ng hearsay testimony ng isang bata na naglalarawan ng pang-aabuso kapag: (1) ang bata ay unavailable dahil sa kamatayan, pisikal na kapansanan, kawalan ng memorya, o sakit sa pag-iisip; posibleng pagkakalantad sa sikolohikal na pinsala; o kakulangan ng makatwirang paraan; at (2) ang kanilang hearsay testimony ay suportado ng iba pang ebidensya.

Layunin ng Section 28 na pigilan ang miscarriage of justice sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga kaso ng pang-aabuso sa bata na magpatuloy kahit na hindi available ang batang biktima. Kinilala ng Korte na ang mga vulnerable na bata ay maaaring pilitin na huwag dumalo sa mga pagdinig upang pigilan silang tumestigo. Ang ilang mga batang biktima ay maaari ring na-trauma para magbigay pa ng kanilang testimonya.

Para matukoy kung kapani-paniwala ang testimonya ng isang unavailable child, sinusuri ng Korte ang ilang factor, kabilang ang karakter ng bata, ang bilang ng mga taong nakarinig ng pahayag, kung ang pahayag ay kusang-loob na binigay at kung mayroong anumang motibo sa pagsisinungaling, pati na rin ang timing ng pahayag.

May 25, 2018 nang ang biktima, na noon ay 14 gulang pa lamang, ay nagtapat sa kanyang tiyahin na ginahasa siya ng kanyang ama mula noong siya ay 10 taong gulang pa lamang. Pagkatapos ay dinala siya ng kanyang tiyahin sa barangay hall at sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng reklamo.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-child-abuse-case-can-still-be-tried-even-if-victim-cannot-testify-in-court/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/258054-people-of-the-philippines-vs-###258054/



25/10/2024

National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago addresses 19 non-lawyer individuals allegedly operating illegal notary public stalls during a press conference at the NBI main office in Quezon City on Friday.

The 19 non-lawyer individuals were arrested in a coordinated entrapment operation conducted by agents from the NBI Special Task Force, following a complaint from the Integrated Bar of the Philippines.

They are accused of engaging in illegal notary public operations in Quezon City and are facing charges for violating the 2004 Rules on Notarial Practice. (Photos by Miguel De Guzman/The Philippine STAR)

Magandang araw!Nais ko pong ipabatid sa inyo na ako po ay lumipat na sa aking bagong opisina sa Unit M-8, Lucena Grand C...
24/01/2023

Magandang araw!

Nais ko pong ipabatid sa inyo na ako po ay lumipat na sa aking bagong opisina sa Unit M-8, Lucena Grand Central Terminal, Diversion Road, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Ang akin pong opisina sa 66A A. Dela Cruz St., San Diego Zone I (Poblacion), Tayabas City ay akin na pong isasara.

Maaari niyo pa rin akong tawagan sa aking mga numero: (+63) 916-5995-905 at (+63) 968-2216-408 at sa aking email address:
[email protected].

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Atty. Angelo M. Vanguardia

Address

Unit M-8 Lucena Grand Central Terminal, Diversion Road, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City

4327

Opening Hours

Monday 08:30 - 17:30
Tuesday 08:30 - 05:30
Wednesday 08:30 - 17:30
Thursday 08:30 - 17:30
Friday 08:30 - 17:30

Telephone

+639165995905

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Angelo M. Vanguardia Notary Public posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Atty. Angelo M. Vanguardia Notary Public:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share