Councilor Gigi Bermas

Councilor Gigi Bermas Marjorie “Gigi” Bermas
Councilor, District II, Taguig City. Chairperson: Public Utility; Population & Migration. Member: Urban Poor; Sister City Relations.

Vice Chair: Housing & Urban Settlement; Social Welfare & Development.

𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!🎉Maligayang Kaarawan, Kapitan Quirino Sarono ng Barangay Post Proper Southside at Kagawad Queen Carr...
31/08/2026

𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!🎉

Maligayang Kaarawan, Kapitan Quirino Sarono ng Barangay Post Proper Southside at Kagawad Queen Carreon ng Barangay Upper Bicutan! ❤️

Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw, kasama ang inyong mga mahal sa buhay. Hiling namin ang patuloy na mabuting kalusugan, kalakasan, at maraming biyaya sa inyong buhay.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa inyong nasasakupan.



𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭 Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita at pinararangalan an...
30/08/2026

𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita at pinararangalan ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at panahon para sa ating kalayaan at kinabukasan.

Hindi lamang sa kasaysayan matatagpuan ang kabayanihan. Nakikita rin natin ito sa mga taong patuloy na nagsisilbi, tumutulong, at gumagawa ng mabuti para sa kapwa at komunidad.

Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kanilang halimbawa upang ipagpatuloy natin ang pagiging makabayan, mapagmalasakit, at handang maglingkod.




𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲, 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞! 🙏Sa kabila ng malakas na ulan, patuloy tayong nagpapasalamat at nananalangin para sa kaligtasa...
30/08/2026

𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲, 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞! 🙏

Sa kabila ng malakas na ulan, patuloy tayong nagpapasalamat at nananalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

Maraming salamat sa United Pentecostal Church Philippines, Inc. – Western Bicutan Church sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makiisa sa inyong 30th Anniversary Celebration. Isang karangalan na maging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito.

Salamat din kay Pastor Romeo Villanueva sa kanyang mensahe at inspirasyon.

Nawa’y patuloy kayong maging ilaw at inspirasyon ng pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad.



𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!🎉Masayang Pagbati ng Maligayang Kaarawan Kagawad Nestor Alvior ng Barangay Pinagsama, Treasurer Mari...
30/08/2026

𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!🎉

Masayang Pagbati ng Maligayang Kaarawan Kagawad Nestor Alvior ng Barangay Pinagsama, Treasurer Marilou Soto ng Barangay Katuparan, SK Secretary Fallah Kulodan ng Barangay Maharlika, at Engr. Marcelo Serpa Juan, Department Head ng City Engineering Office!

Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at magagandang alaala ang inyong espesyal na araw. Hiling namin ang patuloy ninyong mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong personal na buhay at paglilingkod.

Salamat sa inyong sipag, dedikasyon, at malasakit sa ating mga kababayan. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa iba.



  | 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: 𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐄𝐏𝐓𝐎𝐒𝐏𝐈𝐑𝐎𝐒𝐈𝐒Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at posibleng pagbaha, mahalagang maging maingat at...
29/08/2026

| 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: 𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐄𝐏𝐓𝐎𝐒𝐏𝐈𝐑𝐎𝐒𝐈𝐒

Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at posibleng pagbaha, mahalagang maging maingat at laging handa upang makaiwas sa leptospirosis.

𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚:
- Iwasan ang baha, lalo na kung may sugat sa paa o binti.
- Gumamit ng bota o protective wear kung kinakailangang lumusong sa baha.
- Panatilihing malinis ang kapaligiran at iwasan ang mga basurang maaaring pamugaran ng daga.
- Hugasan agad ang katawan matapos lumusong sa baha.
- Kumonsulta agad sa doktor kung makaranas ng lagnat, pananakit ng katawan, o paninilaw ng mata matapos ma-expose sa baha.
- Pumunta sa pinakamalapit na health center para sa wastong payo at pangangalaga.

Maging maingat, manatiling malinis, at unahin ang kalusugan ng buong pamilya.



Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto sa gitna ng patuloy na pag-ulan. Maraming salamat sa ating mga barangay...
29/08/2026

Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto sa gitna ng patuloy na pag-ulan. Maraming salamat sa ating mga barangay frontliners at responders sa pangunguna ni Kap Pedrito B. Bermas at mga kagawad na patuloy na naka-standby at nagmo-monitor sa kalagayan ng ating mga kabarangay sa Barangay Western Bicutan.

Patuloy din ang suporta at koordinasyon ng City Government of Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano, para sa agarang pagtugon at disaster response sa ating lungsod.

Hinihikayat ko ang bawat isa na manatiling updated sa mga opisyal na abiso, iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan, at agad ipagbigay-alam ang anumang emergency.

Ingat po tayong lahat, mga kababayan!🙏

29/08/2026

🔴 WATCH NOW!
Nasa District 2 na ng Taguig City si Mayor Lani Cayetano upang personal na kamustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan ngayong patuloy ang pag-ulan. 🌧️❤️

Tumutok po tayo sa kanyang LIVE at manatiling ligtas at alerto, Taguigeños! 🙏

29/08/2026

Maraming salamat, Mayor Lani Cayetano. ❤️🙏 Kahit maulan, patuloy kayong umiikot upang kamustahin ang kalagayan ng ating lungsod at ng ating mga kababayan.

Ingat po, Mahal naming Mayor! 🩷 At sa lahat ng ating mga kababayan, manatiling alerto at mag-ingat po tayo. Stay safe, Taguig! 🌧️🙏

 Nasa ilalim na ng RED HEAVY RAINFALL WARNING ang ating Lungsod. Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto, lalo ...
29/08/2026



Nasa ilalim na ng RED HEAVY RAINFALL WARNING ang ating Lungsod. Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha.

Nakaantabay ang ating Incident Management Team, evacuation centers, at iba pang frontliners upang agad na makapagbigay ng tulong at tumugon sa anumang emergency.

PARA SA AGARANG TULONG, MAAARING TUMAWAG SA:

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑
📱 (02) 8789 3200
📱 0919-079-9286

𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆 𝐏𝐍𝐏
📱 0998-598-7932

𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆 𝐁𝐅𝐏
📱 (02) 8837 4496
📱 0906-211-0919

God Bless Kababayan!

𝐑𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐕𝐘 𝐑𝐀𝐈𝐍𝐅𝐀𝐋𝐋 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆

Heavy Rainfall Warning No. 15
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at 11:00 AM, 29 August 2026 (Saturday)

Metro Manila, including Taguig City, is now under Red Heavy Rainfall Warning as persistent rain continues to affect the city. Moderate to heavy rains, occasionally intense, are expected within the next three hours.

𝐏𝐨𝐬𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐈𝐦𝐩𝐚𝐜𝐭𝐬:

Intense rain may trigger serious flooding across several parts of the city, including residential areas and major roads.

Some barangays may be placed under evacuation or flood watch.

There’s also a higher risk of landslides in elevated areas or slopes.

𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲:

Severe flooding is likely in multiple areas, including residential zones, major roads, and low-lying communities.

Movement may be restricted due to impassable roads and rapidly rising water. Evacuation procedures may be activated in high-risk locations.

Critical items such as documents, medicine, and emergency kits should be secured and made easily accessible.

Early relocation to safer ground is highly encouraged for areas with a history of flooding or landslides.

𝑻𝒉𝒆 𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝒊𝒔 𝒂𝒅𝒗𝒊𝒔𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒎𝒐𝒏𝒊𝒕𝒐𝒓 𝒖𝒑𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝑶𝑾𝑬𝑹 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 𝒇𝒐𝒓 𝒓𝒆𝒂𝒍-𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒊𝒏𝒇𝒐𝒓𝒎𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏. 𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒂𝒍𝒆𝒓𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒐𝒔𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆 𝒊𝒎𝒑𝒂𝒄𝒕𝒔 𝒐𝒇 𝒓𝒂𝒊𝒏, 𝒆𝒔𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒊𝒇 𝒓𝒂𝒊𝒏𝒇𝒂𝒍𝒍 𝒊𝒏𝒕𝒆𝒏𝒔𝒊𝒇𝒊𝒆𝒔 𝒐𝒓 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒊𝒔𝒕𝒔.

𝑰𝒏 𝒄𝒂𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒆𝒎𝒆𝒓𝒈𝒆𝒏𝒄𝒚, 𝒑𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒂𝒄𝒕:

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑
(02) 8789 3200
(02) 7795 8896
0919-079-9286

𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆 𝐏𝐍𝐏
(02) 8642 3582
0998-598-7932

𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆 𝐁𝐅𝐏
(02) 8837 4496
0906-211-0919

𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!🎉Pagbati ng Maligayang kaarawan kay SK Kagawad Bernalyn Dionisio ng Barangay Upper Bicutan at kay Ms...
29/08/2026

𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐆𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!🎉

Pagbati ng Maligayang kaarawan kay SK Kagawad Bernalyn Dionisio ng Barangay Upper Bicutan at kay Ms. Ermita Solis, Department Head, City Agriculture Office!

Saludo kami sa inyong sipag, dedikasyon, at malasakit sa paglilingkod. Nawa’y patuloy kayong bigyan ng lakas at inspirasyon upang makapaglingkod at makatulong sa mas marami pang kababayan.



Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Gigi Bermas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share