12/05/2026
📢 ATTENTION COLLEGE STUDENTS NA GA-GRADUATE SA TAONG 2027! 🎓
Ang Sangguniang Barangay ng Butas na Bato ay kasalukuyang tumatanggap ng requirements para sa Educational Assistance. Ang Educational Assistance na ito ay bukas lamang para sa mga college students na inaasahang ga-graduate sa taong 2027 at rehistrado sa barangay Butas na Bato.
Kung ikaw ay qualified, magtungo lamang sa Barangay Hall at magsumite ng:
✅ Certificate of Registration (COR)
⏰ Hanggang BUKAS na lamang ang submission ng requirements.
📌 PAALALA: Kung hindi available ang estudyante, maaaring ang kanilang mga magulang o guardian ang magtungo sa Barangay Hall upang magpasa ng requirements.
📩 Kung hindi agad makakapunta, dahil hanggang bukas lamang ang submission, maaari kayong mag-message sa page na ito o kaya naman sa official Facebook account ng Butas na Bato para maipaalam at ma-coordinate ang inyong concern.
Pakishare na rin para maipaalam sa ibang qualified students. Maraming salamat! 💙