19/05/2026
BARANGAY VALENCIA SANTACRUZAN AT FLORES DE MAYO 2026 ππΉ
Isang makulay at makahulugang pagdiriwang ng pananampalataya at debosyon sa ating Mahal na Birheng Maria ang matagumpay na idinaos sa Barangay Valencia sa pamamagitan ng Santacruzan at Flores de Mayo 2026, na dinaluhan ng humigit-kumulang 80 sagala.
Ang makabuluhang gawaing ito ay pinangunahan ng ating Committee Chairman for Cultural Affairs, Kagawad Rolando Frial, sa suporta ng buong Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating mahal na Punong Barangay, Julie Salmingo.
Sa programang ito, ibinahagi ang kasaysayan ng Santacruzanβkung paano ito nagsimula bilang tradisyong Katoliko at kung paano ipinakilala ang mga makasaysayang karakter na kinakatawan ng bawat sagala. Sa bawat kasuotan at paglalakad, muling nabuhay ang mga simbolo ng pananampalataya, kabutihan, at paggalang sa ating Mahal na Inang Maria.
Higit pa sa isang makulay na prusisyon, ang Santacruzan ay isang taos-pusong pagpapahayag ng ating debosyon sa Mahal na Birhen at isang paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng mga magulang, kalahok, at mga tumulong na naglaan ng oras, pagod, at sariling gastos upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.
Ave Maria! πππΉ