04/06/2026
Pwede ba si Sharmaine?๐
Para sa kaalaman ng lahat, ang opisyal na unipormeng isinusuot ng ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa loob ng piitan ay ang BJMP Yellow Shirt.
Ang naturang uniporme ay bahagi ng itinakdang pamantayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at wastong pagkakakilanlan ng mga PDL sa loob ng pasilidad.
Higit pa sa pagiging isang uniporme, ang BJMP Yellow Shirt ay sumasagisag sa patuloy na proseso ng repormasyon at rehabilitasyon ng mga PDL. Sa pamamagitan ng iba't ibang programa at gawaing pangkaunlaran, binibigyan sila ng pagkakataong magbago, matuto, at maihanda ang kanilang sarili sa muling pakikisalamuha sa komunidad bilang mga responsableng mamamayan.
Patuloy nating suportahan ang mga adhikain ng BJMP tungo sa pagbabago ng buhay at pagbuo ng mas ligtas na pamayanan.๐ซถ
#๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐๐ถ๐๐ฒ๐๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด๐๐ฆ๐ฎ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป BJMP Regional Office XI