Barangay San Jose Sico, Batangas City

  • Home
  • Barangay San Jose Sico, Batangas City

Barangay San Jose Sico, Batangas City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Jose Sico, Batangas City, Government Organization, San Jose Sico, Batangas City, .

Magandang Araw Po..Iniimbitahan po ang lahat na makilahok sa gagawin community waste segregation and livelihood workshop...
25/08/2026

Magandang Araw Po..

Iniimbitahan po ang lahat na makilahok sa gagawin community waste segregation and livelihood workshop na gaganapin sa AUG. 27, 2026 8;00AM.

Bukod po rito, maari rin po kayong magdala ng mga recyclables( kalakal), amin itong bibilhin sa inyo at mabibigyan pa kayo ng raffle stub para sa pagkakataong manalo ng dagdag premyo..

KITA KITS PO TAYO!!!

FROM: SAN JOSE SICO LANDFILL MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

Education is the passport to the future, for tomorrow belongs to those who prepare for it today ❤️Eto po ang listahan ng...
24/08/2026

Education is the passport to the future, for tomorrow belongs to those who prepare for it today ❤️

Eto po ang listahan ng mga pumasa sa katatapos lang na SDMP EDUCATIONAL ASSISTANCE EXAMINATION.

Congratulations po sa lahat ng pumasa, naway maging inspirasyon kayo sa iba pang mag-aaral ng ating barangay. 👏🏻👏🏻❤️❤️

Maraming maraming salamat po sa RCBMI PLANT lalong-lano na kay mam Comrel Mildred sa walang sawang pagtulong at pagsuporta sa mga mamamayan ng aming komunidad.

PS: Para sa iba pang katanungan kauganay sa mga requirements na isusubmit ay makipag-uganayan na lang po kay Kon. Jayson Arcancia (committee on education)

TGPS_SICO x BPOC x Sangguniang Barangay 🫡🫡🫡Matagumpay na naisagawa ang ating Clean-Up Drive sa San Jose Sico! 💛🖤Maraming...
23/08/2026

TGPS_SICO x BPOC x Sangguniang Barangay 🫡🫡🫡

Matagumpay na naisagawa ang ating Clean-Up Drive sa San Jose Sico! 💛🖤

Maraming salamat sa lahat ng Triskelion na naglaan ng oras, lakas, at puso para sa ating komunidad.

Hindi lang tayo naglinis ng paligid—nagpakita tayo ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyo.

Magkaisa. Kumilos. Maglingkod.

Isang Triskelion, Isang Komunidad, Isang Misyon! ⚡️

Maraming maraming salamat po

20/08/2026

PAALALA SA LAHAT NG MAGULANG AT GUARDIAN

Dahil sa pansamantalang pagpapatupad ng Online/Modular Learning alinsunod sa direktiba ng Malacañang, hinihikayat po natin ang lahat ng magulang at guardian na bantayang mabuti at gabayan ang kanilang mga anak.

📚 Siguraduhing nakikilahok sila sa kanilang online o modular learning activities.
🏠 Hangga’t maaari, manatili muna sila sa bahay o bakuran habang oras ng pag-aaral.
🚫 Iwasan muna ang pamamasyal, paglalaro o pagtambay sa labas kung hindi kinakailangan.
👨‍👩‍👧‍👦 Patuloy na subaybayan ang kanilang kaligtasan at pag-aaral.

Ang layunin ng online/modular learning ay mapanatiling ligtas ang ating mga kabataan habang nagpapatuloy ang kanilang edukasyon.

Sa pagtutulungan ng barangay, magulang, guardian at paaralan, sama-sama nating mapapanatiling ligtas, disiplinado at nakatuon sa pag-aaral ang ating mga kabataan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na paggabay sa ating mga anak.




Magingat po ang lahat 🫡
18/08/2026

Magingat po ang lahat 🫡

Magandang Araw!Sa ilalaim ng programa ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM...
14/08/2026

Magandang Araw!

Sa ilalaim ng programa ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM" ang gobyerno ay naglaan ng Php 100,000.00 sa bawat barangay partikular para sa EDUCATIONAL ASSISTANCE.

Ang pondong nagkakahalagang Isang Daang Libong Piso (Php100,000.00) ay ibibigay sa limang mag-aaral na ang bawat isa ay makakatanggap ng Dalawampung Libong Piso (Php20,000.00).

Ang mga nasa larawan ang limang scholars sa ating barangay na nakatanggap at naging benipesyaryo ng nasabing programa.

1. Raizen G. Magtibay
2. Sarah F. Ravela
3. Angelica D. Tejada
4. Angelica C. Frogosa
5. Jimwell B. Alay

Nawa ay maging isang hakbang ito upang maabot ninyo ang inyong mga minimithi sa buhay.

Mabuhay tayong lahat ❤️

📢 PAALALA: PAGKANSELA NG SEMINARIpinababatid po sa lahat na ang nakatakdang seminar ngayong Agosto 12, 2026 (Miyerkules)...
10/08/2026

📢 PAALALA: PAGKANSELA NG SEMINAR

Ipinababatid po sa lahat na ang nakatakdang seminar ngayong Agosto 12, 2026 (Miyerkules), 8:00 AM–11:30 AM sa San Jose Sico Multipurpose Hall ay KINAKANSELA dahil sa hindi inaasahang epekto ng bagyo.

Ang pagkansela ay para sa kaligtasan ng lahat ng mga kalahok at organizers.

📌 Ang bagong iskedyul ng seminar ay ipaaalam sa susunod na anunsyo.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot nito at maraming salamat sa inyong pang-unawa.

🙏 Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas! 🌧️

— San Jose Sico Landfill Multipurpose Cooperative

🕊️ Sa Alaala ni Joey C. SuarezBuong puso naming pinasasalamatan ang mahabang panahon ng iyong tapat at masipag na paglil...
09/08/2026

🕊️ Sa Alaala ni Joey C. Suarez

Buong puso naming pinasasalamatan ang mahabang panahon ng iyong tapat at masipag na paglilingkod bilang tubero ng ating barangay.

Sa bawat araw na ginugol mo sa pag-aayos ng mga tubo, pagtugon sa mga problema sa tubig, at pagtulong sa ating mga residente, ibinigay mo ang iyong oras, lakas at kakayahan upang maibigay ang pinakamabuting serbisyo na kaya mo.

Hindi lamang trabaho ang iyong iniwan—iniwan mo ang isang halimbawa ng tunay na malasakit at dedikasyon sa kapwa. Maraming residente ang natulungan at napaglingkuran mo nang buong puso.

Maraming salamat, Kuya Joey, sa lahat ng iyong pagod, sakripisyo at serbisyo. Mananatili sa aming mga puso ang iyong kabutihan at ang mga alaala ng iyong tapat na paglilingkod.

Paalam at maraming salamat sa iyong serbisyo. Hindi ka namin malilimutan.
🕊️🤍 Mananatili kang bahagi ng ating barangay at ng aming mga puso.

07/08/2026

🫡🫡🫡

📢 PUBLIC ADVISORYAng Sangguniang Barangay ng San Jose Sico, katuwang ang City Health Office at Department of Health, ay ...
07/08/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Ang Sangguniang Barangay ng San Jose Sico, katuwang ang City Health Office at Department of Health, ay buong pusong sumusuporta sa Ligtas sa Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation (VAS) na isasagawa mula August 10–28, 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak upang mabigyan ng libreng bakuna laban sa Measles-Rubella (Tigdas at Rubella) at Vitamin A Supplementation, bilang bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan.

Ang pagbabakuna at pagbibigay ng Vitamin A ay ligtas, epektibo, at mahalagang hakbang upang maiwasan ang malubhang sakit at mapanatiling malusog ang ating mga anak.

Hinihikayat po namin ang buong komunidad na makiisa at suportahan ang kampanyang ito para sa isang mas ligtas at mas malusog na Barangay San Jose Sico.

Sama-sama nating isulong ang isang komunidad na ligtas sa tigdas at may malulusog na kabataan.




Address

San Jose Sico, Batangas City

4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Jose Sico, Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share