PNP Naga City Police Office

  • Home
  • PNP Naga City Police Office

PNP Naga City Police Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PNP Naga City Police Office, Government Organization, Barlin Street , Sta. Cruz, . Naga City, .
(3)

"Ang tunay na serbisyo ng pulis ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas, kundi sa kahandaang umalalay at tumu...
06/08/2026

"Ang tunay na serbisyo ng pulis ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas, kundi sa kahandaang umalalay at tumulong sa oras ng pangangailangan. Maliit man o malaking tulong, ang malasakit ay laging may malaking halaga."

Tumirik na Sasakyan, Agad na Tinulungan ng Police Station 1

Habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Station 1 sa kahabaan ng Panganiban Drive corner Maybank, Brgy. San Francisco, Naga City, napansin nila ang isang sasakyang tumirik dahil sa mechanical problem. Upang maiwasan ang abala sa daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, agad na boluntaryong tumulong ang mga pulis sa pagtulak ng sasakyan patungo sa isang ligtas na lugar hanggang sa ito ay muling umandar at nakapagpatuloy sa biyahe.

PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


"Ang tunay na kahandaan ay nasusukat bago pa man dumating ang sakuna. Sa pamamagitan ng disiplina, koordinasyon, at kaha...
06/08/2026

"Ang tunay na kahandaan ay nasusukat bago pa man dumating ang sakuna. Sa pamamagitan ng disiplina, koordinasyon, at kahandaan ng bawat D.E.A.R. Contingent, mas napagtitibay ang ating kakayahang maglingkod, tumugon, at magligtas ng buhay."

Handa sa Anumang Sakuna: NCPO Siniguro ang Kahandaan ng D.E.A.R. Contingents

Ang Naga City Police Office ay nagsagawa ng formation, accounting ng D.E.A.R. Contingents, inspeksyon ng Search and Rescue (SAR) equipment, at operational briefing bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa anumang sakuna at kalamidad. Layunin ng gawaing ito na tiyakin ang kahandaan ng bawat tauhan at ang pagiging operational ng mga kagamitan upang makapagbigay ng maagap, episyente, at maaasahang serbisyo sa publiko sa panahon ng emergency at disaster response.

PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


PAALALA SA LAHAT:SUMUNOD SA BATAS TRAPIKOPARA SA IYONG KALIGTASAN!BATAY SA BATAS:RA 4136 – LAND TRANSPORTATION AND TRAFF...
06/08/2026

PAALALA SA LAHAT:
SUMUNOD SA BATAS TRAPIKO
PARA SA IYONG KALIGTASAN!
BATAY SA BATAS:

RA 4136 – LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE

Section 2 – Ang lahat ng gumagamit ng kalsada ay dapat sumunod sa mga batas at regulasyon sa trapiko.

RA 4136 – SECTION 46

Bawal ang pagparada sa mga lugar na may NO PARKING sign o kung ito ay nakahahadlang sa daloy ng trapiko.

Tandaan:

Ang pagsunod sa batas trapiko ay hindi lamang para iwas-huli, kundi para sa iyong kaligtasan at para sa kapakanan ng lahat.

MAGING RESPONSABLENG DRIVER. MAGING LIGTAS. MAGING BAYANI SA KALSADA.
SERBISYO • KATARUNGAN • KAPAYAPAAN

PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


“ Alinsunod sa mga estratehiya at programa ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pat...
05/08/2026

“ Alinsunod sa mga estratehiya at programa ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, patuloy na pinaigting ng Naga City Police Office ang kampanya laban sa mga iligal na baril. Kabilang sa mga pangunahing hakbang ang masinsinang operasyon sa pagdakip sa mga lumalabag sa batas at pagkumpiska sa mga iligal na baril upang maiwasan ang paggamit nito sa mga krimen at karahasan.Sa pamamagitan ng maagap na pagpapatupad ng batas, mas pinaigting na police visibility, at aktibong pakikipagtulungan sa komunidad, nananatiling matatag ang hangarin ng Naga City Police Office na mapanatiling ligtas, mapayapa, at maayos ang Lungsod ng Naga para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.”

PCADG Bicol Region


"Sa bawat pagsasanay ay higit na nahuhubog ang kakayahan ng bawat pulis na maglingkod nang may husay, integridad, at pan...
05/08/2026

"Sa bawat pagsasanay ay higit na nahuhubog ang kakayahan ng bawat pulis na maglingkod nang may husay, integridad, at pananagutan."

Professional Development Through Partnership: NCPO and NCF Promote Fi****ms Proficiency

Ang mga personahe ng Naga City Police Office, sa pamamagitan ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU), ay nagkaroon ng pagkakataong magsagawa ng fi****ms proficiency refresher sa Indoor Firing Range ng College of Criminal Justice Education ng Naga College Foundation, Inc. (NCF).

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Dean Dr. Marilyn F. Balares, katuwang si Dr. Eymard Gomez, kasama ang GNN Media, bilang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng akademya at ng kapulisan.

Higit pa sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga personnel na mahasa at ma-refresh ang kanilang kasanayan sa ligtas at wastong paggamit ng kanilang personal fi****ms, naging mahalagang daan din ang pagbisita upang mapalalim ang koordinasyon at pakikipag-ugnayan ng Naga College Foundation at ng Naga City Police Office sa pagsusulong ng propesyonalismo, kahandaan, at patuloy na pagpapaunlad ng kakayahan ng mga alagad ng batas.

Ang ganitong mga inisyatiba ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng mga institusyong pang-edukasyon at law enforcement agencies sa paghubog ng mga pulis na may mataas na antas ng kasanayan, disiplina, at kahandaan sa paglilingkod sa komunidad.

PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


PABATI SA PUBLIKO | Pagsurender kan Government-Issued Fi****ms asin Pagreport kan mga Ilegal na BarilNangangapudan an Na...
05/08/2026

PABATI SA PUBLIKO | Pagsurender kan Government-Issued Fi****ms asin Pagreport kan mga Ilegal na Baril

Nangangapudan an Naga City Police Office sa gabos na nanonongdan na magsunod sa eksistidong mga ley asin regulasyon dapit sa maninigo asin legal na pagsuko kan mga badil na ipinaluwas kan gobyerno kun kinakaipuhan.

Inaapudan man an publiko na magtabang sa pagmantenir kan paz y orden sa paagi kan tulos na pagsumbong sa pinakaharaning police station o sa NCPO Hotline kun sisay man an igwa nin iligal na badil.

An saindong kooperasyon dakulang tabang tanganing mapugolan an krimen, mapatibay an seguridad, asin mapanatiling ligtas an satuyang komunidad.

An gabos na impormasyon na itatao nindo mananatiling kumpidensyal.

Makiiba. Magreport. Para sa mas ligtas asin mas maogmang komunidad.
PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


IMPORMASYONG PANGKALIGTASAN | Pagsusuko ng Government-Issued Fi****ms at Pag-uulat ng Ilegal na BarilHinihikayat ng Naga...
05/08/2026

IMPORMASYONG PANGKALIGTASAN | Pagsusuko ng Government-Issued Fi****ms at Pag-uulat ng Ilegal na Baril

Hinihikayat ng Naga City Police Office ang lahat ng kinauukulan na sumunod sa umiiral na mga batas at alituntunin sa maayos at legal na pagsusuko ng mga government-issued fi****ms kapag kinakailangan.

Inaanyayahan din ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa NCPO Hotline ng sinumang nagtataglay ng ilegal na baril.

Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalaga upang maiwasan ang krimen, mapanatili ang kaayusan, at matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Lahat ng impormasyong inyong ibibigay ay mananatiling kumpidensyal.

Makiisa. Magsumbong. Sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating komunidad
PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


INFORMATION DRIVE | Lawful Surrender of Government-Issued Fi****msThe Naga City Police Office encourages all authorized ...
05/08/2026

INFORMATION DRIVE | Lawful Surrender of Government-Issued Fi****ms

The Naga City Police Office encourages all authorized personnel to lawfully surrender government-issued fi****ms when required by existing rules and regulations. We also urge the public to help maintain peace and security by reporting individuals who are illegally possessing fi****ms.

Your cooperation plays a vital role in preventing crime, promoting responsible firearm accountability, and ensuring a safer community for everyone.

If you have information regarding illegally possessed fi****ms, report it immediately to the nearest police station or contact the NCPO Hotline. All reports will be treated with strict confidentiality.
PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


🚨 KAMPANYA KONTRA SA MGA PINAGHAHANAP NIN LEY O BATAS 🚨Mayo nin lugar para sa mga paradulag sa ley!Padagos an pinaiigtin...
05/08/2026

🚨 KAMPANYA KONTRA SA MGA PINAGHAHANAP NIN LEY O BATAS 🚨

Mayo nin lugar para sa mga paradulag sa ley!

Padagos an pinaiigting na kampanya kan kapulisan sa pagpatuman kan mga Warrant of Arrest asin pagdakop sa mga Most Wanted Persons (MWPs), High-Profile Personalities (HPPs), asin iba pang mga taong pinaghahanap kan ley o batas.

Kun igwa kamong impormasyon manungod sa kinaroroonan kan sarong taong pinaghahanap nin batas, pakisabi ini tulos sa pinakaharaning himpilan nin pulis o magkontak sa NCPO Hotline: 0908-325-4787. An gabos na impormasyong itatao nindo papangalagaan bilang mahigpit na kumpidensyal.

An saindong impormasyon puwedeng magin susi sa pag-abot kan katarungan. Magreport. Magmatyag. Magin ligtas.
PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


🚨 WANTED PERSONS CAMPAIGN 🚨Walang Puwang ang mga Pinaghahanap ng Batas!Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan s...
05/08/2026

🚨 WANTED PERSONS CAMPAIGN 🚨

Walang Puwang ang mga Pinaghahanap ng Batas!

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga Warrant of Arrest at pagdakip sa mga Most Wanted Persons (MWPs), High-Profile Personalities (HPPs), at iba pang mga indibidwal na pinaghahanap ng batas.

Kung mayroon kayong impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng isang wanted person, agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa hotline ng inyong lokal na istasyon. Ang lahat ng impormasyong matatanggap ay pananatilihing mahigpit na kumpidensyal.

Ang iyong impormasyon ay maaaring maging susi sa pagkamit ng katarungan. Makiisa. Mag-report. Manatiling mapagmatyag.
PCADG Bicol Region
Police Regional Office 5


Address

Barlin Street , Sta. Cruz, . Naga City

4400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Naga City Police Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share