Kagawad Teejay Cabañeros

Kagawad Teejay Cabañeros Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kagawad Teejay Cabañeros, Barangay San Roque Zone 1, Tayabas.

Ready na ba kayo? ✨Children’s Congress Year 2 starts 12NN today sa Villa Juliana Resort!Samahan kami sa isang araw ng sa...
22/11/2025

Ready na ba kayo? ✨

Children’s Congress Year 2 starts 12NN today sa Villa Juliana Resort!

Samahan kami sa isang araw ng saya, kaalaman, at sorpresa!

Walang mawawala, sama-sama tayo!

📌UPDATE: According sa owner, hindi na po tumatanggap ng application. Sila po ang magcontact sa inyo once pasok kayo sa n...
13/08/2025

📌UPDATE: According sa owner, hindi na po tumatanggap ng application. Sila po ang magcontact sa inyo once pasok kayo sa next level of the application process! Goodluck friends! 🫶🏻

TAYABASIN! May magbubukas na naman na Tambayan/Chibugan/ Cafe! APPLY NA!

Exciting news! Our new bakeshop is opening soon, and we’re looking for enthusiastic people to join our team! If you’re passionate about great service and want to be part of something special, let’s connect!

We can’t wait to meet you and create something delicious together!🥐🍦🍩🎂

-Barista
-Kitchen Staff
-Cook
-Baker
-Sever

Please send your resume to 📧[email protected]
or visit Rodillas' Yema Cake store, at Brgy. Opias Tayabas, Quezon.

Cheers! 🫶

BARANGAY ASSEMBLYBARANGAY SAN ROQUE ZONE 1Maraming salamat po nakiisa! Palaging makiisa para malaman ang mga proyekto pa...
29/06/2025

BARANGAY ASSEMBLY
BARANGAY SAN ROQUE ZONE 1

Maraming salamat po nakiisa! Palaging makiisa para malaman ang mga proyekto para sa ating barangay!

Patuloy po naming sisipagan, at paghuhusayan!

Mabuhay ang Barangay San Roque Zone 1! 💜💜💜

BARANGAY ASSEMBLY BARANGAY SAN ROQUE ZONE 1🟣Accomplishment Report - Barangay Council for the Protection of ChildrenMaram...
29/06/2025

BARANGAY ASSEMBLY
BARANGAY SAN ROQUE ZONE 1

🟣Accomplishment Report - Barangay Council for the Protection of Children

Maraming salamat po sa ating mga ka-barangay na patuloy na sumusuporta sa mga adhikain ko para sa mga bata at kabataan ng Barangay. Patuloy po tayong gagawa ng proyekto na magpapalakas, magpo-protekta, at magpapatibay sa mga bata at kabataan!

Mula sa inyong BCPC Focal Person, Kagawad Teejay Cabañeros!

💜💜💜

MALIGAYANG ARAW NG MGA TATAY!Mga Tatay na nagsasakripisyo sa malayong lugar para sa kapakanan ng kanilang pamilya.Para s...
15/06/2025

MALIGAYANG ARAW NG MGA TATAY!

Mga Tatay na nagsasakripisyo sa malayong lugar para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Para sa mga Tatay na nagmamahal ng walang limit sa kanyang mga anak.

Para sa Ate o Kuya na tumatayong ama sa kanilang mga kapatid.

Para sa Single Mom, na nagpapakakuba, maibigay ang suporta sa kanyang mga anak.

Para sa Lolo o Lola na tumatayong ama sa kanyang mga apo para magkaroon ng magandang buhay.

Para sa bawat ama, anuman ang KULAY, KASARIAN, o PAGKAKAKILANLAN, na patuloy na nagsasakripisyo, lumalaban sa tahimik na paraan, at nagbibigay ng walang-hanggang pagmamahal at pag-aaruga.

Alam namin ang mga hirap na tinitiis ninyo, ang mga luha sa likod ng ngiti, at ang mga tagumpay na bunga ng inyong pagtitiis.
Mabuhay kayo—mga ama sa dugo, sa puso, at sa gawa.

Saludo kami sa inyo! 💜

Isang maalab na pagbati sa aking mga inspirasyon at kasama sa adbokasiya ng mabuting pamamahala!Binabati ko nang buong p...
13/05/2025

Isang maalab na pagbati sa aking mga inspirasyon at kasama sa adbokasiya ng mabuting pamamahala!

Binabati ko nang buong puso sina Senador Kiko Pangilinan at Senador Bam Aquino, si Cong. Chel Diokno ng Akbayan, at si Cong. Leila de Lima ng ML Partylist sa inyong matagumpay na pagkakapanalo ngayong Eleksyon 2025.

Ang inyong tagumpay ay hindi lamang personal na panalo—ito ay tagumpay ng bawat Pilipinong naniniwala sa prinsipyo, integridad, at tunay na serbisyo. Patunay ito ng lakas at paninindigan ng mga mamamayang nanalig sa pagbabago noong 2022, nagtagumpay sa 2025, at tiyak na magdadala ng mas makulay, makabuluhan, at makatarungang halalan sa 2028.

Patuloy po tayong magtulungan sa pagsusulong ng isang gobyernong bukas, makatao, at para sa lahat—lalo na sa mga kabataan, mga nasa laylayan, at sa susunod na henerasyon.

Mabuhay kayo! Mabuhay ang bayan! 💜💜💜

Isang mainit na pagbati kay Vice Mayor-elect Rosauro Dalida!Taos-puso po ang aking pagbati sa inyong tagumpay bilang sus...
13/05/2025

Isang mainit na pagbati kay Vice Mayor-elect Rosauro Dalida!

Taos-puso po ang aking pagbati sa inyong tagumpay bilang susunod na Pangalawang Punong Lungsod ng Tayabas. Nawa’y magsilbing simula ito ng mas mapayapa at nagkakaisang Tayabasin, isang lungsod kung saan ang bawat Tayabasin ay sabay-sabay na humahakbang tungo sa kaunlaran.

Hiling ko na sa inyong panunungkulan, maging susi kayo sa mas matatag na pamahalaang lokal, nakatuon sa pangangalaga sa mamamayan, sa pagpapaunlad ng kabataan, at sa pagbibigay halaga sa bawat sektor ng ating lipunan.

Ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng Tayabas. Muli, maraming pagbati at hangad ko ang isang makabuluhan, tapat, at makataong paglilingkod.

Mabuhay ang Tayabas!

Isang mainit na pagbati kay Mayor-elect Anthony "Kuya Piwa" Lim!Binabati ko po kayo sa inyong pagkapanalo bilang susunod...
13/05/2025

Isang mainit na pagbati kay Mayor-elect Anthony "Kuya Piwa" Lim!

Binabati ko po kayo sa inyong pagkapanalo bilang susunod na Punong Lungsod ng Tayabas. Nawa’y magsilbing simula ang tagumpay na ito ng mas mapayapang Tayabas, isang lungsod na pinagbubuklod ng pagkakaisa at malasakit, sa kabila ng ating mga pinagdaanan at pinanggalingan.

Hiling ko po na sa inyong pamumuno, magsimula ang panibagong yugto ng pagkakasundo ng bawat Tayabasin, at maging daan ito tungo sa isang mas maunlad, mas matatag, at mas inklusibong lungsod, isang Tayabas na inuuna ang kapakanan ng mamamayan, itinataguyod ang kinabukasan ng kabataan, at pinapakinggan ang bawat sektor ng lipunan.

Ang tagumpay ninyo ay tagumpay rin ng Tayabas. Muli, maraming pagbati at hangad ko ang isang matagumpay at makataong panunungkulan.

Mabuhay ang Tayabas!

Address

Barangay San Roque Zone 1
Tayabas
4327

Telephone

+639934384101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Teejay Cabañeros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kagawad Teejay Cabañeros:

Share