09/06/2026
Masusing tinalakay ang mga mahahalagang usaping pangkalusugan sa isinagawang Local Health Board Meeting ng Pamahalaang Lungsod.
Patuloy nating pinagtitibay ang mga programa at serbisyong pangkalusugan upang matiyak ang mas ligtas, mas maayos, at mas abot-kayang serbisyong medikal para sa bawat Malabueño.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensya at sektor ng kalusugan, mas pinapalakas natin ang ating sistemang pangkalusugan para sa kapakanan ng ating mga kababayan.