03/06/2026
Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month, isang makabuluhang hakbang ang inilatag ng SDO-CSJDM sa pamamagitan ng mas inklusibong dress code policy na isang malinaw na pagkilala sa karapatan ng bawat estudyante na ipahayag ang kanilang identidad nang malaya at walang takot.
Hindi lang ito simpleng pagbabago sa handbook, ito ay isang hakbang tungo sa paaralang may pagkakapantay-pantay, at ligtas na espasyo para sa estudyanteng San Joseño.
Patuloy nating ipaglaban ang mga polisiya na kumikilala at nagtataguyod sa karapatan ng mga kabataan, estudyante at miyembro ng LGBTQIA+ community.
Magmahal, makibahagi at makiisa, dahil sa pag-ibig na mapagpalaya, LAHAT POSIBLE!