RC Cruz

RC Cruz Municipal Mayor
Municipality of Busuanga
Province of Palawan

Tuloy-tuloy, kasama kayo, AARANGKADA!

Malugod po nating tinanggap ang pagbisita ng mga kawani ng Provincial Risk Reduction and Management Office sa ating muni...
09/06/2026

Malugod po nating tinanggap ang pagbisita ng mga kawani ng Provincial Risk Reduction and Management Office sa ating munisipyo.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagugnayan para sa mas ligtas at mas handang komunidad💙

09/06/2026
Dedication of Saint Augustine Parish presided by Bishop Broderick S. Pabillo D.D.💙
07/06/2026

Dedication of Saint Augustine Parish presided by Bishop Broderick S. Pabillo D.D.💙

07/06/2026

Sunday papawis!😃

Sa aming Mutya ng Busuanga 2025, Ms. Linda Juntilla,Habang tinatahak mo ang panibagong yugto bilang kinatawan ng ating b...
03/06/2026

Sa aming Mutya ng Busuanga 2025, Ms. Linda Juntilla,

Habang tinatahak mo ang panibagong yugto bilang kinatawan ng ating bayan sa Mutya ng Palawan, dala mo hindi lamang ang kagandahan ng Busuanga kundi pati ang mga pangarap, kultura, at pagkakakilanlan ng bawat Busuangeño.

Buong puso naming ipinagdarasal ang iyong tagumpay. Ipakita mo sa buong Palawan ang galing at puso ng isang tunay na Busuangeña.

Good luck, Linda! Ipinagmamalaki ka namin.🙏

BUSUANGA, CORON, CULION & LINAPACAN HEALTH ZONE Board Meeting.Muli po nating pinagtibay ang ating pangako na unahin ang ...
02/06/2026

BUSUANGA, CORON, CULION & LINAPACAN HEALTH ZONE Board Meeting.

Muli po nating pinagtibay ang ating pangako na unahin ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan. Ang bawat talakayan, plano, at desisyong ating binuo ay hakbang tungo sa mas maayos, mas abot, at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga komunidad.

Naniniwala po tayo na sa pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan ng Calamianes, mga health workers, at iba’t ibang katuwang, mas magiging matatag ang ating sistemang pangkalusugan.💙

Sama-sama, isinusulong po natin ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan ng ating mga bayan.🙏

Ang pagbabalik sa ating pinagmulan ay laging may dalang espesyal na saya at alaala.Malugod kong binabati ang lahat ng al...
01/06/2026

Ang pagbabalik sa ating pinagmulan ay laging may dalang espesyal na saya at alaala.

Malugod kong binabati ang lahat ng alumni ng Dipuyai Elementary School sa kanilang First Alumni Homecoming. Isang makabuluhang pagkakataon upang muling magkaisa, magbalik-tanaw at ipagdiwang ang mga pangarap at tagumpay na nagsimula sa ating mahal na paaralan.

Padayon at mabuhay ang Dipuyai Elementary School!💙

30/05/2026

Alam ko po na hindi madali ang pagiging g**o at kawani ng paaralan. Maraming sakripisyo, mahabang oras ng paghahanda, at mga hamong kailangang harapin araw-araw. Ngunit sa kabila po nito, patuloy po ninyong pinipiling maglingkod nang may malasakit at dedikasyon. Kayo po ang mga tahimik na bayani na humuhubog hindi lamang ng talino kundi pati ng magandang asal, pagkatao at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.💙

Maraming salamat po sa inyong pagmamahal sa propesyong inyong pinili. Hangad ko na maging matagumpay, ligtas, at makabuluhan ang panibagong school year para sa ating lahat.🙏


Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RC Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share