01/06/2026
Ngayong Migrant Workers Month 2026, sama-sama nating ipagdiwang ang sipag, sakripisyo, at tagumpay ng ating mga Overseas Filipino Workers.
Sa temang “Bayan, Bayani, Bayanihan,” inihahandog ng Department of Migrant Workers ang isang buwang serye ng mga programa, serbisyo, at makabuluhang pagtitipon para kilalanin ang mahalagang ambag ng mga OFW sa kanilang pamilya, komunidad, at sa buong bansa.
Mula sa reintegration services, job fairs, health summit, maritime programs, pride celebration, at OFW Global Summit, patuloy ang DMW sa paghahatid ng serbisyong buo at kalingang totoo para sa ating mga Bagong Bayani. # # #