Wika'y Galing

Wika'y Galing Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Wika'y Galing, Prison & Correctional Facility, Gatineau, QC.

11/28/2018

Ginulo mo ang isip ko sa paraang gusto koPinilit ko mang umiwas ngunit sinuyo mo akoItinakas sa ‘king mundo dinala sa’yong palasyoAking nadarama hindi ito ordinaryo.Hanap ko’y salita, angkop na salitaSa paglalarawan nais ko sanang ipakitaAngkin mong kulay o kay iga-igayaBakit ang iba’y hindi ito makita? Musmos nang ika’y unang makapilingAng makilala ka ng malalim yan ang aking hilingSana’y makita ka saan man bumalingAkin kang makikilala gamitan man ng piring.Naaalala mo ba galak ko sa paligsahan?Unang sabak ko noon sa talumpatianMay pagdiriwang noon Agosto ang buwanNabigo man ang dilag ngunit ako’y may natutunan.Ang iyong pagkasilang ay dakila palaBinuklod mo ang mga taong nais magkanya-kanyaIkaw ang sinag na piniling di makitaAming lampara sa dilim ng umaga.O aking Wika nasa puso ka ba nila?Sa tibukan ng buhay ko’y mabubuhay kaMahal ko ang Pilipinas at ang lahat sa kanyaKaya ikaw Wikang Filipino di ka mag-iisa.

11/28/2018

Ikaw kabataan, binibini, ginooSa lahat ng Pilipinong makakabasa nitoMaalam ka ba sa Wikang Filipino?O isa kang banyaga sa wika mo?Kamusta o kumusta?Ano nga ba ang tama sa dalawa?Tagalog o Filipino ba?Ano rito ang pambansang wika? Magaling, kay galing!Ang isip sa wika ng iba’y matulinKapag Wikang Filipino ang usapinBakit ba ika’y nagiging antukin?Sa Ingles kay husay, o napakahusayNgunit sa Filipino ika’y nawawalan ng kulayNauubusan ng tinig, tinatakasan ng salitaHala siya sa sariling wika niya ay banyaga!O kahindik-hindik, kagila-gilalasPaanong nangyaring di ka matatasKung nububuhay lamang si BalagtasTiyak mabubuwisit sa’yo ang pantas.Nasaan na ang bakas ng wika sa pananalita?Bakit di na kilala ng iyong dila?Napakarikit naman ng ating wikaSana lang ito’y iyong nakikita.Buksan lamang ang iyong kamalayanAng wika nati’y makulay kung mamasdanMay kapangyarihang magbuklod ng mamamayanNg mga mamamayang niyayakap nitong bayan.Ang Pilipinong banyaga sa Wikang…

11/28/2018

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda.
Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa.
Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.
Wika ay kakambal ng kapayapaan sa pagtahak sa tuwid na landas.

11/28/2018

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.



Patawad, Jose Rizal. Patawad.
Sapagkat ang bansang 'yong pinalaya,
Ay unti-unti nanamang nagpapa-sakop sa mga banyaga.
Ginawa mo ang 'yong makakaya, pero,
Kapwa mo pa ang naninira.
Patawad.

by: Aalok Aegle.

11/28/2018

❝Pilipinas, tangang-tanga na ba kayo?❞

Totoo nga ba? Ang kumakalat na balita ukol sa Filipino Curriculum na papalitan ng Korean Curriculum?
Pilipinas, Tangang-tanga na ba kayo?

Simula 'nung nabuhay ang mga lolo't lola ninyo, kasapi o kasama na natin ang wikang pilipino, "po" at "opo" pa nga ang tinuturo mila, di'ba? "Magandang Buhay!" "Magandang Umaga!" tapos papalitan n'yo lang ng "Konichiwa (lol i'm being sarcastic sa part na 'to)" "Joeun achimimnida" jusko, hindi niyo nga alam pinagkaiba ng "raw" sa "daw" "din" sa "rin" at "hagdan" sa "hagdanan" Dapak? Ganyan na ba kababa ang utak ninyo?

Pinaglaban si Rizal ang kalayaan,
Pinalaya niya tayo sa dayuhan,
Pero anong ginagawa ninyo?
Nagpapakatanga kayo!
Imbes na basahin ang mga aklat, nagbabasa kayo ng Wattpad tapos 'yung title: "How to learn Korean" at ano pang mga landian dyan mga bobo!
Hindi ba ninyo napapansin?
Maraming tao ang namatay, nagpaka-alipin para lang palayain kayo!
Tapos, magpapaka-alipin kayo sa mga dayuhan? Ulol!

Sarili nga nating Musika, tinatalikuran niyo na eh!
Mas gusto niyo pa 'yung mga kantang "FAKE LOVE" "BOOM BOOM" "BAAM" Aba! Ano nang nangyare sa mga kantahan natin? "Gabi at Araw" "Kundiman" "Dahil sa iyo" "Pandanggo sa ilaw" "Irog ako ay magalin" jusko! Hindi ko man pinapakinggan 'yang mga lumang mahihiwagang kanta na 'yan, mas okay na 'yan! Kesa makinig ako sa mga "ASGAHSKAK FAKE LOVE~ FAKE LOVE~" na kantang 'yan!
Nako, Pilipinas, tangang-tanga na ba kayo?

Porque maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi, koreano, tumutulo na laway ninyo?
Masira lang poster niyo ng BTS and Momoland na 'yan, Magwawala at magpapakatanga sa kakasigaw na kayo?
Aba, Pilipinas, tangang-tanga na ba kayo?

Pati eto pa, bakit kailangang palitan ang Filipino Curriculum?
Jusko. Porque sikat ang Hangeoul or kung ano mang lenggwuahe na 'yan, ituturo n'yo na? Saan gagamitin 'yan? Sa palengke? Saan? Wala namang silbe 'yan eh! Ang pagkakaiba nga ng "ng" at "nang" hindi niyo alam eh! Aba, Hangeoul pa kaya?

Nako. Pilipinas, si G*t. José Protasio Rizal Mercado y Realonda (Jose Rizal) ang nagpalaya sa'ting bansa, pero, BAKIT SINASAKOP/NILALAMON NANAMAN KAYO NG DAYUHAN?

Hindi na 'to malusog para sa mamamayan at mga sambayanan! Presinte at Senado! Nagpapaka-bobo na kayo! Mga deputa kayo! Hindi na 'to ang Pilipinas na minahal at pinalaya ng ating Pambansang bayani na si Jose Rizal!

Tumayo kayo sa nga higaan! Alisin ang mga gamit na nakapasak sa tenga! Pakinggan ang sigaw ng taumbayan (taong-bayan)! Hindi 'yung nagpapaka-bingi ka't nakikinig sa mga kantang iyan!

Magbasa ng mga aklat, hindi 'yung puro ka lang kalandian!

Bakit hindi niyo nalang sunugin ang Watawat at palitan ng picture ng BTS at Momoland na 'yan, ha?

Totoo nga. Pilipinas, Tangang-tanga na nga kayo.
O, nagpapaka-tanga?

by: Charly dinaque

Ps. This is not a hate post. Gusto ko lang ibahagi kung ano 'yung gustong lumabas sa puso't isipan ko. If natatamaan ka, aba, hindi ako 'yung nagpapatama sa'yo. Pinapatamaan mo sarili mo, kasi, if alam mo naman ang isang bagay na sinabi sa'yo ay hindi totoo, bakit ka mao-offend, di'ba? God bless Us all!💙

Pps. Be Open-Minded naman po guys. Intindihin 'yung message. Hindi 'yung side n'yo lang pinapairal n'yo, jusko. Tsaka, hindi ko puntirya 'yung BTS and Momoland. Lol, be Open Minded. Hahahaha💜

11/28/2018

May sariling wika ang ibon at isda,

Iba ang sa a*o, iba ang sa pusa.

Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wika

Itaguyod natin ang wikang pambansa.

Bakit mahalaga ang sariling wika?

Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.

Wika rin ang buklod ng puso at diwa

Nang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.

Wikang Pilipino pag ating ginamit

Mangagkakaisa ang puso at isip.

Hangaring umunlad ating makakamit,

Sa mga dayuha'y hindi palulupig.Tingnan 'nyo ang Intsik,

Aleman at Korya,

Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,

Sila'y mauunlad; at ang wika nila?

Ang sariling wika, di wika ng iba.

Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,

Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,

Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,

Binubuo natin, wikang Pilipino. 💞🇸🇽

Wika mo! Ipaglaban mo!
11/21/2018

Wika mo! Ipaglaban mo!

Address

G*tineau, QC

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wika'y Galing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share