24/08/2026
Taos-puso po ang aming pasasalamat kay Hon. Mayor Cesar J. Isaac at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Sir Roderick Marbella sa inyong napakahalagang donasyon na mga hard hat para sa mga mag-aaral at kawani ng Dungawan Paalyunan Elementary School.
Malaking tulong po ang inyong ipinagkaloob upang higit naming mapangalagaan ang kaligtasan ng aming mga mag-aaral at personnel, lalo na’t ang aming paaralan ay kabilang sa mga paaralang malapit/naaapektuhan ng fault line.
Maraming-maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at agarang pagtugon sa pangangailangan ng aming paaralan. Ang inyong kabutihang-loob ay malaking ambag sa pagpapanatili ng isang ligtas, handa, at protektadong paaralan.
Mula po sa mga mag-aaral, mga g**o, at buong kawani ng Dungawan Paalyunan Elementary School, maraming salamat po! 💙💚
Mabuhay po kayo