01/06/2026
π’ PROSESO PARA SA REPORT OF (ROB), REPORT OF MARRIAGE (ROM) AT REPORT OF DEATH (ROD)
Para sa ating mga kababayan na ang kapanganakan, kasal o pagpanaw ay naganap sa labas ng Pilipinas, narito ang proseso mula sa pagfile ng Report of Birth, Report of Marriage o Report of Death na isinumite sa Pasuguan ng Pilipinas sa Ehipto hanggang sa pagrehistro sa PSA.
πΉ KUNG ANG KAPANGANAKAN, KASAL O PAGPANAW AY NAGANAP SA EHIPTO, ERITREA, DJIBOUTI, O SUDAN
1. Isumite ang iyong Report of Birth (ROB), Report of Marriage (ROM) o Report of Death (ROD) sa Pasuguan:
Report of Birth (ROB): www.philippines-egypt.com/ro-birth
Report of Marriage (ROM): www.philippines-egypt.com/ro-marriage
Report of Death (ROD): www.philippines-egypt.com/ro-death
Ang iyong personal na kopya ng ROB/ROM/ROD ay marerelease pagkatapos ng tatlong (3) araw mula sa araw ng pagproseso.
2. Ang isinumiteng ROB, ROM o ROD ay ipapadala sa Tanggapan ng DFA Civil Registry Division (CRD) sa Pilipinas.
3. Pagkatapos ay ipapadala ng DFA-CRD ang mga Report sa Philippine Statistics Authority (PSA).
π Pagkatapos makumpleto ang pag-file sa Pasuguan, maaaring humingi ng mga kopya ng iyong rehistradong ROB, ROMo ROD mula sa PSA tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan pagkatapos mag-file. Bago bumisita sa PSA, siguraduhing hingin ang dispatch number sa pamamagitan ng email sa: [email protected]
πΉ KUNG ANG KAPANGANAKAN, KASAL O PAGPANAW AY NANGYARI SA LABAS NG EGYPT, ERITREA, DJIBOUTI, O SUDAN
1. Isumite ang iyong Report of Birth (ROB), Report of Marriage (ROM) o Report of Death (ROD) sa Pasuguan:
Report of Birth (ROB): www.philippines-egypt.com/ro-birth
Report of Marriage (ROM): www.philippines-egypt.com/ro-marriage
Report of Death (ROD): www.philippines-egypt.com/ro-death
2. Ang isinumiteng ROB, ROM o ROD ay ipapadala sa Tanggapan ng DFA Civil Registry Division (CRD) sa Pilipinas.
3. Ipapadala ng DFA-CRD ang dokumento sa Pasuguan o Konsulado ng Pilipinas na may hurisdiksyon sa bansang pinangyarihan ng kapanganakan, kasal o pagpanaw.
4. Ipoproseso ng kinauukulang Pasuguan/Konsulado ang dokumento at ibabalik ito sa DFA-CRD.
5. Pagkatapos ay ipapadala ng DFA-CRD ang mga Report sa Philippine Statistics Authority (PSA).
π Ang kopya ng ROB, ROM o ROD ay ibibigay lamang sa aplikante kapag naibalik na ang dokumento sa Pasuguan ng Pilipinas sa Ehipto.
π Maaaring humingi ng mga kopya ng iyong rehistrading ROB, ROM ROD mula sa PSA, tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan pagkatapos matanggap ang personal na kopya mula sa Pasuguan ng Pilipinas na may hurisdiksyon sa bansang pinangyarihan ng kapanganakan o kasal. Bago bumisita sa PSA, siguraduhing hingin ang dispatch number sa pamamagitan ng email sa: [email protected]