DepEd Tayo Youth Formation- Fatima NHS- Cortes

DepEd Tayo Youth Formation- Fatima NHS- Cortes For inquiries, email us at [email protected] School ID: 302850

29/09/2022

Ngayong araw ang ika-143 taong kaarawan ng bantog na manunulat na Pilipino, dating Senador ng ating Republika at itinuturing na "Ama ng Balarilang Pilipino" na si Lope K. Santos. Ipinanganak siya noong 1879 bilang si Lope Canseco Santos sa dating bayan ng Pasig, dating lalawigan ng Maynila (ngayo'y lungsod ng Pasig sa Metro Manila), at anak nina Ladislao Santos at Victoriana Canseco. Isa ang kanyang ama sa mga pinaghinalaang Katipunero na nakulong dahil sa pagkakaroon niya ng dalawang nobela ni Jose Rizal at ng peryodikong "Ang Kalayaan" ng Katipunan. Binata pa si Lope nang lumaban na para sa Katipunan, nang nahinto sa pag-aaral sa Escuela Normal Superior de Maestros.

Muling bumalik sa pag-aaral si Lope, nang kumuha ng kursong abogasya sa Escuela Derecho de Manila (ngayo'y Manila Law College Foundation), at nagtapos noong 1912. Namulat rin sa ideyolohiyang sosyalismo si Lope at muli niyang inorganisa ang labor group na dating pinamunuan ni Dominador Gomez na Union Obrera Democratica Filipina, na naging Union del Trabajo de Filipinas, pero nabuwag rin noong 1907. Mula sa pagsusulat ng kanyang peryodikong Ang Kaliwanagan, sumulat na rin si Lope ng kanyang unang nobela, ang Banaag at Sikat, na may elemento ng ideyolohiyang sosyalismo at naging inspirasyon ng mga sosyalisyang grupo sa Pilipinas gaya ng Socialist Party of the Philippines. Binuo at naging punong editor siya ng Sampaguita magazine, at naging eksperto sa matalinghagang uri ng pagdedebate, ang dupluhan.

Kilalang masugid na tagapagtaguyod ng wikang Tagalog si Lope, na ang kanyang gitnang pangalang Canseco ay pinalitan niya ng Kanseko, ayon na rin sa nakagawiang abakada. Pumasok siya sa pulitika, nang naging Gobernador ng lalawigan ng Rizal noong 1910, at naging unang Gobernador ng bagong tatag na lalawigan ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Nahalal siyang Senador ng Philippine Legislature. Bilang Senador, siya ang naging awtor ng Act no. 2946, na nagtatakda sa ika-30 ng Nobyembre bilang araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, o Bonifacio Day ngayon.

Bilang bahagi ng kanyang pagtataguyod sa wikang Tagalog, inilathala ni Lope K. Santos noong 1940 ang Balarila ng Wikang Pambansa, ang unang grammar book ng ating Pambansang Wika. Kinomisyon siya ng Surian sa Wikang Pambansa para rito, at noong 1935 ay itinalaga siya ni Pangulong Manule Luis Quezon bilang direktor ng SWP hanggang 1946. Hinirang naman siya na magsalin sa wikang Tagalog ng Konstitusyon ng 1935 para sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organizations (UNESCO), at nagsalin rin ng mga inaugural speech nina Pangulong Jose Laurel at Manuel Roxas. Bilang manunulat, siya ang nag-akda ng mga sumusunod: Banaag at Sikat (1903-1906), Kundanḡan...!: Nobelang Tagalog Katha (1927), Sino Ka? Ako'y Si... 60 Sagot na mga Tulá (1946), "Makábagong" Balarilà?: Mga Puná at Payo sa "Sariling Wikà" (1951).

Binawian ng buhay si Lope K. Santos noong unang araw ng Mayo, 1963 dahil sa komplikasyong dulot ng kanyang sakit sa atay.

Sanggunian:
• Lope K. Santos (1879–1963). Retrieved September 25, 2022. https://web.archive.org/web/20040929020755/http://www.geocities.com/sinupan/santoslopek.htm
* Lope K. Santos – Father of the Filipino Grammar: Fighting for National Identity.



05/09/2022
Fatima National High School joins the National Day of Remembrance for Road Crash Victims, commemorated every third sunda...
23/11/2021

Fatima National High School joins the National Day of Remembrance for Road Crash Victims, commemorated every third sunday of November.😇🕯️


21/11/2021

Dirección

Cortes
6341

Horario de Apertura

Lunes 08:00 - 17:00
Martes 08:00 - 17:00
Miércoles 08:00 - 17:00
Jueves 08:00 - 17:00
Viernes 08:00 - 17:00
Sábado 08:00 - 05:00

Página web

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando DepEd Tayo Youth Formation- Fatima NHS- Cortes publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Contacto La Organización

Enviar un mensaje a DepEd Tayo Youth Formation- Fatima NHS- Cortes:

Compartir

Categoría