05/09/2026
TINGNAN | POSO, Nakaantabay para sa Ligtas na Tanglawan Festival 2026
Nakaantabay ang CSJDM – Public Order and Safety Office (POSO) upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa Tanglawan Festival 2026: Tanglaw Konsiyerto para sa Pamilyang San Joseño ngayong araw, Setyembre 5, 2026.
Sa patuloy na pagbabantay at pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang pangseguridad, layunin ng POSO na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at magandang daloy ng programa para sa lahat ng dumalo.
📍 City College Grounds, Barangay Minuyan Proper