2026/11/17
LIBRENG INTERPRETER PARA SA PAGPAPAKONSULTA SA OSPITAL!
Para sa mga magulang na nakatira sa Lungsod ng Hamamatsu !
Kapag kayo ay pupunta sa ospital, isinasama ba ninyo ang inyong anak upang magsilbing interpreter at dahil dito ay hindi pinapapasok sa klase ang anak?
May libreng serbisyo ng interpreter na maaari ninyong gamitin!
Sa pamamagitan ng serbisyong ito: Hindi na kailangang mag absent sa paaralan ang inyong anak.,Makakapag-aral siya at makakasama ang kanyang mga kaibigan.Hindi na kailangang malaman o marinig ng inyong anak ang tungkol sa inyong karamdaman.
Mga detalye ng serbisyo:
Sino ang maaaring gumamit?
Mga residente ng Lungsod ng Hamamatsu na kailangang mag absent sa paaralan ang kanilang anak na wala pang 18 taong gulang upang magsilbing interpreter sa ospital.
Oras: Lunes hanggang Biyernes, 9:00 AM – 5:00 PM (hanggang 2 oras)
Mga Wika: Portuguese at English. Para sa ibang wika, mangyaring ikonsulta/ magtanong muna.
Bayad: LIBRE!
Hindi available: Sabado, Linggo at mga national holiday sa Japan.
MAHALAGANG PAALALA:
Mangyaring makipag-ugnayan 10 araw bago ang inyong pagpunta sa ospital.
Saan mag-a-apply?
Hamamatsu City Hall – Child Rearing Support Division
Maaari ring mag-apply gamit ang QR code na nasa larawan.
Ang serbisyong ito ay isinasagawa sa pakikipagtulungan sa Hamamatsu Foundation for International Communication and Exchange (HICE).
Huwag hayaang mag absent sa klase ang inyong anak para lamang magsilbing interpreter. Gamitin ang libreng serbisyong ito!