22/07/2026
𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻
Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa legal specialist at maaaring ikonsulta ang mga bagay gaya ng permiso sa pamamalagi sa Japan (zairyu shikaku), pakikipagdibursyo, at iba pa.
Mayroong tutulong magsalin ng inyong hinaing kung nahihirapan sa wikang Hapon. Mangyari lamang na magparehistro ang mga nais kumunsulta.
Kontakin ang Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA) para makapag-register, at muling magpadala ng mensahe isang araw bago ang konsultasyon. Mahalagang ipagbigay-alam kung sakaling hindi na makapupunta sa iskedyul. Tatanggap lamang ng rehistrasyon sa mismong araw kung may bakante.
Maaring hindi matugunan ang lahat ng nais magpakonsulta kung marami nang nakapagpatala kaya naman magparehistro na nang maaga.
【Kailan】
Ika-29 ng Hulyo 2026(Miyerkules)10:00〜12:00
【Saan】
Opisina ng Samahang Pang-internasyonal ng Shizuoka
2F Mizunomori Bldg, 14-1 Minami-cho-Suruga-ku, Shizuoka-shi
【Sinu-sino】
Mga dayuhan o kanilang representative, mga Hapon na may kinalaman sa mga dayuhan
【Paraan ng Konsultasyon】
Video Call, Tawag sa Telepono, o Pagpunta sa Opisina
【Mga Wikang Matutugunan】
Ingles, Portuges, Filipino, Vietnamese, Indonesian, Espanyol, at Tsino
【Magkano】
Walang bayad
【Bilang ng Matutugunan】
2 tao lamang
【Para sa Mga Katanungan】
Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA)
☎ 054-204-2000
📧 [email protected]
FB/Messenger Adviser Shizuoka