05/12/2024
CHAPTER 02
All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Nakaupo sina Adam at Jake habang nasa fastfood sila hinihintay nila na dumating sina Brie, Jane, Madeline at Rose maya-maya ay dumating na rin ang apat "Oh nandito na pala kayo." Sabi ni Jake tsaka umupo ang apat "Pasensya na natagalan ang tagal kasi magturo ni Ma'am Enriquez eh." Sabi ni Madeline "Ganun talaga si Ma'am Enriquez sahi nga ng mga ibang estudyante eh." Sabi ni Adam "Oo nga pala kakain na muna ba tayo bago manood?" Sabi ni Brie "Bakit puwede naman yun at tsaka gutom na rin kasi ako eh." Sabi ni Rose kaya nagtawanan silang lahat "Mukha nga na gutom ka na paano ba naman pinag-aagawan siya ng tatlong lalaki." Sabi ni Jane "Wow ang haba ng hair." Sabi ni Adam kaya nagtawanan ulit silang lahat "Alam ninyo kalimutan na ninyo sila dahil nakakainis kanina hindi na naman nila ako tinigilan." Sabi ni Rose "Totoo yan binigyan pa nga siya ng bulaklak eh." Sabi ni Brie "Kaya pala may dala ka na mga bulaklak." Sabi ni Jake tsaka napansin ang tatlong bulaklak na rosas "Oo tinanggap ko nakakahiya naman eh." Sabi ni Rose "Alam mo Rose hindi ka talaga titigilan ng tatlong yun dahil kapag may binibigay sila sayo tinatanggap mo." Sabi ni Madeline "Ano ba yung dapat ko gawin?" Sabi ni Rose "Dapat hindi mo tinatanggap yung mga binibigay nila sayo." Sabi ni Madeline "Correct dahil maaaring isipin nila na may chance sila sayo."
Sabi ni Jane "Ako ba wala ba akong chance sayo?" Sabi ni Brie kaya nagtawanan ang lahat maliban sa kanila Brie at Jane "Wow sumisimple ka Brie." Sabi ni Jake tsaka nagtawanan ang lahat "Alam mo tigilan mo ako sa mga cheese na sinasabi mo." Sabi ni Jane "Sige na umorder na tayo." Sabi ni Jake natapos ang kanilang pag-uusap dahil nag-order na sila ang kanilang pagkain ay chicken, spaghetti, fries at burger bago sila kumain ay nagpicturan muna sila at natapos ang kanilang pagkain hanggang sa nagkuwentuhan silang anim "Alam ninyo bago tayo manood ng sine may ikukuwento ako sa inyo alam ko naman na hindi pa ninyo ito alam eh." Sabi ni Brie "Ano naman yun?" Sabi ni Jake tsaka uminom ng tubig "Yung noong November 06 2010 ay may namatay na teenager at grabe yung nangyari sa kanya." Sabi ni Brie "Ano yung nangyari sa kanya?" Sabi ni Madeline na interesado sa kinukuwento ni Brie "Natagpuan siya ng kanyang ina na patay sa kanilang bahay tapos grabe yung nangyari sa kanya." Sabi ni Brie biglang nagsalita si Rose "Alam ko na yan dahil ayan yung ni-report ko kahapon." Sabi ni Rose tsaka kumagat ng fries "Tapos ano yung sunod?" Sabi ni Jane na interesado na rin "Na yung katawan niya ay nasa sahig tapos puno ng dugo tapos pinugutan pa siya ng ulo kaya brutal yung nangyari sa kanya." Sabi ni Brie kaya nagsimulang matakot ang tatlong babae "Ano ba yan akala ko pa naman masaya yung kinukuwento mo ganyan pala." Sabi ni Adam tsaka uminom ng tubig "Oo nga nakakatakot ah." Sabi ni Jake "Alam ninyo may isa pa ako ikukuwento sa inyo. Yung tungkol sa
Death video sabi nila kapag may napanood ka na video ng isang babae ibig sabihin yun may mangyayaring masama sayo dahil papatayin ka niya." Sabi ni Brie biglang tumayo si Jane "Ikaw puro ka talaga kalokohan! Magbabanyo na muna ako." Sabi ni Jane tsaka naglakad "Ako rin pala guys." Sabi ni Madeline tsaka tumayo "Sama ako naiihi na rin kasi ako eh." Sabi ni Rose tsaka tumayo naglakad sila ni Madeline para sumunod kay Jane para pumunta sa banyo naiwan sina Adam, Brie at Jake "Ikaw kasi puro ka kalokohan eh." Sabi ni Jake tsaka tumawa "Totoo naman yung sinasabi ko totoong nangyari yun." Sabi ni Brie tsaka tumawa sina Adam at Jake "Alam mo kahit totoo yun nangyari dapat hindi mo kinuwento sa amin dahil nakakatakot kaya." Sabi ni Adam "Kaya tuloy nainis sayo ni Jane sige ka hindi ka na sasagutin." Sabi ni Jake tsaka tumawa sila ni Adam "Alam ninyo kaya kayo ganyan magsalita dahil masaya yung love life ninyo dahil-" Sabi ni Brie hindi na niya natuloy pa yung sasabihin niya dahil nagsalita si Adam "Naiihi na pala ako sige pupunta muna ako sa banyo." Sabi ni Adam tsaka naglakad papunta sa banyo habang nasa banyo ang tatlong babae ay nag-uusap "Parang baliw talaga si Brie nagkuwento ba naman siya ng creepy." Sabi ni Madeline habang nakatingin sa salamin "Pero kahit na ganun nagulat ako sa kanya dahil hindi ko akalain na alam niya yung kwento na yun yung iba nga kinakalimutan na yun dahil napakabrutal yung nangyari sa babae samantala siya ayan alam niya." Sabi ni Rose