20/08/2026
The Philippine Embassy is pleased to acknowledge the fruits of its first ever partnership with Immigration New Zealand regarding a suspect of illegal recruitment and trafficking that has victimized a number of Filipinos in New Zealand. Through this partnership, the suspect Julie Pearl Robejes, aka Julie Pearl Buaquina De Los Santos, was deported to the Philippines to face the full force of Philippine law. This signals a strong commitment by both the Philippines and New Zealand in combatting trafficking, and heralds the possibility of continued collaboration under the Philippines-New Zealand Comprehensive Partnership. May this serve as a strong warning against those who seek to exploit migrant Filipinos in New Zealand. - END
https://www.facebook.com/share/p/1DZVznmc83/?mibextid=wwXIfr
๐ฆ๐๐๐ฝ๐ฒ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐ก๐ฒ๐ ๐ญ๐ฒ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ, ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐น๐ผ๐ถ๐น๐ผ
๐๐ญ๐ฐ๐ช๐ญ๐ฐ ๐๐ช๐ต๐บ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Naaresto sa Iloilo City si Julie Pearl Robejes, na umanoโy nagpapatakbo ng Paragon Visa Consultancy, kaugnay ng kasong Syndicated Illegal Recruitment at Estafa na isinampa matapos umanong manghikayat at maningil sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa New Zealand.
Ayon sa mga reklamo, noong 2025 ay nag-recruit umano si Robejes at kanyang mga empleyado ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa New Zealand. Nangako umano sila ng employment para sa ibaโt ibang kasanayan at propesyon, kapalit ng processing fees na umaabot mula โฑ100,000 hanggang โฑ300,000.
Para sa mga aplikanteng hindi kayang bayaran ang kinakailangang halaga, umanoโy nire-refer sila ni Robejes sa mga loan agent upang makalikom ng pambayad sa kanilang recruitment-related expenses.
Gayunman, pagdating ng ilang complainant sa New Zealand, wala umano silang nadatnang trabahong ipinangako sa kanila. Ang ilan ay walang ready employment, habang ang iba naman ay nakapagtrabaho ngunit sa mga posisyong iba sa mga unang ipinangako sa kanila.
Nalaman din umano ng mga complainant na ni-raid ng mga awtoridad sa New Zealand ang bahay ni Robejes sa Auckland kaugnay ng umanoโy kawalan ng kinakailangang lisensya upang magsagawa ng recruitment activities. Dahil dito, ang ilan sa mga complainant ay umuwi sa Pilipinas, habang ang iba ay nanatili sa New Zealand at nagtrabaho pansamantala.
Ayon sa tagubilin ni Pangulong Bongbong Marcos, nagbigay ng assistance ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga complainant sa pagsasampa at pagpapatuloy ng mga kaso laban kay Robejes at sa kanyang mga empleyado.
Sa kabuuan, 13 kaso ang naisampa kaugnay ng mga reklamoโpitong kaso sa pamamagitan ng DMW Regional Office VI at anim na kaso sa pamamagitan ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB)โpara sa Syndicated Illegal Recruitment at Estafa.
Noong 23 Marso 2026, naglabas ang Regional Trial Court Branch 27, Iloilo City ng Warrant of Arrest laban kay Robejes at dalawa pa niyang empleyado kaugnay ng People of the Philippines vs. Robejes, et al., na nakadocket bilang Criminal Case No. 26-96939.
Noong 13 Agosto 2026, dakong alas-9 ng gabi, matagumpay na naaresto si Robejes ng mga tauhan ng La Paz Police Station 2 sa Iloilo City. Matapos ang kanyang pagkakaaresto, siya ay dinala at pansamantalang ipinuwesto sa kustodiya ng nasabing himpilan.
Noong 16 Agosto 2026, isinugod si Robejes sa St. Paulโs Hospital sa Iloilo City matapos makaranas ng persistent stomach ache at medical emergency. Sa kasalukuyan, siya ay nasa PS2 Female Custodial Facility habang hinihintay ang kaukulang disposisyon ng kaso at turnover sa korte.
Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima ni Robejes na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal o magtungo sa DMW o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng reklamo.