31/08/2026
“Ang Pilipinas ay karapat-dapat na ipaglaban. Ang bawat Pilipino ay karapat-dapat na paglingkuran. Ang ating soberanya ay karapat-dapat na ipagtanggol.”
Sa paggunita ng National Heroes’ Day, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan, kundi patuloy na nabubuhay sa mga Pilipinong nagsasakripisyo, naglilingkod, at gumagawa ng kabutihan para sa bayan.
Binigyang-pugay ng Pangulo ang mga makabagong bayani ng ating panahon, mula sa mga OFW, g**o, healthcare worker, frontliner at magulang hanggang sa mga mangingisda at tagapagtanggol ng bansa. Kabilang dito ang mga Pilipinong patuloy na nagmamalasakit, nagsisilbi, at naninindigan para sa bayan, lalo na sa pangangalaga sa ating mga karapatan at pambansang interes sa West Philippine Sea.
Sa pagkilala sa kanilang kabayanihan, hinikayat ni PBBM ang bawat Pilipino na gampanan ang sariling tungkulin upang mapanatiling matatag, malaya, at nagkakaisa ang Pilipinas.