Abucay Youth Development Office

Abucay Youth Development Office The Abucay Youth Development Office (AYDO) exists to empower the youth of Abucay, Bataan.

May school works? Online class? Kailangan mag print ng assignments, reviewers, o projects?Tara na sa Abucay Youth Hub!FR...
24/08/2026

May school works? Online class? Kailangan mag print ng assignments, reviewers, o projects?
Tara na sa Abucay Youth Hub!

FREE PRINTING
FREE USE OF MACBOOKS para sa studies at online classes.

Huwag nang mag alala sa gastos. Dito may libreng space at resources para makatulong sa inyong pag-aaral!

24/08/2026
13/08/2026

WALANG PASOK, BIYERNES, AGOSTO 14, 2026 | ORANGE RAIN FALL WARNING

Suspendido muli ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Abucay bilang pag-iingat sa patuloy na malakas na pag-ulan at posibleng baha, base na rin sa payo ng ating Mdrrmo Abucay .

Safety first! Manatili sa inyong tahanan, iwasang bumiyahe kung hindi kinakailangan, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo.

Maaaring ipagpatuloy ang online classes o modular distance learning depende sa pasya ng inyong paaralan.
Mag ingat Abukeño, at laging maging alerto!

06/08/2026

Abucay Youth Trade Fair 2026

May negosyo ka ba o balak mo nang magsimula? Ito na ang pagkakataon mong ipakilala ang iyong produkto at palaguin ang iyong pangarap!

Inaanyayahan ko ang mga kabataang entrepreneurs ng Abucay sa gaganaping 10-day Abucay Youth Trade Fair sa pangunguna ng ating LYDO at pakikipagtulungan ng DTI, AMPC, at Municipal Treasurer Office.

Pagkakataon ito upang ipakilala at kumita ang inyong produkto, at matuto kung paano ninyong mas mapapalago at mapapatakbo ito ng mabuti at tama.

20 slots lamang ito kaya mag-register na sa link o i-scan ang QR code sa ibaba.

Google link:
https://docs.google.com/forms/d/1bxFwlb42NwMkyu98Gyu_2jMNBcLOLCuLTLzcETSUl8U/edit

G na!

03/08/2026

Pangarap ko na darating ang araw isa na ang football sa kinagigiliwang laro ng mga kabataan dito sa Abucay.

Sa ipinakitang husay ng ating mga kabataan sa nakaraang Blue Knights Football Edition Season 1, na ginanap sa a Evia Football Field, Brittany Palazzo, Poblacion, Muntinlupa. Pinatunayan nilang hindi pahuhuli ang atletang Abukeño sa larong football.

Bilang isang footballer buo ang aking suporta sa patuloy na pagpapalago ng sports na ito sa ating bayan.

02/08/2026

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat, suspendido po ang klase ngayong Lunes August 3, 2026 para sa lahat ng antas (All Levels) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Abucay.

Ang suspensyon ay ipinatutupad dahil sa banta ng malalakas pag-ulan at masamang lagay ng panahon na dulot ng Tropical Depression .

Hinihikayat din ang lahat na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga susunod na anunsyo mula sa DOST-PAGASA, at sa ating MDRRMO.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Mag-ingat at manatiling ligtas.

31/07/2026

Masayang ibinalita in Mayor Erik Martel na naipagkaloob na niya ang mga sapatos sa mahigit dalawampung football players sa kanilang bayan, na siya rin ang nag-organisa at humikayat na matutong maglaro ng football dahil siya mismo ay football player noong siya ay nag-aaral pa.

Full story in the comments

Address

New Municipal Building, Calaylayan
Abucay
2114

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abucay Youth Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share