Brgy.Coral na Munti

Brgy.Coral na Munti One for all, All for one

30/07/2026

KABAYAN, DAPAT ALAM MO 🇵🇭✨

Pinapaalam po sa ating mga kababayan na ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay naghahanap ng Social Welfare Officer I.

Basahin lamang ang kalakip na larawan para sa iba pang mga detalye.


54th REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG BAYAN NG AGONCILLO, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY CORAL NA MUNTI .Ginanap ang ...
21/07/2026

54th REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG BAYAN NG AGONCILLO, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY CORAL NA MUNTI .

Ginanap ang ika-54 na Regular Session ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, kasama ang mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan, na ginanap mismo sa Barangay Coral na Munti.
Sa pamamagitan ng out-of-hall session na ito, mas mabilis at direktang naipapaabot ng ating mga kababayan sa barangay ang kanilang mga mungkahi, kailangan, at usaping pambarangay upang mabigyan ng kaukulang ordinansa at resolusyon .

15/07/2026
“BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM”5 BENEFICIARIES NG BAGONG PILIPINAS BARANGAY PRESIDENTIAL SCHOLARSHIP PROGRAM NG BA...
15/07/2026

“BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM”

5 BENEFICIARIES NG BAGONG PILIPINAS BARANGAY PRESIDENTIAL SCHOLARSHIP PROGRAM NG BARANGAY Coral na Munti AGONCILLO, BATANGAS.

Noong Hulyo 13, 2026, sa inisyatibo ng Sangguniang Barangay ng Brgy.Coral na Munti
Agoncillo, Batangas, ay sinurvey ang lahat ng mga incoming fourth year college students. Mula sa kanila ay napili ang limang (5) Presidential Scholars, alinsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang 5 napiling Scholar ay walang natatanggap na anumang Scholarship Program gaya ng TES.
Sila ay nakatanggap ng ₱20,000.00 bawat isa na may kabuuang ₱100,000.00. Taos-puso ang pasasalamat sa ating mga Presidential Scholars at kanilang mga magulang dahil malaking tulong ito upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

Patuloy po nating itataguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat kabataan ng Barangay Coral na Munti. 🇵🇭

Ganun din para sa Priority Project ng Barangay na ipinagkaloob ng ating Presidente. Lubos ang pasasalamat ng lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay Coral na Munti makabili ng sasakyan na magagamit para sa mas epektibong serbisyo .

1. Angeline M. De Castro - Rizal College of Taal
2.Mica Beverlyn M. Enriquez-Agoncillo College Incorporated
3.Joseph C. De Villa- West Med International School
4.Kate T. De Mesa - Cavite State University
5. Arjay V. Piol - Agoncillo College Incorporated


📌Diversity wins . Equality wins !📌Let's support our Candidates from Brgy      Coral na Munti ✨📌Click the photo to add yo...
18/06/2026

📌Diversity wins . Equality wins !
📌Let's support our Candidates from Brgy Coral na Munti ✨
📌Click the photo to add your vote

#3 Maxie Coro✨✨

15/05/2026
Punta na po kayo at mag apply baka Isa na din po kayo ma hired on the spot .
15/05/2026

Punta na po kayo at mag apply baka Isa na din po kayo ma hired on the spot .

Magandang araw po mga Ka Barangay inaanyayahan po ang lahatSa Sabado sa Plaza Elena para sa pagpaparehistro Ng mga membe...
15/05/2026

Magandang araw po mga Ka Barangay inaanyayahan po ang lahat
Sa Sabado sa Plaza Elena para sa pagpaparehistro Ng mga members Ng Batelec sa ganap na 1:00 Ng hapon May 23 (Sabado)first come first serve po .
Maraming salamat po.

FYI apply na po kayo pinalapit na po ang pag aaply dito po sa Plaza Coral na Munti bukas na po ito
14/05/2026

FYI apply na po kayo pinalapit na po ang pag aaply dito po sa Plaza Coral na Munti bukas na po ito

Kabuhayan at oportunidad, hatid diretso sa Barangay!”

📢 LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY 2026 📢

🗓️ May 15, 2026 (friday)
🕘 9:00 AM
📍 Coral na Munti Covered Court

Handa ka na bang magkaroon ng bagong oportunidad? 💼✨
Makilahok sa ating Local Recruitment Activity at tuklasin ang iba’t ibang trabahong maaaring bumago sa iyong kinabukasan. Dalhin ang iyong resume, valid ID, at magandang disposisyon! 🙌
Calling the attention of Job seekers Especially Brgy Coral na Munti , Pamiga,Balangon, Mabini , San Jacinto At Barigon
✅ Maraming job opportunities
✅ Open para sa lahat ng naghahanap ng trabaho
✅ Chance para makapag-apply on-the-spot
Huwag palampasin ang pagkakataon na makahanap ng trabaho para sa mas magandang bukas! 💙

JOB OPPORTUNITIES NATCORP


Career Growth and Manpower Services Inc.

JOB OPENINGS:

* 1000 PRODUCTION OPERATORS
Posting: NatCorp Management
Willing to be assigned at LAGUNA, FPIP, LIMA AND FCIE DASMARINAS, EPZA ROSARIO AND IMUS CAVITE AREA
* 200 PRODUCTION CREW-DEBONNER (BULACAN)
* 20 SEWERS (BINAN TECHNOPARK LAGUNA)
* 20 WELDERS (SILANG CAVITE)
* 50 DELIVERY RIDERS (NATIONWIDE)
* 10 AGENT RECRUITER

09/04/2026

PAKIKIISA SA IKA-84 TAONG ANIBERSARYO NG ARAW NG KAGITINGAN 🇵🇭✨

Sa paggunita ng ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong ika-9 ng Abril 2026, ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay buong pusong nakikiisa sa pagbibigay-pugay sa hindi matatawarang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani.

Sa temang “Giting ng mga Bayani, Pamana sa Salinlahi,” muling pinagninilayan ang mahalagang papel ng kasaysayan sa paghubog ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ang kanilang ipinakitang tapang at dedikasyon ay nagsisilbing gabay at inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang adhikain para sa kapayapaan, kalayaan, at kaunlaran.


Address

Agoncillo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy.Coral na Munti posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share