Agoo Tourism Office

Agoo Tourism Office The official Fb page of the Municipality of Agoo, La Union-Information and Tourism Office

04/09/2026
Sali ka, Kailian! ๐Ÿ™๐Ÿ’š
03/09/2026

Sali ka, Kailian! ๐Ÿ™๐Ÿ’š

๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐ข๐ฌ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kailian, this month, let's celebrate the beauty, culture, flavors, and stories that make Agoo, La Union a destination worth discovering.

Explore, experience, and create memories in Agoo, your next destination! ๐Ÿ’š

29/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ข, ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ž ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐— 

Mas pinalawak ang abot ng promosyon ng turismo sa Region I matapos makilahok ang ๐˜ฟ๐™š๐™ฅ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ค๐™› ๐™๐™ค๐™ช๐™ง๐™ž๐™จ๐™ข (๐˜ฟ๐™Š๐™) ๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™„ ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ค๐™˜๐™–๐™ก ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ฉ (๐™‡๐™‚๐™) ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™œ๐™ค๐™ค ๐™จ๐™– 18๐™ฉ๐™ ๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™๐™ง๐™–๐™ซ๐™š๐™ก ๐™๐™–๐™ž๐™ง ๐™ฃ๐™– ๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฅ ๐™จ๐™– ๐˜พ๐™ค๐™ฉ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ค ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ, ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™จ๐™–๐™ข๐™ค๐™ง๐™ค ๐˜ผ๐™ช๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ข๐™ค๐™ช๐™จ ๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ž๐™ฃ ๐™ˆ๐™ช๐™จ๐™ก๐™ž๐™ข ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ค (๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™ˆ๐™ˆ).

Sa halip na manatili lamang sa mga karaniwang merkado, dinala ng DOT Region I sa Mindanao ang ibaโ€™t ibang destinasyon at karanasang maiaalok ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, at La Union upang mas maraming Pilipino ang mahikayat na bumisita sa rehiyon.

Kabilang sa mga nakibahagi sa aktibidad si ๐— ๐˜€. ๐—”๐—ฏ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น ๐—”๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—š๐—จ-๐—”๐—ด๐—ผ๐—ผ, na naging bahagi ng pagpapakilala sa mga lokal na destinasyon at potensyal ng bayan sa larangan ng turismo.

Naging pagkakataon din ang Regional Travel Fair para makipag-ugnayan ang mga kalahok sa mga travel buyer, tour operator, hotel representative, airline partner, at iba pang stakeholder ng industriya.

Sa pamamagitan ng Business-to-Business at Business-to-Consumer engagements, nagkaroon ng pagkakataon ang DOT Region I at mga katuwang nitong lokal na pamahalaan na makabuo ng mga bagong koneksyon at tuklasin ang mga posibleng partnership para sa mas malawak na promosyon ng turismo.

Sa kabuuan, ipinakita ng paglahok ng Region I at LGU-Agoo na ang pagpapalago ng turismo ay hindi lamang nakasalalay sa pagpapakita ng magagandang tanawin, kundi maging sa pagbuo ng mga ugnayang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga lokal na komunidad at negosyo.

Sa patuloy na pagpapalawak ng tourism promotion sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa, layon ng DOT Region I na mas maraming manlalakbay ang mahikayat na tuklasin ang yaman, kultura, at natatanging karanasang iniaalok ng Ilocos, Pangasinan, at La Union.

| Albert M Viloria

Courtesy: Department of Tourism Region 1

27/08/2026



Suspendido ang Face-to-Face Classes mula Kindergarten hanggang High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw, August 28, 2026, sa Bayan ng Agoo dahil nakailalim sa Orange Rainfall Outlook ang Probinsya ng La Union sa huling ulat ng PAGASA, 5:00 AM.

Hinihikayat na magpatupad na lamang ng Modular Distance Learning ang mga paaralan upang hindi matigil ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang pagsuspende naman ng klase sa College Level ay nakasalalay sa pasya ng kanilang school head.

Laging maging handa sa anumang kalamidad. Umantabay sa weather updates at mahahalagang anunsyo dito sa ating official page.

Annad latta, Kailian! ๐Ÿ’š

27/08/2026
๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š
27/08/2026

๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Pa-accredit na, our dear tourism establishments in Agoo!
26/08/2026

Pa-accredit na, our dear tourism establishments in Agoo!

Address

Agoo
1504

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agoo Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Agoo Tourism Office:

Shortcuts

Share