Philippine Weather Watcher

Directions

Philippine Weather Watcher Philippine Weather Watcher is an independent, unofficial community page run by weather enthusiasts. For official weather warnings, always check DOST-PAGASA.

We are NOT affiliated with PAGASA, NDRRMC, or any government agency.

⛈️⚡ MALALAKAS NA THUNDERSTORMS, ASAHAN SA HALOS BUONG BANSA! 🌩️Ayon sa ECMWF Thunderstorm Model via Windy, may malawak n...
28/09/2026

⛈️⚡ MALALAKAS NA THUNDERSTORMS, ASAHAN SA HALOS BUONG BANSA! 🌩️

Ayon sa ECMWF Thunderstorm Model via Windy, may malawak na thunderstorm activity na nakikita sa ilang bahagi ng Pilipinas ngayong araw. Mas kapansin-pansin ang mga thunderstorm cells sa Luzon, Visayas, Palawan at Mindanao.

🌧️ MGA LUGAR NA MAY KAPANSIN-PANSING ACTIVITY:
▪️ Luzon
• Ilang bahagi ng Northern Luzon, kabilang ang Cagayan at karatig-lugar
• May mga thunderstorm cells din sa Central at Southern Luzon
▪️ Visayas
• Ilang bahagi ng Central at Eastern Visayas, kabilang ang paligid ng Cebu
• Posible rin ang thunderstorms sa mga karatig-isla
▪️ Mindanao
• Mas aktibong thunderstorm areas ang makikita sa ilang bahagi ng Eastern Mindanao, kabilang ang paligid ng Davao
• May mga thunderstorm cells din sa iba pang bahagi ng Mindanao
▪️ Palawan
• May mga kumpol din ng thunderstorms sa ilang bahagi ng Palawan.

⚡ ANO ANG POSIBLENG DALHIN?
Ang thunderstorms ay maaaring magdulot ng biglaang malakas na buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat, malalakas na bugso ng hangin, at posibleng localized flooding sa mga lugar na tatamaan ng mas malalakas na thunderstorms.

⚠️ PAALALA:
Kapag may pagkulog at pagkidlat, ugaliing manatili sa ligtas at masisilungan na lugar. Iwasang manatili sa open areas, malapit sa matataas na puno, poste, o iba pang exposed structures.

📌 Tandaan: Ito ay ECMWF model guidance at hindi opisyal na thunderstorm warning. Maaaring magbago ang lokasyon at intensity ng thunderstorms habang nagbabago ang atmospheric conditions.

🛰️ SOURCE: ECMWF Thunderstorms via Windy
📅 MODEL RUN: September 29, 2026 • 2:00 PM

Manatiling alerto at subaybayan ang opisyal na rainfall at thunderstorm advisories ng PAGASA.

☀️🔥 BICOL, VISAYAS AT MINDANAO — MATINDI ANG UV RADIATION BUKAS!Ayon sa UV Index forecast mula sa CAMS/Windy, inaasahang...
28/09/2026

☀️🔥 BICOL, VISAYAS AT MINDANAO — MATINDI ANG UV RADIATION BUKAS!

Ayon sa UV Index forecast mula sa CAMS/Windy, inaasahang magiging Very High hanggang Extreme ang UV radiation sa ilang bahagi ng bansa bukas, September 29, 2026.

🟣 EXTREME UV RADIATION
Mas kapansin-pansin ang Extreme UV levels sa malalawak na bahagi ng Visayas at Mindanao, habang may ilang bahagi rin ng Bicol at iba pang lugar na nakikita sa mataas na UV range.
🔴 VERY HIGH UV
May mga bahagi rin ng Luzon, Visayas at Mindanao na maaaring makaranas ng Very High UV radiation, lalo na sa mga oras na mataas ang araw.

⚠️ ANO ANG DAPAT GAWIN?
• Iwasan ang matagal na direktang pagbibilad sa araw, lalo na bandang tanghali.
• Gumamit ng sunscreen, payong, sumbrero o protective clothing.
• Magsuot ng sunglasses kung kinakailangan upang makatulong na maprotektahan ang mga mata.
• Kung may outdoor activities, mas mainam na limitahan ang exposure sa matinding sikat ng araw.

📌 Tandaan: Ang UV forecast ay maaaring magbago depende sa cloud cover at iba pang atmospheric conditions. Ang Extreme UV Index ay nangangahulugang kailangan ng karagdagang pag-iingat laban sa direktang sikat ng araw.

📅 FORECAST: September 29, 2026
🛰️ SOURCE: UV Index / CAMS via Windy
📊 MODEL RUN: September 28, 2026
☀️ Mag-ingat sa araw at manatiling updated sa lagay ng panahon!

🥶🌬️ MALAKAS NA AMIHAN, PAPARATING NA? | MAS MALAMIG NA PANAHON POSIBLE SA LUZON!Ayon sa GFS model via Windy, may nakikit...
28/09/2026

🥶🌬️ MALAKAS NA AMIHAN, PAPARATING NA? | MAS MALAMIG NA PANAHON POSIBLE SA LUZON!

Ayon sa GFS model via Windy, may nakikitang mas malakas na Northeast Monsoon (Amihan) na maaaring makaapekto sa bahagi ng Luzon sa paligid ng October 5, 2026.

🌬️ MAS MALAKAS NA HANGIN MULA SA HILAGANG-SILANGAN
Makikita sa forecast ang mas malakas na daloy ng hangin mula sa direksyong hilagang-silangan, lalo na sa Northern Luzon at karatig na bahagi ng bansa.

🥶 ANO ANG POSIBLENG MARANASAN?
• Mas malamig na hangin, partikular sa Northern Luzon
• Mas malamig na gabi at madaling-araw
• Posibleng mas maulap at maulan sa ilang eastern at northern-facing areas
• Maaaring maging mas maalon ang karagatan sa mga lugar na direktang naaapektuhan ng Amihan

📌 PERO HUWAG MUNANG MAG-CONCLUDE!
Ang ipinapakita ay GFS model forecast para pa sa October 5. Mahaba pa ang forecast period kaya maaaring magbago ang lakas, lawak, at timing ng Amihan sa mga susunod na model runs.

🛰️ SOURCE: GFS / Windy
📅 MODEL RUN: September 28, 2026
🔮 FORECAST RUN: October 5, 2026

❄️ Kung magpapatuloy ang signal sa mga susunod na runs, posibleng mas ramdam ang malamig na simoy ng Amihan sa Northern Luzon.

Patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather updates at opisyal na advisories ng PAGASA.

🌀 WALANG BAGYO?Sa kasalukuyang EUMETSAT satellite imagery via Windy, walang nakikitang malinaw na organisadong tropical ...
28/09/2026

🌀 WALANG BAGYO?

Sa kasalukuyang EUMETSAT satellite imagery via Windy, walang nakikitang malinaw na organisadong tropical cyclone sa paligid ng Pilipinas sa ipinapakitang weather pattern. 🌤️

📅 Sa kasalukuyang projection, wala ring prominenteng tropical cyclone signal na nakikita sa paligid ng bansa sa susunod na ilang araw. Gayunpaman, dahil patuloy na nagbabago ang kondisyon ng atmospera, kailangan pa ring bantayan ang mga susunod na updates.

🌦️ Hindi ibig sabihin na magiging totally storm-free ang buong bansa. Maaari pa ring magkaroon ng mga thunderstorms, localized heavy rains, at iba pang weather disturbances kahit walang tropical cyclone.

🔎 BAKIT MAHALAGANG SUBAYBAYAN?
Ang tropical cyclone development ay maaaring magbago habang lumalapit ang forecast period. Kaya ang kasalukuyang kawalan ng malinaw na bagyo sa projection ay hindi garantiya na mananatili itong ganoon sa buong 7 araw.

🛰️ SOURCE: EUMETSAT via Windy
📅 MODEL/SOURCE RUN: September 28, 2026 • 3:00 AM

Patuloy nating susubaybayan ang mga susunod na satellite observations, weather models, at opisyal na updates ng PAGASA.

⛈️⚡ ASAHAN ANG MALALAKAS NA THUNDERSTORMS NGAYONG ARAW ‼️Ayon sa ECMWF Thunderstorm Model via Windy, may posibilidad ng ...
27/09/2026

⛈️⚡ ASAHAN ANG MALALAKAS NA THUNDERSTORMS NGAYONG ARAW ‼️

Ayon sa ECMWF Thunderstorm Model via Windy, may posibilidad ng mas aktibong thunderstorm activity ngayong araw sa ilang bahagi ng Pilipinas.

🌧️ MGA LUGAR NA MAY KAPANSIN-PANSING THUNDERSTORM:
▪️ Luzon
• halos buong Northern at Central Luzon
• Mas malalakas naman ang thunderstorm cells sa ilang bahagi ng Southern Luzon kabilang ang Bicol Region
▪️ Visayas
• Malalakas ang thunderstorm cell sa Mga Probinsya ng Samar, Cebu, Bohol, mga probinsya ng negros at Panay Is.
• May posibilidad din ng thunderstorms sa iba pang bahagi ng Visayas
▪️ Mindanao
• May mas aktibong thunderstorm areas sa ilang bahagi ng North-Eastern Mindanao, kabilang ang paligid ng Davao
• Posible rin ang thunderstorms sa iba pang bahagi ng Mindanao
▪️ Palawan
• May mga thunderstorm cells din na nakikita sa paligid ng Palawan.

⚡ ANO ANG POSIBLENG DALHIN?
Ang malalakas na thunderstorms ay maaaring magdulot ng biglaang malakas na buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat, malalakas na bugso ng hangin, at posibleng localized flooding sa ilang lugar.

⚠️ PAALALA:
Kung may thunderstorm sa inyong lugar, iwasang manatili sa open areas at malapit sa matataas na puno o iba pang exposed structures. Mag-ingat din sa mga biglaang pagbuhos ng ulan.

📌 Tandaan: Ito ay ECMWF model guidance at hindi opisyal na thunderstorm warning. Maaaring magbago ang lokasyon at lakas ng thunderstorms habang nagbabago ang atmospheric conditions.

🛰️ SOURCE: ECMWF Thunderstorms via Windy
📅 MODEL RUN: September 28, 2026 • 2:00 PM

Manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na thunderstorm at rainfall advisories ng PAGASA.

☀️🔥 HALOS BUONG PILIPINAS ANG MAKAKARANAS NG VERY HIGH HANGGANG EXTREME UV RADIATION BUKAS ‼️Maghanda sa matinding UV ra...
27/09/2026

☀️🔥 HALOS BUONG PILIPINAS ANG MAKAKARANAS NG VERY HIGH HANGGANG EXTREME UV RADIATION BUKAS ‼️

Maghanda sa matinding UV radiation! Ayon sa latest UV Index forecast ng CAMS/Windy, malawak na bahagi ng LUZON, VISAYAS at MINDANAO ang maaaring makaranas ng Very High hanggang Extreme UV radiation bukas, September 28, 2026. 🌞

📍 LUZON 🔴 Malaking bahagi ng Luzon ang nasa Very High UV, habang may ilang lugar na maaaring umabot sa Extreme level.
📍 VISAYAS 🟣 Maraming bahagi ng Visayas ang nagpapakita ng Very High hanggang Extreme UV, kaya kailangang mag-ingat lalo na kung matagal na nasa labas.
📍 MINDANAO 🔴🟣 Mataas din ang UV radiation sa malaking bahagi ng Mindanao, mula Very High hanggang Extreme sa ilang lugar.

⚠️ BAKIT DAPAT MAG-INGAT? Ang Very High at Extreme UV ay nangangahulugang mataas ang exposure sa ultraviolet radiation mula sa araw. Maaari itong magdulot ng sunburn sa maikling panahon, lalo na kapag matagal na nakabilad.

🧴 MGA PAALALA SA LAHAT:
▪️ Gumamit ng sunscreen SPF 30+
▪️ Magsuot ng sombrero o damit na may proteksyon 🧢
▪️ Gumamit ng sunglasses na may UV protection 🕶️
▪️ Iwasang magtagal sa direktang sikat ng araw, lalo na sa tanghali
▪️ Uminom ng sapat na tubig 💧

🌡️ Tandaan: Hindi kailangang sobrang init ng temperatura para maging mataas ang UV radiation. Ang UV level ay maaari pa ring mataas depende sa kondisyon ng atmosphere at posisyon ng araw.

📊 Source: UV Index CAMS/Windy
🗓️ Model Run: September 27, 2026
📅 Forecast: September 28, 2026
⚠️ Model forecast lamang ito at maaaring magbago depende sa cloud cover at iba pang atmospheric conditions.

🥶🍃 AMIHAN PAPARATING NA‼️ JACKET IHANDA NA ❄Mukhang nagpapakita na naman ng senyales ng paglapit ng Amihan! 🌬️ Ayon sa b...
27/09/2026

🥶🍃 AMIHAN PAPARATING NA‼️ JACKET IHANDA NA ❄

Mukhang nagpapakita na naman ng senyales ng paglapit ng Amihan! 🌬️ Ayon sa bagong GFS model forecast, may malaking pagbabago sa wind pattern na maaaring magdala ng mas malamig na hanging nagmumula sa hilagang-silangan patungo sa Batanes at Northern Luzon pagsapit ng October 9, 2026.

🌬️ Kapansin-pansin sa forecast map:
▪️ Malakas na northeasterly winds mula Taiwan patungong Batanes at Northern Luzon
▪️ Posibleng mas malamig ang pakiramdam sa Batanes at hilagang bahagi ng Luzon
▪️ Maaaring magkaroon ng maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan sa mga lugar na direktang maaapektuhan ng Amihan
▪️ Maaari ring maging maalon ang karagatan sa mga baybaying nakaharap sa hilagang-silangan

❄️ Mas malamig na panahon, papalapit na ba?
Kung magpapatuloy ang ganitong pattern sa mga susunod na model runs, maaari itong maging indikasyon ng pagpapalakas ng Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon.

⚠️ PERO HUWAG MUNA MAGDIWANG! 😅
Ito ay GFS model projection lamang at ang forecast ay para pa sa October 9, kaya mahaba pa ang forecast period. Maaaring magbago ang lakas, timing at lawak ng Amihan sa mga susunod na updates.

📊 Source: GFS / Windy
🗓️ Model Run: September 27, 2026
📅 Forecast: October 9, 2026

🍃 Abangan natin kung mananatili ang malamig na signal na ito sa mga susunod na model runs!

🍂🪵🥵 DROUGHT NAKAKAAPEKTO NA SA LUZON‼️ Alamin kung anong antas ng tagtuyot ang nararanasan sa inyong lalawigan base sa p...
27/09/2026

🍂🪵🥵 DROUGHT NAKAKAAPEKTO NA SA LUZON‼️

Alamin kung anong antas ng tagtuyot ang nararanasan sa inyong lalawigan base sa pinakahuling satellite data.

Tandaan: Kahit maliit na bahagi lang ng probinsya ang tamaan ng mas mataas na antas, doon ito ibinibilang upang mas maging handa ang lahat.

📌 MGA PROBINSYANG APEKTADO:

🔴 EXCEPTIONAL TO EXTREME:
▪️MINDANAO: Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao del Sur.
▪️VISAYAS:
▪️LUZON:

🟠 MODERATE TO SEVERE:
▪️MINDANAO: Cotabato, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Davao del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan.
▪️VISAYAS: Antique.
▪️LUZON: Metro Manila, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Bulacan, Rizal, Laguna, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Quezon, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon Ilocos Sur, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Cagayan, Isabela.

🟡 MINOR TO MILD:
▪️MINDANAO: Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Zamboanga del Sur, Davao de Oro, Davao del Norte, Agusan del Sur.
▪️VISAYAS: Iloilo, Guimaras, Aklan, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Cebu, Northern Samar, Samar.
▪️LUZON: Ilocos Norte, Abra, Mountain Province, Kalinga, Ifugao, Apayao, Nueva Ecija, Isabela, Quirino, Pampanga, Cavite, Marinduque, Masbate, Catanduanes, Palawan.

💡 PAUNAWA AT PAGLALINAW UKOL SA MGA ANTAS NG DROUGHT:
🔴 Exceptional to Extreme (P**a hanggang Madilim na P**a): Ito ang pinakamataas at pinakamalalang antas ng tagtuyot. Sobrang tuyo ng lupa at critical na ang kakulangan sa tubig na maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa agrikultura.
🟠 Moderate to Severe (Orange hanggang Madilim na Orange): Katamtaman hanggang sa malubhang tuyong kondisyon. Nararamdaman na ang kakulangan ng tubig sa mga pananim at pinagkukunan ng patubig.
🟡 Minor to Mild (Dilaw hanggang Banayad na Orange): Maagang senyales ng kakulangan sa ulan. Mas tuyo ang lupa kaysa sa normal na kondisyon ngunit nasa simula pa lamang.

❓ "Bakit umuulan naman sa amin pero kasama kami sa listahan ng Drought?"
Isang mahalagang paalala: Ang Drought Intensity (Soil Moisture Anomaly) ay sumusukat sa natitirang basa o moisture sa ilalim ng lupa sa loob ng mahabang panahon, hindi lang sa nararanasang panahon ngayong araw. Kahit magkaroon ng panandaliang pag-ulan o thunderstorm sa inyong lugar, hindi ito sapat para mapunuan agad ang matagal na tuyong lupa. Kaya posibleng umuulan sa inyo ngayon, pero "Drought Affected" pa rin ang estado ng inyong probinsya dahil kulang pa rin ang naipong tubig ng lupa (soil moisture deficit).
Magtipid sa paggamit ng tubig at mag-ingat sa mga posibleng sunog sa talahiban o kagubatan.

🌐 Source: CezechGlobe via Windy (Drought Intensity / Soil Moisture Map)

⛈️🌩️ VISAYAS AT MINDANAO MAGINGAT SA MALALAKAS NA THUNDERSTORM NGAYONG ARAW ‼️Batay sa ECMWF Thunderstorm Model via Wind...
26/09/2026

⛈️🌩️ VISAYAS AT MINDANAO MAGINGAT SA MALALAKAS NA THUNDERSTORM NGAYONG ARAW ‼️

Batay sa ECMWF Thunderstorm Model via Windy, may nakikitang mas aktibong thunderstorm signals sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa forecast.

🌧️ Kabilang sa mga lugar na may mas kapansin-pansing thunderstorm activity:
• Visayas — ilang bahagi ng Cebu at mga karatig-lugar
• Eastern at Central Visayas — may mga kumpol ng thunderstorms sa ilang lugar
• Mindanao — mas kapansin-pansin ang thunderstorm activity sa ilang bahagi ng silangan at timog
• May mga thunderstorms din na posibleng mabuo sa Palawan at ilang bahagi ng Luzon

⚡ ANO ANG POSIBLENG EPEKTO?
Ang thunderstorms ay maaaring magdala ng biglaang malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat, malalakas na bugso ng hangin, at localized flooding sa mga lugar na makakaranas ng malakas na buhos ng ulan.

⚠️ PAALALA SA PUBLIKO:
Kung may thunderstorm, iwasang manatili sa open areas at malapit sa mga puno, poste o iba pang maaaring maging panganib kapag may malakas na hangin at pagkidlat.

📌 Tandaan: Model forecast lamang ito at maaaring magbago ang lokasyon at intensity ng thunderstorms sa mga susunod na model runs. Hindi nangangahulugang lahat ng lugar na may signal sa mapa ay siguradong makakaranas ng malakas na thunderstorm.

🛰️ SOURCE: ECMWF Thunderstorms via Windy
📅 MODEL RUN: September 27, 2026 • 3:00 PM

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na thunderstorm at rainfall advisories ng PAGASA.

☀️🔥 LUZON AT MINDANAO MAGINGAT SA MATAAS NA UV RADIATION ‼️Ayon sa UV Index forecast mula sa Windy, inaasahang magiging ...
26/09/2026

☀️🔥 LUZON AT MINDANAO MAGINGAT SA MATAAS NA UV RADIATION ‼️

Ayon sa UV Index forecast mula sa Windy, inaasahang magiging Very High hanggang Extreme ang UV radiation sa maraming bahagi ng Pilipinas sa September 27, 2026.

🟣 EXTREME UV INDEX
Mas kapansin-pansin ang Extreme UV levels sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao, habang malawak din ang Very High UV sa iba pang lugar.

🔴HIGH UV INDEX
Maraming bahagi ng Vidayas ang nasa High range sa forecast, kaya maaaring maging mas matindi ang exposure sa araw lalo na sa tanghali.

⚠️ ANO ANG DAPAT INGATAN?
Ang mataas na UV exposure ay maaaring magdulot ng sunburn at iba pang epekto sa balat at mata kapag matagal na direktang nasisikatan ng araw.

🧴 PAALALA:
• Iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw, lalo na sa tanghaling oras.
• Gumamit ng sunscreen, payong, sumbrero o iba pang panangga sa araw.
• Magsuot ng damit na nagbibigay ng sapat na proteksyon sa balat.
• Mag-ingat lalo na ang mga may outdoor activities.

📅 FORECAST: September 27, 2026
🛰️ SOURCE: UV Index / CAMS via Windy
📊 MODEL RUN: September 26, 2026

Tandaan: Ang UV forecast ay maaaring magbago depende sa ulap, panahon, at iba pang atmospheric conditions.

Address

Cases Blvd
Agoo
2504

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Weather Watcher posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share