Municipal Assessor - Aguilar Pangasinan

Municipal Assessor - Aguilar Pangasinan Assessor's Office, Municipality of Aguilar, Pangasinan

18/07/2026

Mga kapwa Pangasinense,

Sa harap ng iba't ibang reaksyon hinggil sa mga isyung iniaangat tungkol sa PANGASINAN PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE, pinili kong manahimik sa una, sapagkat aking kinatatakutan ang maaaring maging kapalit nito. Datapwat, sa kabila ng gayong pangamba, nararapat lamang na aking iparating ang aking pananaw, bilang bahagi ng aking tungkulin at pananagutan bilang isa sa mga Municipal Assessors ng Pangasinan.

I. ANG BATAYANG LEGAL: ANG R.P.V.A.R.A. (RA 12001) AT ANG LOCAL ASSESSMENT MANUAL (LAM)
Sa bisa ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) na nilagdaan ng ating Kagalang-galang na Pangulo, Ferdinand R. Marcos Jr., lahat ng mga ASSESSORS (Tagatasa) — hindi lamang sa Lalawigan ng Pangasinan kundi sa lahat ng iba't ibang lalawigan at rehiyon ng ating bansa — ngayon ay ginagabayan na ng mga probisyong nakasaad sa nasabing batas.

Bunga ng nasabing batas, nabuo ang Local Assessment Manual (LAM). Ang manwal o gabay na ito ay siya ngayong pangunahing batayan ng LAHAT ng Assessors sa kanilang araw-araw na paglilingkod-bayan.
Kalakip din nito, ang mga makabagong teknolohiya na pagbabago ay itinuturing na mahalaga sa gawain ng mga tagatasa. Ang Lalawigan ng Pangasinan ay masigasig na nagsusulong ng digitalization, na kasalukuyang nasa yugto ng pagpapatupad at pagpapabuti. Kabilang sa mga inobasyong ito ay ang web-based na ePARTS, digital mapping at sistema ng arkibo (archiving system), bukod pa sa iba pang mga susunod na hakbang.

II. HINGGIL SA ISYU NG “SENTRALISASYON”
Ang tanggapan ng Provincial Assessor ay nagsusumikap na paigtingin ang sistema sa antas panlalawigan at sa mga bayan-bayan na nangangalaga sa mga may-ari ng ari-arian laban sa mga mapanlinlang na gawain ng mga “fixers.”

Kaugnay nito, ang LAM, na ipinalabas sa ilalim ng awtoridad ng Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ay nagtatakda ng mga pamantayang dapat matugunan ng mga Munisipal na Tagatasa (Municipal Assessors) bago wastong maibigay sa kani-kanilang mga tanggapan ang tiyak na kapangyarihang (authority) pangtransaksyon.

Partikular, hinihingi ng LAM na ang tanggapan ng isang Munisipal na Tagatasa ay may sapat na bilang ng mga plantilyang posisyon — hindi bababa sa anim (6) na teknikal na kawani, tatlo (3) na administratibong opisyal, at ang kinakailangang kagamitan (tulad ng computers, sasakyan atbp.) upang maisagawa’ng mas epektibo ang mga tungkuling pang-asesment. Tanging kapag natugunan ang mga minimum na pamantayang ito saka lamang maaaring ipagkaloob sa isang Munisipal Assessor ang “awtoridad” na independiyenteng aprubahan ang ilang transaksyon. Habang hindi pa natutugunan ang mga pamantayang ito, ang pag-apruba ng gayong mga transaksyon ay kinakailangang manumbalik sa, at isasagawa sa antas ng Provincial Assessor (Panlalawigang Tagatasa), subalit ang pagproseso at paghahanda nito ay nananatili sa antas munisipal.

III. TUGON SA ALEGASYON NA “PAHIRAP” ANG PATAKARAN
Ang pag-isyu o paglipat ng Tax Declaration ay hindi isang awtomatikong proseso. Tungkulin ng Municipal/Provincial Assessor na suriin ang katumpakan ng mga dokumento at rekord bago isagawa ang anumang pagbabago sa opisyal na rekord ng ari-arian. Bahagi ito ng tungkulin ng mga Assessors na pangalagaan ang integridad ng mga rekord ng pamahalaan at maiwasan ang mga pagkakamali o iregular na transaksyon.

Gayunpaman, magkakaroon ng mas epektibong solusyon at pag-tugon sa inyong mga hinaing. Gagawing mas maayos ang sistema upang lubusan at ganap na masiguro ang inyong kasiyahan at kapakanan bilang mga taong-bayan na aming pinaglilingkuran. Lagi’t-laging isasaalang-alang ang karapatan at kapakanan ng bawat Pangasinense, alinsunod sa hustisya at pinag-uutos ng batas.

Buong-galang din na hinihiling sa taumbayan ang inyong pang-unawa at pasensiya habang ako at ng mga kasamahan kong 43 Municipal Assessors, 4 City Assessors ng Pangasinan, at ang Pangasinan Provincial Assessor —— sa pamumuno ni Atty. Geronimo Abad, GE, REA, ay patuloy na magsusumikap tungo sa lubos na pagsunod sa mga nasabing inyong pangangailangan, at ay nagkaka-isang patatagin ang kalidad ng paglilingkod pang-asesment na inihahatid sa bawat Pangasinense, lalo na sa baya’ng aking pinagsisilbihan.

03/07/2026
The public is encouraged to participate in the second round of public consultation scheduled on March 13, 2026 at Sanggu...
28/02/2026

The public is encouraged to participate in the second round of public consultation scheduled on March 13, 2026 at Sangguniang Panlalawigan.

25/02/2026

Para sa mga Residente at Pangkalahatang Publiko ng Bayan ng Aguilar:

Ipinababatid po sa lahat na ang tanggapan ng Municipal Assessor ay nakatanggap ng aplikasyon mula kay JOSEPHINE RAMOS para itama ang lawak ng lupa na may Cad Lot No. 2838, matatagpuan sa Barangay Niñoy, Aguilar, Pangasinan, mula sa 15,474metro kwadradoay magiging 20,227 metro kwadrado o 2 ektarya at 227 metro kwadrado.

Sinumang tao o entidad na may legal na interes, paghahabol, o pagtutol sa nasabing kahilingan para sa pagwawasto ng sukat ng lupa ay hinihikayat na magsumite ng nakasulat na pagtutol, kalakip ang mga sumusuportang dokumento, sa Tanggapan ng Municipal Assessor sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa petsa ng pagkakapaskil at/o paglalathala ng Abisong ito.

Ang kabiguang makapagsumite ng kaukulang pagtutol sa loob ng itinakdang panahon ay ituturing na pagtalikod sa anumang oposisyon, at ang Tanggapang ito ay magpapatuloy sa ebalwasyon at nararapat na aksyon sa nasabing kahilingan alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.

Para sa mga Residente at Pangkalahatang Publiko ng Bayan ng Aguilar:Ipinababatid po sa lahat na ang tanggapan ng Municip...
22/02/2026

Para sa mga Residente at Pangkalahatang Publiko ng Bayan ng Aguilar:

Ipinababatid po sa lahat na ang tanggapan ng Municipal Assessor ay nakatanggap ng aplikasyon para itama ang lawak ng lupa na matatagpuan sa Barangay Pogomboa, Aguilar, Pangasinan, mula sa 6,744 metro kwadradoay magiging 17,955 metro kwadrado o 1 ektarya at 7,955 metro kwadrado. In

Address

Romulo Highway
Aguilar
2415

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639156885768

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Assessor - Aguilar Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share