28/05/2026
πππ ππππππππππ ππππππππ ππ πππππππ πππ ππ πππ ππππππππ πππππππ ππ πππππππππ ππ ππππ πππ
πππ πππππ
πππππ§π ππ¬ ππ’ππ² β Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Road Safety Month, naghatid ang Land Transportation Office CALABARZON ng libreng Theoretical Driving Course o TDC para sa 130 aspiring drivers sa Banaba Center Elementary School, Batangas City.
Isinagawa ang programa alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand βBongbongβ R. Marcos Jr. na palawigin ang kaalaman, disiplina, at pananagutan ng publiko sa kalsada, sa patnubay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.
Sa pamumuno ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, tuloy-tuloy ang serye ng mga road safety seminar, libreng TDC, at iba pang workshop na naglalayong hubugin ang mas responsable at disiplinadong mga motorista.
Personal na sinimulan ni RD Decena ang nasabing libreng TDC, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tamang kaalaman bago humawak ng sasakyan.
βAng road safety ay nagsisimula sa tamang kaalaman. Sa bawat bagong driver na ating hinuhubog ngayon, may isang pamilyang mas ligtas bukas,β ani RD Decena.
Sa pamamagitan ng libreng TDC, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong matutunan ang mahahalagang batas-trapiko, road signs, defensive driving, tamang asal sa kalsada, at mga pangunahing responsibilidad ng isang driver.
Ayon sa LTO CALABARZON, patuloy nitong palalawakin ang mga programa para sa road safety upang mas maraming motorista ang maging handa, responsable, at makatao sa kalsada.
ππΌππΌ-ππΌππΌ ππΌπππππ ππΌ ππΌπ πππππΌπ ππΌ ππΌπππΌπΏπΌ!