30/08/2026
TRICYCLE DRIVER, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION; HIGIT P122K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan – Arestado ang isang 49-anyos na tricycle driver matapos makumpiskahan ng 18 gramo ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation noong Agosto 29, 2026 sa Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si aka Pedring, 49, may asawa, tricycle driver, at residente ng nasabing lungsod.
Isinagawa ang operasyon ng Joint Intel Operatives ng Provincial Intelligence Unit–Provincial Drug Enforcement Unit, bilang lead unit, sa pangunguna ni PLTCOL NORIEL U LACANGAN, katuwang ang mga tauhan ng Tuguegarao City Police Station at sa ilalim ng koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakuha mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.68 gramo, na nagsilbing buy-bust item, at dalawang sachet na may kabuuang timbang na 16.32 gramo na umano’y nasa kanyang posesyon. Tinatayang nasa ₱122,400.00 ang halaga ng kabuuang nakumpiskang hinihinalang shabu batay sa Standard Drug Price (SDP).
Narekober din ang isang genuine ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, dalawang boodle money, isang itim na sling bag, orange na Honor cellphone, walang lamang kaha ng Chester Red ci******es, rolyong aluminum foil, at isang itim na Honda Beat motorcycle.
Isinagawa ang marking at imbentaryo ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek at mga saksi, kabilang ang mga halal na opisyal ng Barangay Centro 11, at media representative.
Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Tuguegarao Component City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director, “Ang pagkakasamsam ng malaking halaga ng hinihinalang shabu ay nagpapakita ng ating patuloy na pagsisikap na mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga at maprotektahan ang ating mga komunidad. Titiyakin natin na ang bawat operasyon ay isasagawa nang naaayon sa batas at may paggalang sa karapatan ng lahat,” ani PD ANGULUAN.
Hinimok niya ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at magbigay ng impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad upang mapanatili ang ligtas at mapayapang mga pamayanan.
Press Release No. 0830-16
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chief, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562/09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: August 30, 2026