05/06/2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga bata, kababaihan, at pamilya, matagumpay na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office ngayong araw, June 5, 2026 ang 'Orientation on Republic Act No. 11642 (Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act), Republic Act No. 11222 (Simulated Birth Rectification Act), Republic Act No. 11313 (Safe Spaces Act), at Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act).'
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng Barangay VAWC Desk Officers, BHWs, BNS, Child Development Workers, at Parent Leaders na nagkaroon ng mahalagang kaalaman tungkol sa tamang proseso ng adoption, pagwawasto ng simulated birth records, pagprotekta laban sa gender-based sexual harassment, at mga legal na mekanismo upang maiwasan at matugunan ang karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.
Sa aktibidad na ito, mas napalawak ang kanilang kaalaman bilang duty bearers hinggil sa mga karapatan at responsibilidad sa paglikha ng ligtas, inklusibo, at child-friendly na komunidad. Naging daan din ito upang higit na mapalakas ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng iba't ibang sektor sa pagsusulong ng child protection, gender sensitivity, at family welfare.
Isa sa mga tampok ng aktibidad ang makabuluhang 'testimonial' ng mga foster parents na nagbahagi ng kanilang personal na karanasan, mga hamon, at mga natutunang aral sa pag-aaruga at pagbibigay ng pansamantalang tahanan sa mga batang nangangailangan ng pagmamahal, gabay, at proteksyon. Ang kanilang testimonya ay nagsilbing inspirasyon sa mga kalahok at nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng foster care bilang isang makatao at makabuluhang paraan ng pagtulong sa mga bata na nangangailangan ng kalinga at suporta.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Municipal Mayor Atty. Manuel T. Collado ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng mga programa at inisyatibang nagtataguyod ng kapakanan ng mga bata, kababaihan, at pamilya. Ipinahayag din niya ang kanyang buong suporta sa mga gawaing nagpapalawak ng kamalayan hinggil sa child protection, women empowerment, at family welfare, bilang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang ligtas, makatarungan, at mapagkalingang komunidad para sa lahat.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng MSWDO sa ating mga resource speakers mula sa National Authority for Child Care (NACC) RACCO I β Ilocos Region, sa katauhan nina Ms. Ryan Alyssa D. Espiritu, RSW, Social Welfare Officer III, at Ms. Merla Alyssa T. Alvior, Social Welfare Officer I, para sa kanilang mahalagang talakayan hinggil sa RA 11642 at RA 11222. Gayundin, ang aming pasasalamat kina PCPT Socorro F. Arciaga, Chief, Family Juvenile, Gender and Development Section ng Pangasinan Police Provincial Office, at PMSg Violeta I. Perez, WCPD PNCO ng Alcala Municipal Police Station, para sa kanilang makabuluhang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa RA 11313 at RA 9262.
Lubos ding pinasasalamatan ang lahat ng partner agencies, barangay officials, at mga kalahok na naging bahagi ng matagumpay at makabuluhang gawaing ito. Ang inyong suporta at aktibong partisipasyon ay mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang komunidad na may malasakit, paggalang sa karapatan ng bawat isa, at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat kabataan, kababaihan, at pamilya.
π Sama-sama nating itaguyod ang mga batas na nagpoprotekta, nagbibigay ng pag-asa, at nagpapalakas sa ating mga mamamayan tungo sa isang mas ligtas, mas makatarungan, at mas mapagkalingang lipunan.