27/07/2026
🚨 DENGUE ALERT UPDATE 🚨
📢 PABATID SA LAHAT
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa ating munisipalidad. Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan, mas maraming lugar ang maaaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
📊 Nitong nagdaang linggo (July 19-26, 2026), anim (6) ang naitalang bagong kaso ng dengue:
📍 Barangay Lublub – 3 cases (Purok 2,3,5)
📍 Barangay Abuyo – 2 cases (Purok 1 & 2)
📍 Barangay Galintuja – 1 case (Purok 1)
⚠️ BABALA: Ang mga naipong tubig sa mga gulong, bote, paso, timba, drum, alulod, at iba pang lalagyan matapos ang pag-ulan ay maaaring maging pamugaran ng lamok sa loob lamang ng ilang araw. Huwag hayaang dumami ang lamok sa ating komunidad.
🦟 Isagawa araw-araw ang 4T's Kontra Mosquito:
🟢 Taob – Ipagtaob ang mga lalagyan ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok.
🟢 Taktak – Taktakin ang mga paso, gulong, at iba pang lalagyan upang maalis ang mga itlog ng lamok.
🟢 Tuyo – Panatilihing tuyo at malinis ang bakuran at paligid.
🟢 Takip – Takpan nang maayos ang lahat ng imbakan ng tubig.
🚨 Mahalagang Paalala:
✅ Linisin ang bakuran pagkatapos ng bawat pag-ulan.
✅ Alisin ang anumang naipong tubig sa loob at paligid ng bahay.
✅ Makiisa sa clean-up drive ng inyong barangay upang mapuksa ang mga pinamumugaran ng lamok.
⚠️ Kung may lagnat na tumatagal ng 2 araw o higit pa, lalo na kung may kasamang pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pagdurugo, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na Barangay Health Station, Rural Health Unit, o Alfonso Castañeda Municipal Hospital.
🤝 Ang dengue ay maiiwasan kung sama-sama tayong kikilos. Ang simpleng paglilinis ng ating paligid ay makapagliligtas ng buhay.
🌿 Malinis na Kapaligiran, Malusog na Komunidad.
Sama-sama nating sugpuin ang dengue!
Alfonso Castañeda