18/06/2026
thru the initiative of our newbie Sangguniang Bayan Member Dhan Castillo ........an Ordinance regarding Drug-free workplace of the LGU Alfonso Castañeda Nueva Vizcaya 👍👍👍
APPROVED ORDINANCE!! 👏👏👏
Lubos po nating ikinagagalak na ipabatid sa ating mga kababayan na opisyal nang naaprubahan ang ating Drug-Free Workplace Ordinance para sa ating munisipyo.
Ang ordinansang ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at produktibong kapaligiran para sa lahat ng kawani ng pamahalaang lokal. Nananatili po ang ating adhikain na magpanukala at magsulong ng mga ordinansa at resolusyong may tunay na pakinabang at positibong epekto sa ating bayan.
Taos-puso ko pong pinasasalamatan ang aking mga kasamahan sa komite at sa buong Sangguniang Bayan sa kanilang suporta, pakikipagtulungan, at dedikasyon upang maisakatuparan ang mahalagang ordinansang ito.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta.
Mabuhay ang Alfonso Castañeda! 🇵🇭