14/07/2026
๐๐๐จ ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ผ๐๐พ, ๐๐๐จ ๐๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐ ๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ง๐๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ!
Ngayong Hulyo 14, 2026, matagumpay na isinagawa ng Aliaga Municipal Agriculture Office, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC), ang ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ค๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ ๐ ๐๐๐ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ ๐๐๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga miyembro ng MAFC na kumakatawan sa iba't ibang Farmers' Cooperatives, Irrigators' Associations, Farmers' Organizations, at iba pang sektor ng agrikultura sa Bayan ng Aliaga. Nakiisa rin sina Provincial Agriculture and Fishery Council (PAFC) Chairman Orlando Corpuz at PAFC Coordinator Mr. Rowell Francisco mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng Nueva Ecija. Mula naman sa Pamahalaang Bayan ng Aliaga, nagpaabot ng kanilang suporta at mensahe sina Municipal Administrator Engr. Efren D. Moreno, at Sangguniang Bayan Committee Chair on Agriculture, Hon. Isidro Respicio.
Sa pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang programa, tungkulin, at mga inisyatiba ng MAFC na naglalayong higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan. Kasunod nito ay isinagawa ang halalan ng mga bagong opisyal ng MAFC na magsisilbing kinatawan at katuwang ng mga magsasaka, mangingisda, kababaihan, kabataan, mga kooperatiba, at iba pang stakeholder sa pagpapalakas ng participatory agricultural governance sa Aliaga.
Malugod naming binabati ang mga bagong halal na opisyal ng MAFC! Sa pangunguna ng kanilang re-elected Chairman, MAFC Eusebio J. Armobit. Nawa'y magsilbi kayong huwaran ng mahusay na pamumuno, pagkakaisa, integridad, at tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng ating mga magsasaka, mangingisda, at buong pamayanan.
Lubos din naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor Gilbert G. Moreno, Vice Mayor Au Moreno, at sa buong Sangguniang Bayan ng Aliaga sa kanilang patuloy na suporta, pagtitiwala, at pagkilala sa mahalagang papel ng MAFC bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpaplano, pagbuo ng mga polisiya, at pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Sa pagkakaisa ng pamahalaan, ng MAFC, at ng ating mga stakeholder, patuloy nating isusulong ang isang mas produktibo, mas matatag, at mas maunlad na sektor ng agrikultura at pangisdaan para sa bawat Aliagueรฑo.