05/09/2026
๐ต๐ญ MALUGOD NA PAGBATI SA ATING LIMANG (5) BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLARS! ๐
Malugod na binabati ng Sangguniang Barangay ng Barangay Antonino ang ating limang (5) mag-aaral na napili bilang Bagong Pilipinas Presidential Scholars, na bawat isa ay makatatanggap ng โฑ20,000.00 educational assistance sa ilalim ng programang โBawat Barangay Makikinabang.โ ๐ต๐ญ
ANG ATING LIMANG SCHOLARS
1. ROSENIA B. PADUA
Bachelor of Science in Entrepreneurship
ISU Echague
2. SUNSHINE JEIRA G. RODRIGUEZ
Bachelor of Secondary Education
NELAC
3. DIANE R. DOMINGO
Bachelor of Science in HospitalityManagement
ISU Echague
4. ANJHELA MELROSE R. LEAรO
Bachelor of Science in Tourism
ISU Echague
5. GERRYLHEN JOY P. SUAREZ
Bachelor of Arts in Communication
ISU Echague
Ang pagpili sa ating mga scholars ay isinagawa alinsunod sa itinakdang proseso, pamantayan, at kwalipikasyon ng programa. Ang mga aplikante ay dumaan sa nararapat na pagsusuri at screening, at ang limang napili ay pawang nakatugon sa mga kinakailangang kwalipikasyon para sa nasabing educational assistance.
Hangad ng Sangguniang Barangay ng Antonino na maging maayos, patas, at transparent ang pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon para sa ating mga kabataan, alinsunod sa mga itinakdang alituntunin ng programa.
Nawaโy maging malaking tulong ang educational assistance na ito upang maipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral at mas mapalapit sa inyong mga pangarap. Patuloy kayong magsikap at magpursigi, at nawaโy magsilbi rin kayong inspirasyon sa iba pang kabataan ng ating barangay. โค๏ธ๐
Taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. sa kanyang patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng suporta at oportunidad para sa edukasyon ng ating mga kabataan, at kay LNB National President Jessica G. Dy sa kanyang mahalagang suporta at pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang programang ito para sa ating mga barangay.
Maraming salamat din sa lahat ng mga kinauukulang tanggapan at mga naging bahagi ng pagpapatupad ng programang ito. ๐ต๐ญ
Muli, congratulations sa ating limang Bagong Pilipinas Presidential Scholars! ๐ต๐ญ