Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos

Call Directions Website Contact the organization

Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos Epektibo at Garantisadong Paglilingkod para sa MATATAG NA ALITAGTAG Epektibo at Garantisadong Paglilingkod
(1)

15/08/2026

PUBLIC ADVISORY: Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko mamayang alas-5:00 ng hapon sa mga rutang dadaanan ng aktibidad.

Inaanyayahan ang lahat ng Alitagtagueño na makiisa at makisaya sa ating HAKBANG KABATAAN: Color Fun Run, na handog ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan - Alitagtag! 🌈🏃🏻‍♀️🏃🏻‍♂️💨

Gaganapin ito mamaya, alas-5:00 ng hapon, mula St. Bridget College – Alitagtag (Dom. East) hanggang Municipal Grounds (Pob. East).

Kaugnay nito, hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikipagtulungan. Sa mga motorista, mangyaring planuhin ang inyong biyahe at maglaan ng dagdag na oras sa paglalakbay upang maiwasan ang anumang abala. 🧡

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!

13/08/2026
𝐖𝐎𝐑𝐊-𝐅𝐑𝐎𝐌-𝐇𝐎𝐌𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐒, 𝐀𝐋𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋𝐒 𝐎𝐍 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟎Pursuant to Memorandum Circula...
09/08/2026

𝐖𝐎𝐑𝐊-𝐅𝐑𝐎𝐌-𝐇𝐎𝐌𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐒, 𝐀𝐋𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋𝐒 𝐎𝐍 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟎

Pursuant to Memorandum Circular No. 123, work-from-home arrangements in government offices shall be implemented in the National Capital Region and the following provinces on August 10, 2026. 𝐔𝐧𝐥𝐞𝐬𝐬 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫𝐰𝐢𝐬𝐞 𝐝𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐭𝐡𝐞𝐢𝐫 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬, 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐝𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐥 𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥𝐬 𝐢𝐧 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐬𝐡𝐚𝐥𝐥 𝐥𝐢𝐤𝐞𝐰𝐢𝐬𝐞 𝐛𝐞 𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞𝐬𝐞 𝐚𝐫𝐞𝐚𝐬 𝐨𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐚𝐦𝐞 𝐝𝐚𝐭𝐞:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Rizal
📍 Cavite
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro
📍 Benguet
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Oriental Mindoro
📍 Bulacan

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

09/08/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Ipinababatid sa ating mga kababayan na WALANG PASOK sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, kabilang ang ECCD at ALS, sa Bayan ng Alitagtag bukas, Agosto 10, 2026 (Lunes), alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at DepEd Alitagtag Sub-Office, bilang pag-iingat sa patuloy na malakas na pag-ulan; ayon sa PAGASA, nananatili sa ilalim ng Yellow Heavy Rainfall Warning ang ating lugar kaya ipatutupad ang shift to online/modular distance learning habang inaasahan naman ang agarang pagsasagawa ng assessment sa kalagayan ng mga silid-aralan upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at g**o bago muling magbalik ang face-to-face classes.

Patuloy po tayong mag-ingat at makiisa sa mga hakbang ng pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat Alitagtageño.

08/08/2026

POSTPONEMENT OF THE CIVIL SERVICE EXAMINATION

The Provincial Government of Batangas hereby informs all concerned examinees that the Civil Service Examination scheduled on August 9, 2026, in Batangas City is postponed due to the prevailing inclement weather conditions affecting various areas of the province.

Batangas is currently experiencing the effects of the Southwest Monsoon (Habagat), with PAGASA issuing Rainfall/Weather Advisories and Heavy Rainfall Warnings. Several areas have already experienced flooding, resulting in difficult and unsafe travel conditions.

This postponement is being undertaken in consideration of the safety and welfare of the examinees and examination personnel, particularly those traveling from different municipalities and local government units affected by the prevailing weather conditions.

All concerned examinees are advised to await the official announcement of the Civil Service Commission regarding the rescheduled examination date and further instructions.

The public is encouraged to remain vigilant, closely monitor official advisories, and prioritize safety amid the continuing adverse weather conditions.

PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS

08/08/2026

𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗔𝗖𝗧 𝗡𝗨𝗠𝗕𝗘𝗥𝗦

Isama sa inyong kahandaan ang pag-save sa mga numero ng iba't ibang frontline offices and agencies na maaari ninyong tawagan sa panahon ng pangangailangan at paghingi ng agarang tulong.

06/08/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Dahil sa patuloy na epekto ng pinaiigting na Habagat dulot ng Bagyong Maymay, ipinatutupad po natin ang walang face-to-face classes sa buong Bayan ng Alitagtag bukas Agosto 7, 2026 (Biyernes).

Lahat ng antas—pampubliko man o pribado, kasama ang ECCD at ALS—ay pansamantalang lilipat sa online o modular distance learning, alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at DepEd Alitagtag Sub-Office.

Hindi na rin kinakailangang pisikal na mag-report sa kani-kanilang paaralan ang mga kawani ng DepEd

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at magulang ang ating pangunahing prayoridad. Patuloy po tayong mag-ingat at makinig sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.


05/08/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Dahil sa patuloy na epekto ng pinaiigting na Habagat dulot ng Bagyong Maymay, ipinatutupad po natin ang walang face-to-face classes sa buong Bayan ng Alitagtag ngayong Agosto 6, 2026 (Huwebes).

Lahat ng antas—pampubliko man o pribado, kasama ang ECCD at ALS—ay pansamantalang lilipat sa online o modular distance learning, alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at DepEd Alitagtag Sub-Office.

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at magulang ang ating pangunahing prayoridad. Patuloy po tayong mag-ingat at makinig sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.


01/07/2026

'𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 💚🧡

Sa loob ng nakalipas na taon, ang bawat programa, proyekto, at inisyatiba ay isinakatuparan sa ilalim ng adhikaing PUSO na nagsisilbing gabay ng ating pamahalaang bayan.

P para sa Public Education, na patuloy na nagbibigay halaga sa edukasyon bilang pundasyon ng pag unlad ng bawat kabataan.

U para sa Universal Health, na naglalayong mailapit ang dekalidad at abot kayang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan.

S para sa Social Services, na inuuna ang kapakanan ng bawat sektor sa pamamagitan ng mga programang may malasakit at tunay na naglilingkod.

O para sa Opportunities for All, na lumilikha ng mas maraming pagkakataon upang ang bawat Alitagtageño ay magkaroon ng pag asa, kabuhayan, at mas magandang kinabukasan.

Ang unang taon ay simula pa lamang ng mas marami pang pagbabago. Sa tulong ng inyong patuloy na pagtitiwala, suporta, at pakikiisa, magpapatuloy tayong magsulong ng isang pamahalaang may puso, may malasakit, at may pagmamahal sa bayan.

Maraming salamat sa pagiging kabahagi ng ating paglalakbay. Sama-sama nating ipagpatuloy ang PUSO ng Epektibo at Garantisadong Paglilingkod at ang pangakong matapat na serbisyo publiko para sa isang mas maunlad, mas inklusibo, at mas masiglang Alitagtag.

30/06/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

NO FACE-TO-FACE CLASSES
Shift to Online/Modular Distance Learning
July 1, 2026 | Wednesday

SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan.

Suspendido rin ang trabaho sa pampublikong paaralan, habang sa pribado ay nakabatay sa desisyon ng kanilang administrasyon.

Layunin nitong mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, habang tinitiyak pa rin ang tuloy-tuloy na pagkatuto sa Panuruang Taon 2026–2027.

God bless and keep safe, Alitagtagueños.

Address

Alitagtag
4205

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos:

Shortcuts

Share