23/09/2026
ππππ ππ ππππππππ ππ πππππππππππππ, πππππ ππ ππππππππππ ππππππππ!
Sa patuloy nating paglalakad at pakikipag-ugnayan sa mga national agencies, mga Senador, at Party-list Representatives, unti-unti na nating naihahatid ang mga tulong at proyektong tunay na pakikinabangan ng ating mga kababayan.
Mula sa Medical Assistance through Guarantee Letters, AICS, food packs, mga pananim, gamot, wheelchairs, at ngayon, isang malaking biyaya para sa ating mga Senior Citizens sa Barangay Dominador West!
Sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnayan sa Senior Citizens Partylist sa pangunguna ni Cong. Rodolfo βOmpongβ Ordanes, naaprubahan at nailaan ang β±10,000,000 na pondo para sa konstruksyon ng Multi-Purpose Building β Senior Citizens Center na magsisilbing tahanan ng mga programa at aktibidad para sa ating mga minamahal na nakatatanda.
Taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Cong. Ompong Ordanes at sa Senior Citizens Partylist sa kanilang suporta at pakikiisa sa pagsusulong ng proyektong ito para sa ating mga senior citizen.
Isang patunay na sa patuloy na paglapit, pakikipag-ugnayan, at sama-samang pagkilos, mas marami tayong oportunidad na maihatid ang mga proyektong may tunay na pakinabang sa ating mga kababayan.
Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!