01/10/2026
πππππππ π₯ 601ππ πππππππ, ππ
π ππ ππππππ ππππππππ πππππππππ ππππ ππ πππππ ππ πππππππ ππ ππππππππ ππ πππππππππ
Maguindanao del Sur | Matagumpay na isinagawa ng 601st Infantry (UNIFIER) Brigade, 6th Infantry (KAMPILAN) Division, Philippine Army, sa pamumuno ni Brigadier General Gremel B. Brual PA, ang Disaster Rescue Operation (DRO) Training para sa mga tauhan mula sa mga Operational Control (OPCON) Units ng Brigade noong 28β30 Setyembre 2026.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Ampatuan, sa pangunguna ni Ms. Rhea Tiemsem-Martin, at ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Ampatuan, sa pamumuno ni SFO1 Norhaina A. Draper, ang pagsasanay na nakatuon sa Basic DRRM Terminologies, First Aid, Basic Life Support (BLS), Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), Bandaging Techniques, Casualty Evacuation, Fire Safety Awareness, Classes of Fire, Basic Knot Tying, at Simulation Exercise (SIMEX).
Binigyang-diin ni BGen Brual ang kahalagahan ng kahandaan, wastong kaalaman, at mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad at emergency. Layunin ng pagsasanay na higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga tauhan sa pagsasagawa ng rescue at emergency response operations, gayundin ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na ahensya sa panahon ng kalamidad, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Brigade na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga tauhan at mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
90th Infantry Bigkis Lahi Battalion
Lakan Battalion
38th Infantry We Clear Battalion
Reliable Battalion