23/07/2026
Isang kasaysayan para sa Macaleeng Elementary School ang ginanap na programa sa paaralan ngayong hapon,Huwebes, ika-23 ng Hulyo 2026 upang pasinayaan ang bagong Globe tower na itinayo sa Barangay Macaleeng sa pangunguna ng DICT at Globe Telecom.
Dumalo sa programa sina DICT USEC. Atty Heherson Asiddao, DICT Regional Director, Dr. Jaemie Ruiz-Chua, National Government Accounts Head, Globe Business Ms. Gian Villaceran at Territory General Management Mel Baquiano. Dumating ang kawani ng Department of Education sa pangunguna ng DepEd Region 1 Regional Director Estela Cariño, CESO III, kasama ang mga personnel mula sa SDO I Pangasinan na sina ASDS Rosario Cabrera, CID Chief Carmina Gutierez, SGOD Chief Michael Rame, Information Technology Officer Renato Fontanilla, Nurse Jonathan Sison at ang mga school heads sa ibat ibang paaralan sa pamumuno ng PSDS ng Anda District Dr Joey L. Caserial. Dumalo rin ang mga kawani ng LGU Anda sa pamumuno ni Honorable Mayor Joganie C. Rarang at Macaleeng Barangay Council sa pamumuno ni PB. Raul Arig.
Naging mainit ang naging pagtanggap ng paaralan sa pamumuno ni Mrs. Melly Rose C. Caranay, School Head sa mga panauhin sa programa na dinaluhan rin ng mga g**o at mag-aaral mula sa Ikaapat hanggang Ikaanim na baitang. Bahagi ito ng inilunsad na Bayanihan Sim noong nakaraang buwan ng DICT sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom kung saan naging recipient ang ating mga mag-aaral at g**o. Layunin nito ang mas mapalawak ang koneksyon, mas mabilis ang komunikasyon, at mas eksklusibong digital access para sa lahat ng mamamayan.
Taos pusong pasasalamat sa Globe Telecom at DICT 💙