Joelle Mathea Panganiban

Joelle Mathea Panganiban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Joelle Mathea Panganiban, Government Official, Angadanan.

Alam niyo po ba na may coffee farm at coffee production areas dito sa ating Bayan? May mga tanim na ROBUSTA coffee beans...
01/09/2026

Alam niyo po ba na may coffee farm at coffee production areas dito sa ating Bayan?

May mga tanim na ROBUSTA coffee beans ang Valdez Integrated Farm at nagpo-process din kasama nila ang AFRARCO (Angadanan Forest Region Agrarian Reform Cooperative)!

Baka po may mga gustong bumisita sa ating coffee farm dito sa Angadanan para naman matikman natin ang sarili nating kape! πŸ‘πŸΌ

β€” β€”
Also, nagpapasalamat ako sa DTI Isabela sa lagi pong pagsuporta sa industriya natin ng Kape sa Angadanan!

Makakaasa po kayo na tuluy-tuloy ang pagsuporta natin sa industriyang ito dito sa ating bayan! β˜•οΈ

Good morning po sa ating lahat!Kape po tayo. β˜•οΈ Ito po ang kape nating umaga β€” featuring ang bagong natutunan ko mula sa...
31/08/2026

Good morning po sa ating lahat!

Kape po tayo. β˜•οΈ

Ito po ang kape nating umaga β€” featuring ang bagong natutunan ko mula sa Brother-In-Law ko na pour-over coffee. HEHE.

PS. Mas masarap pala pag yung paborito kong brother-in-law ang nagtitimpla. Kulang lasa nung gawa natin. Naparami ata masyado ang tubig. πŸ˜…

Mula po sa buong Bayan ng Angadanan,Maligayang Kaarawan po sa ating pinakamamahal na House Speaker, Hon. Faustino "Bojie...
31/08/2026

Mula po sa buong Bayan ng Angadanan,

Maligayang Kaarawan po sa ating pinakamamahal na House Speaker, Hon. Faustino "Bojie" Dy III! πŸŽ‚

Panalangin po namin ang magandang kalusugan at mas mahaba niyo pa pong buhay ng paglilingkod para po sa mga kababayan natin dito sa Angadanan, sa mga ka-probinsiya natin dito sa Isabela, at sa lahat ng mga kababayan natin sa Pilipinas.



Local Government Unit of Angadanan

LINGGO NG KABATAAN 2026Para naman sa mga kabataan nating malikhain, narito ang ating guidelines para sa SHORT FILM COMPE...
29/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Para naman sa mga kabataan nating malikhain, narito ang ating guidelines para sa SHORT FILM COMPETITION:

Importanteng tandaan:

β˜‘οΈ Pwedeng gumamit ng kahit na anong klaseng camera! Pwede ang MOBILE PHONES O DSLR!

β˜‘οΈ Open ito para sa JUNIOR HIGH SCHOOL, SENIOR HIGH SCHOOL, at COLLEGE STUDENTS na nag-aaral dito sa Bayan ng Angadanan.

β˜‘οΈ Basahin ng mabuti ang mga tema na maaaring gawing topic ng inyong short film!

β˜‘οΈ Nasa registration link na ang uploading ng inyong mga films!

β˜‘οΈ Deadline ng ating Registration: 7 SEPTEMBER 2026 (MONDAY)!

Kung may katanungan pa tayo, wag po tayong mahihiyang magmessage sa ating page! Kaya ano pang iniintay natin? Sali na! I-scan lang natin ang QR code para makapag-rehistro!

Tara na mga kabataang photographer ng Angadanan! Galingan at ibahagi ninyo ang mga nakikita sa mga lente ninyo! πŸ‘πŸΌ

Local Government Unit of Angadanan
Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela



LINGGO NG KABATAAN 2026Para naman sa mga kabataan nating malikhain, narito ang ating guidelines para sa POSTER MAKING CO...
28/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Para naman sa mga kabataan nating malikhain, narito ang ating guidelines para sa POSTER MAKING CONTEST!

Importanteng tandaan:

β˜‘οΈ Ang ating POSTER MAKING CONTEST ay INDIVIDUAL participation, basta pasok sa age qualifications ng Kabataan at residente ng Bayan ng Angadanan! πŸ‘πŸΌ

β˜‘οΈ May 13 na kategoryang pagpipilian na pwedeng gawing tema ng poster pero ang main theme natin: ISIP ANG LAKAS NG KABATAAN.

β˜‘οΈ ON THE SPOT activity ang Poster Making contest natin!

Kung may katanungan pa tayo, wag po tayong mahihiyang magmessage sa ating page! Kaya ano pang iniintay natin? Sali na! I-scan lang natin ang QR code para makapag-rehistro!

Local Government Unit of Angadanan
Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela



LINGGO NG KABATAAN 2026Para naman sa mga kabataan nating malikhain, narito ang ating guidelines para sa PHOTOGRAPHY CONT...
28/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Para naman sa mga kabataan nating malikhain, narito ang ating guidelines para sa PHOTOGRAPHY CONTEST:

Importanteng tandaan:

β˜‘οΈ Ang ating PHOTOGRAPHY CONTEST ay INDIVIDUAL participation.

β˜‘οΈ May 13 na kategoryang pagpipilian na pwedeng gawing tema ng mga LITRATO na kuha ninyo! Nakalagay sa pubmat ito at basahin ng mabuti!

β˜‘οΈ Muli, ang age group ng Kabataan na maaaring sumali ay from 15 years old to 30 years old!

β˜‘οΈ Maximum of TWO (2) PHOTOGRAPHS per participant lamang.

β˜‘οΈ Pwedeng gumamit ng kahit na anong klaseng camera! Pwede ang MOBILE PHONES, DSLR, POINT AND SHOOT CAMERAS, AT FILM CAMERA!

β˜‘οΈ Wag kalimutan na gawan ng TITLE at DESCRIPTION / CAPTION ang inyong mga litrato!

β˜‘οΈ Sundin ang tamang format at specs ng inyong submission. Kapag hindi nasunod, AUTOMATIC AY DISQUALIFIED ANG INYONG ENTRY.

β˜‘οΈ Nasa registration link na ang uploading ng inyong mga Litrato!

β˜‘οΈ Deadline ng ating Registration: 4 SEPTEMBER 2026 (FRIDAY)!

Kung may katanungan pa tayo, wag po tayong mahihiyang magmessage sa ating page! Kaya ano pang iniintay natin? Sali na! I-scan lang natin ang QR code para makapag-rehistro!

Tara na mga kabataang photographer ng Angadanan! Galingan at ibahagi ninyo ang mga nakikita sa mga lente ninyo! πŸ‘πŸΌ

Local Government Unit of Angadanan
Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela



LINGGO NG KABATAAN 2026Nasaan naman ang mga Batang Angadanan na handang handa nang makipag-tagisan ng talino at galing??...
26/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Nasaan naman ang mga Batang Angadanan na handang handa nang makipag-tagisan ng talino at galing??

Narito ang ating guidelines para sa GAKIT QUIZ CUP!

Importanteng tandaan:

β˜‘οΈ Ang GAKIT QUIZ CUP ay SCHOOL-BASED. Ibig sabihin ang irerepresent ng mga Kabataan ay ang pangalan ng kanilang eskwelahan!

β˜‘οΈ Dalawang division ang maaaring salihan ng bawat eskwelahan: JUNIOR HIGH SCHOOL DIVISION at SENIOR HIGH SCHOOL DIVISION

β˜‘οΈ Bawat eskwelahan ay maaaring magsali ng TWO TEAMS OF THREE PARTICIPANTS lamang sa bawat division! At bawat team ay dapat may TEAM CAPTAIN (mula sa grupo ng participants) at TEAM COACH (mula sa inyong eskwelahan β€” mas maganda kung guro/subject teacher/school head).

β˜‘οΈ Ang mga grupo na nais sumali ay dapat ENDORSED ng SCHOOL PRINCIPAL ng inyong eskwelahan.

β˜‘οΈ Tandaan: Ang Junior High School ay binubuo ng Grade 7 hanggang Grade 10 students. Habang ang Senior High School naman ay binubuo ng Grade 11 & Grade 12 students. Iniiwan na namin kung paano magsstrategize ang isang grupo o eskwelahan tungkol sa composition ng kanilang isasaling mga grupo!

β˜‘οΈ Hindi mag-fofocus ang mga katanungan sa iisang subject lamang! Pwedeng tungkol sa history, science, math, language, literature, pop culture, current events, at kung ano anong topic!

β˜‘οΈ Deadline ng ating Registration: 4 SEPTEMBER 2026 (FRIDAY)

Kung may katanungan pa tayo, wag po tayong mahihiyang magmessage sa ating page!

Kaya ano pang iniintay natin? Sali na! I-scan lang natin ang QR code para makapag-rehistro!

Malay natin, baka sakaling malaking premyo ang nag-iintay para sa mga estudyante at eskwelahan na magcha-champion sa ating GAKIT QUIZ CUP! πŸ†

Local Government Unit of Angadanan
Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela



LINGGO NG KABATAAN 2026Tulad po ng nasabi natin kanina, narito po ang guidelines para sa gaganapin na ENTREPRENEURSHIP F...
26/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Tulad po ng nasabi natin kanina, narito po ang guidelines para sa gaganapin na ENTREPRENEURSHIP FAIR para sa ating mga KABATAANG BUSINESS MINDED!

Importanteng tandaan:

β˜‘οΈ Sa ngayon, 10 SLOTS muna po tayo! Kung mas maraming nais sumali, pwedeng pwede nating damihan ang slots.
β˜‘οΈ Madaming pwedeng produkto (pagkain, arts & crafts, etc)
β˜‘οΈ 2 days po gaganapin ang Entrep Fair β€” 12 & 13 SEPTEMBER 2026
β˜‘οΈ Ang mga considered na kabataan, sa ilalim ng batas, ay mula 15 years old hanggang 30 years old lamang.
β˜‘οΈ Deadline ng ating Registration: 30 AUGUST 2026 (Sunday)

Kung may katanungan pa tayo, wag po tayong mahihiyang magmessage sa ating page!

Kaya ano pang iniintay natin? Sali na! I-scan lang natin ang QR code para makapag-rehistro!

Tara na mga business minded na mga kabataang Angadanan!

Malay ninyo, pag naging successful ang inyong business dito sa Entrep Fair, mabigyan kayo ng pandagdag na panpuhunan ng Lokal na Pamahalaan ng Angadanan! πŸ‘πŸΌ



Para sa LINGGO NG KABATAAN 2026, tama na muna ang basketball at pageant! Tagisan muna tayo ng TALINO, GALING, AT PAGKAMA...
25/08/2026

Para sa LINGGO NG KABATAAN 2026, tama na muna ang basketball at pageant! Tagisan muna tayo ng TALINO, GALING, AT PAGKAMALIKHAIN! πŸ‘πŸΌ

Naniniwala ang Local Government Unit of Angadanan at ang Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela na madaming Batang Angadanang magagaling, hindi lang sa larangan ng sports! Kailangan lamang ay matutukan at mabigyan ng tamang oportunidad.

Para sa LNK 2026, excited tayong ibahagi ang activities sa bayan ng Angadanan na talaga namang susubukan ang talino at pagkamalikhain ng isang Batang Angadanan!

πŸ”˜ Kung ikaw ay isang estudyante na mahilig gumawa ng videos, posters, at mahilig kumuha ng litrato, para sayo ang ating SHORT FILM COMPETITION, POSTER MAKING CONTEST, at PHOTOGRAPHY CONTEST.

πŸ”˜ Kung ikaw naman ay estudyante na mahilig magbasa ng history o science, nakikinig sa current events, o talagang nag-eexcel sa eskwelahan, para sayo ang GAKIT QUIZ CUP!

πŸ”˜ Kung ikaw naman ay estudyanteng may business idea, kasalukuyan nang may business, o gustong sumubok kung para sa inyo ang magtayo ng sariling negosyo, para sa iyo naman ang ENTREP FAIR!

Oh diba? May activity para sa lahat!

Tandaan, ang focus natin ngayon ay ang ANGKING GALING NG ISANG BATANG ANGADANAN! Dahil ang Linggo ng Kabataan ay para sa inyo at para sa mas nakararaming kabataan!

Kaya ano pang iniintay natin? Sumali na tayo! Malay natin, pinamalas mo na ang galing mo, mag-uuwi ka pa ng premyo!

Note: Para po sa mechanics, ippost po natin pamaya-maya ito!



Pinapaalala po natin ah. HINDI PO PARKING LOT ANG OUTER LANES NG ATING MAIN HIGHWAY. Ilang beses na po tayo nagreremind ...
25/08/2026

Pinapaalala po natin ah.

HINDI PO PARKING LOT ANG OUTER LANES NG ATING MAIN HIGHWAY.

Ilang beses na po tayo nagreremind at nakikipag-coordinate sa ISU Angadanan tungkol po dito. May available parking areas sa loob ng eskwelahan.

Ayon po sa ISU Angadanan, dalawa lamang po ang requirement para makakuha ng VALID STICKER FOR PARKING SA LOOB NG ESKWELAHAN:
1. VALID ORCR
2. VALID LICENSE

Kapag meron ang estudyante na mga requirement na ito ay kaagad naman pong bibigyan ng sticker para makapasok at makapag-park sa loob ang mga sasakyan o motor ng mya estudyante.

Tanong lamang po, ibig sabihin po ba na ang mga motorsiklong naka-park sa OUTER LANES AT HINDI NAKAKAPAOSK SA PARKING NG ISU ANGADANAN CAMPUS ay wala nung mga valid requirements para makapag-park sa loob?

Dahil po OBSTRUCTION ang mga NAKA-PARK na motor na ito, iikot po ang Angadanan Traffic Management and Transportation Unit - ATMTU sa area na yan.

Pang-ilang beses na po tayong napagbibigyan at nawawarningan. Ilang beses na din po ang mga MOBILE LICENSING at VEHICLE REGISTRATION PROGRAMS po natin, pero mukhang wala pa din po.

Lahat po ng ILLEGALLY PARKED NA SASAKYAN (MOTOR, SASAKYAN, TRUCK - basta sasakyan) SA MAIN HIGHWAY, LALO NA PO SA AREA NG ISU ANGADANAN, automatic po ay titiketan ng mga kasamahan natin sa ATMTU.

*Photos from concerned citizens.

Address

Angadanan
3307

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joelle Mathea Panganiban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share