18/08/2023
FYI🙋♀️
Alinsunod sa mungkahi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ipinag-utos ni Kalihim Fred Pascual ng Department of Trade and Industry (DTI) ang masusing pagmamanman sa presyo ng bigas at pangangalaga sa karapatan ng mga mamimili.
Layunin ni Kalihim Pascual na mapanatili ang patas na presyo ng mga pangunahing bilihin para sa bawat mamayang Pilipino.