07/05/2026
May 7, 2026, matagumpay na isinagawa ang A Mother’s Day Special & Birthday Community Pantry na handog ni Kagawad Mary Hope “Dopya” Reyes para sa mga dakilang Ina ng Lourdes Sur East. 🌸
Sa pamamagitan ng programang ito, nakapagbahagi ng tulong at kasiyahan si Kagawad Dopya kasama ang Team Dopya Reyes bilang simpleng pasasalamat sa pagmamahal at sakripisyo ng bawat ina sa ating komunidad. 💖
Sa isinagawang distribution, present sina SK Chairman Verano Conese, Kagawad Doro Conese, Kagawad Rose Paras, Mr. Noel Nuqui, Mr. Bon Mangulabnan, Mr. Bbone Manalang, Mr. Enden De Leon, Youth Volunteer Ms. Cheska Conese, at Mr. Raimon Navarro na tumulong upang maging maayos at matagumpay ang programa.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta! ✨