16/04/2026
π Hindi ka nag-iisa sa iyong pag-iisa! π
Ipinagdiriwang ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City ang Solo Parents Week mula Abril 13β18, 2026 bilang pagkilala sa katatagan, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal ng ating mga solo parent.
Sa temang βHindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent,β layunin ng selebrasyong ito na magbigay ng suporta, pagkilala, at mga programang makatutulong sa kanilang kapakanan at sa kanilang mga pamilya.
Inaanyayahan namin ang lahat ng solo parents sa Angeles City na makiisa sa mga inihandang aktibidad at benepisyo para sa inyo. Sama-sama nating ipagdiwang ang inyong mahalagang papel sa ating komunidad. π