Angeles City Information Office

Angeles City Information Office Official Page of the City Information Office of the Angeles City LGU

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜-๐—˜๐— ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—˜๐—ฉ๐—”๐—–๐—จ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐Ÿ“… September 3, 2026 (Thursday) ๐Ÿ“SapangbatoBilang paghahanda sa inaasahang heavy rainfall and flood...
03/09/2026

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜-๐—˜๐— ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—˜๐—ฉ๐—”๐—–๐—จ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
๐Ÿ“… September 3, 2026 (Thursday)
๐Ÿ“Sapangbato

Bilang paghahanda sa inaasahang heavy rainfall and flood risks na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) base sa DOST-PAGASA Impact-Based Forecast No. 29, ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles sa pamumuno ni Mayor Carmelo "Jon" Lazatin II ay nagpatuloy sa paggawa ng field inspections at nagpatupad ng pre-emptive evacuation mula sa vulnerable slopes sa Sapangbato ngayong gabi.

Kaugnay nito, ang mga personnel mula sa Operations and Warning Division ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), sa tulong ng mga barangay officials, ay nagdeploy sa Purok Uno West upang tutukan at tulungan ang mga affected families, at upang i-secure ang mga high-risk zones.

Sa oras ng posting na ito, nasa dalawang pamilya na ang nai-evacuate mula danger zone papunta sa safe shelter. Samantala, naglagay na ng safety caution tape at mga warning signs ang mga responders paikot sa eroded perimeter upang i-secure ang danger zone.

๐— ๐—”๐—”๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—ช๐—”๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—จ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—œ๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜:

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก๐™š๐™จ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™จ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™๐™ž๐™จ๐™  ๐™๐™š๐™™๐™ช๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š
Globe: 0917 851 9581
Smart: 0998 842 7746

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก๐™š๐™จ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™š ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š
0907 742 8000
0908 377 0144

๐˜ฝ๐™ช๐™ง๐™š๐™–๐™ช ๐™ค๐™› ๐™๐™ž๐™ง๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก๐™š๐™จ
0995 822 3620
0925 451 3550

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก๐™š๐™จ ๐™€๐™ฃ๐™ซ๐™ž๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Ž๐™ฎ๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ข
0969 026 1458

๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™Ž๐™ค๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™’๐™š๐™ก๐™›๐™–๐™ง๐™š ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐˜ฟ๐™š๐™ซ๐™š๐™ก๐™ค๐™ฅ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š
0966 350 7393

๐Ÿ“ท ACDRRMO

๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ๐ค ๐ง๐  ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐‹๐†๐” ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐š๐๐จ ๐ง๐  ๐‡๐š๐›๐š๐ ๐š๐ญPatuloy ang pagtutok ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Laza...
03/09/2026

๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ๐ค ๐ง๐  ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐‹๐†๐” ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐š๐๐จ ๐ง๐  ๐‡๐š๐›๐š๐ ๐š๐ญ

Patuloy ang pagtutok ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin sa kalagayan ng mga Angeleรฑong apektado ng Southwest Monsoon o Habagat, kasabay ng patuloy na pagmomonitor at paghahatid ng assistance ng Angeles City Government sa mga komunidad.

Batay sa CSWDO Situational Analysis as of September 3, 2026, umabot sa 200 pamilya at 797 indibidwal ang nabigyan ng food packs sa tatlong barangay na isinagawa ang validation at distribution ngayong araw.

Kabilang dito ang:

Barangay Sapangbato (Balarao)
As of 7:00 PM, 38 pamilya o 149 indibidwal ang nabigyan ng food packs. Kabilang dito ang 83 lalaki at 66 babae. Ang mga pamilya ay kasalukuyang nananatili sa kanilang mga tahanan.

May 55 pang pamilya mula sa Heritage na na-validate ngunit hindi pa nabigyan ng food packs dahil sa malakas na ulan, kawalan ng maayos na venue at kuryente. Magpapatuloy ang distribution ng IMT3 bukas ng umaga upang maihatid ang kanilang food packs.

Barangay Sto. Domingo
As of 4:50 PM, 50 pamilya o 180 indibidwal ang nabigyan ng food packs, kabilang ang 83 lalaki at 97 babae. Ang mga pamilya ay kasalukuyang nasa kani-kanilang tahanan.

Barangay Cutcut
As of 1:00 PM, 112 pamilya at 2 solo-living Angeleรฑo, na may kabuuang 468 indibidwal, ang nabigyan ng food packs. Kabilang dito ang 236 lalaki at 242 babae.

May 12 pang pamilya na na-validate ngunit hindi pa nakatanggap ng food packs dahil kasalukuyang nasa trabaho.

Ang mga datos ay patuloy na bina-validate ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang matukoy ang pangangailangan ng bawat apektadong pamilya at maihatid ang nararapat na assistance.

Sa pamumuno ni Mayor Jon, patuloy ang koordinasyon ng mga concerned offices at Incident Management Teams upang matiyak na hindi napapabayaan ang mga komunidad na nangangailangan ng tulong habang nararanasan ng lungsod ang epekto ng Habagat.

Hinihikayat ang mga Angeleรฑo na manatiling alerto, makipag-ugnayan sa kanilang barangay officials, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na updates ng Angeles City Government.

๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™Š๐™† | ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐…๐€๐‚๐„-๐“๐Ž-๐…๐€๐‚๐„ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ | ๐’๐„๐๐“๐„๐Œ๐๐„๐‘ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”In view of the forecast of severe rainfall and the ...
03/09/2026

๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™Š๐™† | ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐…๐€๐‚๐„-๐“๐Ž-๐…๐€๐‚๐„ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ | ๐’๐„๐๐“๐„๐Œ๐๐„๐‘ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

In view of the forecast of severe rainfall and the continuing threat of heavy rains over the province including Angeles City, the Local Government, announces the suspension of face-to-face classes in all levels, both public and private schools, in Angeles City on Friday, September 4, 2026.

The decision was made as a precautionary measure to ensure the safety of our learners and teachers.

Parents and guardians are advised to keep children safe and continue to monitor official advisories from their respective schools and the City Government of Angeles.

The public is likewise encouraged to remain vigilant, avoid crossing flooded roads and waterways, and follow instructions from authorities.

Let us continue to look after one another and remain alert & prepared.

Stay safe, Angeleรฑos. ๐Ÿ™

๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ–-๐“๐š๐จ๐ง๐ -๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐‚๐ก๐ž๐ฌ๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐ฒ๐ž๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐๐จ๐š๐ก ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐๐š๐ฅ๐œ๐ข๐ฌ, ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ-๐๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐ฌ๐ข๐š๐ง ๐‚๐ก๐ž๐ฌ...
03/09/2026

๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ–-๐“๐š๐จ๐ง๐ -๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐‚๐ก๐ž๐ฌ๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐ฒ๐ž๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐๐จ๐š๐ก ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐๐š๐ฅ๐œ๐ข๐ฌ, ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ-๐๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐ฌ๐ข๐š๐ง ๐‚๐ก๐ž๐ฌ๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ

Isang batang Angeleรฑo ang muling nagbigay ng karangalan sa lungsod at sa Pilipinas matapos ang kahanga-hangang pagtatanghal ni Noah Lucas L. Palcis sa international chess competition sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang 8-taong-gulang na si Noah Lucas, isang Grade 3 learner ng Belen Homesite Elementary School, ay nagtapos sa ika-13 puwesto sa 46 na kalahok sa Under-8 category ng 21st Malaysian Chess Festival, na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia mula Agosto 27 hanggang 31, 2026.

Nagtapos siya na may 4.0 puntos sa anim na rounds ng Swiss competition, matapos makapagtala ng apat na panalo at dalawang pagkatalo sa Dato Tan Chin Nam Age-Group Chess Championship 2026.

Matapos makaranas ng pagkatalo sa ilang rounds, ipinakita ni Noah Lucas ang tunay na katangian ng isang atletaโ€”ang pagbangon, pagtitiyaga at hindi pagsukoโ€”at nagtala siya ng magkakasunod na panalo sa kanyang huling tatlong laro.

Nag-ambag din siya ng 5.5 puntos sa siyam na outings sa team event bilang bahagi ng kanyang kampanya sa international competition.

Ang kanyang paglahok ay sinuportahan ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin, kasama ang kanyang coach, paaralan, pamilya at mga kaibigan, na patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang batang chess player.

Hindi pa rito nagtatapos ang kanyang paglalakbay. Inaasahang lalahok si Noah Lucas sa Search for Future Chess Master Challenge na gaganapin sa Setyembre 19, 2026 sa Robinsons Angeles.

Patunay si Noah Lucas na ang edad ay hindi hadlang sa pag-abot ng pangarap. Sa bawat galaw sa chessboard, dala niya ang disiplina, tiyaga at tapang ng isang Batang Angeleรฑo.

Congratulations, Noah Lucas! Ipinagmamalaki ka ng Angeles City! โ™Ÿ๏ธ๐Ÿ†

Luid ka, Noah!

03/09/2026

๐ŸŽฅ ๐Œ๐ ๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐š๐ฉ๐ข๐ญ๐จ ๐ƒ๐ž๐ฅ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐‡๐ฒ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ง๐ข๐œ๐ฌ, ๐’๐ž๐ž๐๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐œ ๐…๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ณ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐ 

Hindi kailangang magkaroon ng malawak na lupain upang makapagtanim.

Ito ang isa sa mga mensaheng ibinahagi ng City Agriculture Office sa mga Angeleรฑong lumahok sa Gulayan sa Barangay sa Barangay Agapito Del Rosario noong Setyembre 3, 2026.

Sa suporta ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin II, tinuruan ang mga kalahok ng ibaโ€™t ibang praktikal na paraan ng pagtatanim na maaari nilang gawin kahit sa tahanan at sa limitadong espasyo.

Kabilang sa mga itinuro ang hydroponics, basic seedling production at pagtatanim, at paggawa ng organic fertilizer. Ipinakita rin sa mga kalahok na maaaring magsimula sa simpleng mga lalagyan at recycled materials, kabilang ang plastic cups at iba pang maaaring gawing containers, upang magkaroon ng sariling gulayan.

Mahalaga ito lalo na sa isang highly urbanized na lungsod tulad ng Angeles City, kung saan maraming pamilya ang maaaring walang malawak na bakuran para sa tradisyunal na pagtatanim.

Sa pamamagitan ng Urban Agriculture Program, nais ng Pamahalaang Lungsod na hikayatin ang mga Angeleรฑo na matutong magtanim ng sariling pagkain, saanman may maliit na espasyoโ€”sa paso, container, bakuran, o iba pang ligtas at angkop na lugar sa tahanan.

Ang Gulayan sa Barangay ay patuloy na iikot sa ibaโ€™t ibang barangay ng Angeles City. Ang mga interesadong residente ay hinihikayat na makilahok at makipag-ugnayan sa kanilang barangay para sa schedule at iba pang detalye ng programa.

๐—ฆ๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„, ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ:

๐ŸŒฑ Salapungan โ€” Setyembre 9
๐ŸŒฑ Sapalibutad โ€” Setyembre 10
๐ŸŒฑ Amsic โ€” Setyembre 16
๐ŸŒฑ Pampang โ€” Setyembre 17
๐ŸŒฑ Mining โ€” Setyembre 23
๐ŸŒฑ Pulung Cacutud โ€” Setyembre 24
๐ŸŒฑ Cut-Cut โ€” Setyembre 30
๐ŸŒฑ Sapangbato โ€” Oktubre 1

At magpapatuloy pa ang programa sa iba pang barangay ng Angeles City.

Sa pangunguna ni Mayor Jon, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga Angeleรฑoโ€”sapagkat sa bawat tahanang natututong magtanim, may pagkakataong magkaroon ng mas sariwa at masustansiyang pagkain para sa pamilya.

Kahit maliit ang espasyo, puwedeng magsimula. Kahit simpleng lalagyan, puwedeng pagtamnan.

๐ŸŒฑ Magtanim. Mag-alaga. Mag-ani. Para sa mas matatag at mas sustainable na pamayanang Angeleรฑo.

๐Œ๐ ๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐š๐ฉ๐ข๐ญ๐จ ๐ƒ๐ž๐ฅ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐‡๐ฒ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ง๐ข๐œ๐ฌ, ๐’๐ž๐ž๐๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐œ ๐…๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ณ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  Hindi kailang...
03/09/2026

๐Œ๐ ๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐š๐ฉ๐ข๐ญ๐จ ๐ƒ๐ž๐ฅ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐‡๐ฒ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ง๐ข๐œ๐ฌ, ๐’๐ž๐ž๐๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐œ ๐…๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ณ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐ 

Hindi kailangang magkaroon ng malawak na lupain upang makapagtanim.

Ito ang isa sa mga mensaheng ibinahagi ng City Agriculture Office sa mga Angeleรฑong lumahok sa Gulayan sa Barangay sa Barangay Agapito Del Rosario noong Setyembre 3, 2026.

Sa suporta ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin II, tinuruan ang mga kalahok ng ibaโ€™t ibang praktikal na paraan ng pagtatanim na maaari nilang gawin kahit sa tahanan at sa limitadong espasyo.

Kabilang sa mga itinuro ang hydroponics, basic seedling production at pagtatanim, at paggawa ng organic fertilizer. Ipinakita rin sa mga kalahok na maaaring magsimula sa simpleng mga lalagyan at recycled materials, kabilang ang plastic cups at iba pang maaaring gawing containers, upang magkaroon ng sariling gulayan.

Mahalaga ito lalo na sa isang highly urbanized na lungsod tulad ng Angeles City, kung saan maraming pamilya ang maaaring walang malawak na bakuran para sa tradisyunal na pagtatanim.

Sa pamamagitan ng Urban Agriculture Program, nais ng Pamahalaang Lungsod na hikayatin ang mga Angeleรฑo na matutong magtanim ng sariling pagkain, saanman may maliit na espasyoโ€”sa paso, container, bakuran, o iba pang ligtas at angkop na lugar sa tahanan.

Ang Gulayan sa Barangay ay patuloy na iikot sa ibaโ€™t ibang barangay ng Angeles City. Ang mga interesadong residente ay hinihikayat na makilahok at makipag-ugnayan sa kanilang barangay para sa schedule at iba pang detalye ng programa.

๐—ฆ๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„, ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ:

๐ŸŒฑ Salapungan โ€” Setyembre 9
๐ŸŒฑ Sapalibutad โ€” Setyembre 10
๐ŸŒฑ Amsic โ€” Setyembre 16
๐ŸŒฑ Pampang โ€” Setyembre 17
๐ŸŒฑ Mining โ€” Setyembre 23
๐ŸŒฑ Pulung Cacutud โ€” Setyembre 24
๐ŸŒฑ Cut-Cut โ€” Setyembre 30
๐ŸŒฑ Sapangbato โ€” Oktubre 1

At magpapatuloy pa ang programa sa iba pang barangay ng Angeles City.

Sa pangunguna ni Mayor Jon, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga Angeleรฑoโ€”sapagkat sa bawat tahanang natututong magtanim, may pagkakataong magkaroon ng mas sariwa at masustansiyang pagkain para sa pamilya.

Kahit maliit ang espasyo, puwedeng magsimula. Kahit simpleng lalagyan, puwedeng pagtamnan.

๐ŸŒฑ Magtanim. Mag-alaga. Mag-ani. Para sa mas matatag at mas sustainable na pamayanang Angeleรฑo.

๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ‘๐Ÿ ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐•๐€๐–๐‚ ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐žPatuloy ang Angeles City  LGU sa pamumu...
03/09/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ‘๐Ÿ ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐•๐€๐–๐‚ ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž

Patuloy ang Angeles City LGU sa pamumuno ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin sa pagbibigay ng suporta sa mga Angeleรฑong nangangailangan ng proteksyon, intervention at assistance kaugnay ng Violence Against Women and their Children (VAWC).

Sa isinagawang payout, 31 benepisyaryo ang nakatanggap ng VAWC Financial Assistance bilang bahagi ng suporta ng lungsod sa mga nangangailangan ng tulong matapos makaranas ng karahasan o iba pang sitwasyong sakop ng VAWC.

Sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), maaaring sumailalim ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa assessment upang matukoy ang kanilang pangangailangan at ang angkop na serbisyong maaaring maibigay.

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa CSWDO o sa mga kinauukulang VAWC desks para sa confidential assessment, referral at impormasyon tungkol sa requirements at proseso ng pag-avail ng assistance.

Hinihikayat ang sinumang nakararanas ng karahasan o nangangailangan ng tulong na huwag matakot na humingi ng suporta. May mga tanggapan at social workers na handang makinig, umalalay at magbigay ng nararapat na referral at serbisyo.

Sa Angeles City, ang malasakit ay hindi lamang salitaโ€”ito ay serbisyong umaabot sa mga Angeleรฑong higit na nangangailangan ng tulong at proteksyon.

๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ‘๐Ÿ ๐’๐จ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ฌ, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐š๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆKinikilala at sinusuportahan ng Angeles C...
03/09/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ‘๐Ÿ ๐’๐จ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ฌ, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐š๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ

Kinikilala at sinusuportahan ng Angeles City Government sa pamumuno ni Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin ang mahalagang papel ng mga solo parent leaders sa kanilang mga komunidad.

Sa isinagawang payout, 31 Solo Parent Presidents ang nakatanggap ng honorarium bilang suporta sa kanilang patuloy na paglilingkod at pakikilahok sa mga programa para sa kapakanan ng mga solo parent at kanilang mga anak.

Sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), patuloy na binibigyang-pansin ng lungsod ang mga pangangailangan ng solo parents at ang mga lider na nagsisilbing katuwang ng pamahalaan sa pag-abot ng mga programa at serbisyo sa kanilang mga komunidad.

Ang mga kwalipikadong solo parent leaders ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa CSWDO para sa impormasyon tungkol sa registration, qualification, requirements at proseso ng mga benepisyong nakalaan para sa solo parents.

Hindi lamang tulong ang hatid ng serbisyong itoโ€”pagkilala rin ito sa oras, responsibilidad at malasakit ng mga lider na nagsisilbi sa kanilang kapwa solo parent.

Sa Angeles City, may malasakit sa solo parent, may suporta sa pamilya, at may serbisyong maaasahan. โค๏ธ

๐Ÿ“ท: CSWDO

๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ‘๐Ÿ”๐Ÿ— ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐žPersonal na nakibahagi si Mayor Carmelo โ€œJo...
03/09/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐Ÿ‘๐Ÿ”๐Ÿ— ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž

Personal na nakibahagi si Mayor Carmelo โ€œJonโ€ Lazatin sa isinagawang payout ng Angeles City LGU, bilang bahagi ng patuloy na pagtutok sa mga Angeleรฑong nangangailangan ng tulong at suporta.

Sa isinagawang payout, 369 benepisyaryo ang nakatanggap ng Financial Assistance para sa kanilang pangangailangang medical, at burial.

Ang programa ay bahagi ng serbisyong inihahatid ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga kwalipikadong residente na nangangailangan ng tulong pinansyal dahil sa gastusing dulot ng karamdaman, pagkamatay ng kapamilya, o pangangailangan sa edukasyon.

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ?
Kabilang sa maaaring ma-assist ang mga Angeleรฑong dumaraan sa partikular na sitwasyong nangangailangan ng financial support, subject sa assessment at qualification requirements ng CSWDO.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ถ๐—น?
Maaaring lumapit sa CSWDO at isumite ang kinakailangang dokumento para sa assessment. Tinitingnan ng social workers ang sitwasyon at pangangailangan ng aplikante bago maaprubahan ang assistance.

Mahalagang tandaan na ang bawat uri ng assistance ay may sariling requirements at qualification criteria, kaya hinihikayat ang mga nangangailangan na direktang makipag-ugnayan sa CSWDO para sa tamang proseso at kumpletong impormasyon.

Sa pamumuno ni Mayor Jon Lazatin, patuloy ang Angeles City LGU sa paghahatid ng serbisyong hindi lamang mabilis, kundi may malasakit at nakatuon sa tunay na pangangailangan ng bawat Angeleรฑo.

03/09/2026

Address

Angeles City
2009

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angeles City Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share