01/06/2026
๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐: ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ซโจ
โNgayong araw, Hunyo 1, 2026, matagumpay nating idinaos ang Brigada Eskwela sa Amsic Integrated School sa ilalim ng inisyatibo at pamumuno ng ating Barangay Amsic Council, sa pangunguna ni Kap. Gerom P. Costales.
โAng sama-samang paggawa ay hindi lamang paghahanda sa pagbabalik-eskwela, kundi isang pagpapakita ng pagkakaisa para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Layunin ng ating pagtutulungan na matiyak na ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran upang mas ganahan silang matuto.
โTaos-puso kaming nagpapasalamat sa mga organisasyong tumugon sa panawagan at nakiisa sa gawaing ito:
โคโLGBT Federation of Angeles City
โคโSALA Organization
โคโPGBI
โคโAIS SPTA
โคโAMP 2 TODA
โคโSOLO Parents
โคโKALIPI
โคโAmsic LGBTQIA+
โคโSK Council
โคโBarangay Amsic Employees
โBukod sa paglilinis at pag-aayos ng mga silid-aralan, naghandog din ang ating mga katuwang ng libreng gupit para sa mga bata, libreng almusal at tubig, at namahagi ng mga cleaning materials at mga halaman upang mas mapaganda ang ating paaralan.
โMaraming salamat, Amsic Integrated School, sa mainit na pagtanggap at pagpapaunlak sa amin. Ang inisyatibong ito ay higit pa sa paglilinis ng paaralanโito ay patunay ng ating pagmamalasakit at suporta sa bawat batang mag-aaral ng Amsic.
โPadayon, Barangay Amsic! Para sa mga bata, para sa kinabukasan! ๐
โ